Kinabukasan… iniimbestigahan ng mga pulis ang bangkay na nasa kagubatan at ang bangkay ni ligaya na nakalutang sa lumang tulay.
Pagkatapos nun ay nagpunta kami ni bernard sa baryo nila ka-berting at kahit umaga pa ay nag 'tabi-tabi po' pa rin kami doon sa gitna ng daanan.
Pagkarating namin sa bahay ni ka-berting ay dito ko nakita si lola mariposa na nag luto ng kanin.
“Oh mga bata, kamusta ang buhay ninyo? Okay pa ba kayo?“ Tanong niya.
Nabigla naman ako, ano kaya ang ginawa niya sa bahay nila ka-berting?
“Okay lang naman lola, ikaw ba. Anong ginawa dito sa bahay ni ka-berting?“ Tanong ko.
Ngumiti naman si lola at nagsalita.
“Hindi ko pa ba nasabi sa inyo na kapatid ko si berting?“ Sabi niya.
Nabigla naman kami ni bernard tsaka nagsalita si bernard.
“Kaya pala magkamukha kayo lola.“ Sabi niya.
Agad namang natawa si lola at sumagot.
“Sinungaling kang bata ka, paano kami magkamukha e'hindi naman kami totoong magkapatid. Ampon lang si ka-berting sa buhay pa ang inay namin haha.“ Natatawa niyang sabi.
Napangiti nalang ako pero hindi naman ako nandito para makipag katuwaan kay lola mariposa, kaya nagsalita na ako sa totoo kong sadya.
“Lola, nandjan po ba si ka-berting?“ Tanong ko.
Tumango naman siya at nagsalita.
“Oo, at kanina pa niya kayo hinintay.“ Sabi niya.
Nagpasalamat naman kami ni bernard tsaka kami pumasok sa kubo nila.
“Magandang umaga ka-berting.“ Sabi ko.
“Magandang umaga rin iha, maupo kayo sa sahig.“ Sabi niya.
Umupo naman kami sa sahig at dito nga ay nakikiusap ako kay ka-berting na kung pwedeng makipag usap ako ulit sa kahit sino kay ligay at marikit.
“Para saan naman yan at ano ang dahilan?“ Sabi ni ka-berting.
Sumagot naman ako.
“Nabigyan na po namin ng hustisya silang dalawa, kaya pwede na silang manahimik ng mapayapa.“ Nakangiti kong sabi.
Ngumiti rin si bernard pero walang emosyon si ka-berting na ipinagtaka namin.
“Sigurado ka bang nabigyan mo na sila ng hustisya? Napakabilis naman yata. Tsaka base sa awra ng isang babaeng nasa likod mo ay parang nakasimangot siya.“ Sabi ni ka-berting.
Dahil dun ay hindi namin siya maintindihan.
“Ano po ang ibig mong sabihin?“ Tanong ko.
Sumagot naman siya.
“Hindi ko alam iha, mas mabuti nang kayo na ang mag usap.“ Sabi niya at kinuha ang ouija board tsaka niya nilapag sa sahig.
Nilaro namin ulit yun at as expected ay nagpakita si marikit.
Pero hindi lang siya nag iisa, dahil sa pagkakataon na ito ay kasama na si ligaya na unang nagpapakita sakin sa panaginip.
“Nabigyan na namin ng hustisya ang pagkatamay ninyo.“ Sabi ko.
Nang malaman nila marikit at ligaya ang nangyari ay agad namang natuwa si marikit, pero halos sasabog na sa galit ang mukha ni ligaya.
“Hindi ko matatanggap iyan! Kailangan pagbabayaran rin ni tala ang kasalanang nagawa niya kasama mo marikit!“ Sabi niya.
Agad namang sumimangot si marikit at sumagot.
“Wala ka ba talagang puso ligaya? Or wala kang kwenta mag isip?“ Sabi niya at nagsalita pa.
“Paano mo magawang ipakulong ang sarili mong kapatid!?“ Sigaw niyang sabi.
Sumagot naman si ligaya.
“Dahil nagkasala siya sa batas!! Kailangan niyang pagbayaran iyon!!“ Sabi niya.
Agad namang nagalit si marikit at sumagot.
“Napahangal! Walang ginawang masama si tala ligaya! Ako ang gumawa ng mga patayang nagaganap sa bahay ni mang isko at sa bahay nila gregor!“ Sigaw niyang sabi.
Sumagot pa rin si ligaya.
“Pero ang pag sang-ayon niya sa gusto mo at ang pag payag niyang gumanti sa maling pamamaraan ay isang maling desisyon na kailangan ninyong pagbarayan sa batas!!“ Sigaw niya.
Nagsumula nang magalit si marikit, pero pinilit pa rin niyang kumalma.
“Wala kana sa tamang pag iisip kapatid, wala namang dungis ang kamay ni tala. Malinis siya at inosente, sabihin nalang nating sumang ayon nga siya sa kagustuhan ko pero hindi ko naman dinumihan ang kamay niya. Alam ko kung ano ang mangyayari kapag nalaman ng batas na pumatay si tala. Kaya ako na ang gumawa ng patayan.“ Pagpaliwanag pa ni marikit.
Sumagot naman si ligaya.
“Pero kasabwat mo pa rin siya, at bilang isang buhay na tao. Hindi naman sila naniniwalang kagagawan ito ng multo, dahil naniniwala silang hindi kayang mahawakan ng kaluluwa ang tao marikit. Kaya imposibleng hindi masisisi si marikit sa mga pinag-gagagawa mo!“ Sabi niya.
Dahil dun ay walang masagot si marikit, kahit kaming dalawa ni bernard ay sang ayon sa sinabi ni ligaya.
“So, papayag kang magdusa si tala sa loob ng kulungan habang buhay? Kasi sa oras na malaman ng batas na si tala ang pumatay sa asawa at anak ni mang isko ay malamang mapaparusahan siyang guilty at murderer, ibig sabihin nun habang buhay na pagkakakulong. Naintindihan mo ba?“ Sabi ni marikit.
Walang masagot si ligaya at nakayuko lang siya.
Dahil dun ay nagsalita ako.
“Sa pagkakaalam ko, namatay ang asawa ni mang isko dahil sa sakit sa puso. Tama ba?“ Sabi ko.
Sumagot naman si marikit.
“Oo, at ako ang may kagagawan nun.“ Sabi ni marikit.
“Tapos saan mo naman ginawa iyon?“ Tanong ko.
Sumagot naman si marikit.
“Sa sala, habang kumakain siya at nanonood ng TV ay nagpakita ako at tinakot ko. Dahil dun ay inatake siya sa puso.“ Sabi ni marikit.
Agad namang nagsalita si bernard.
“So ibig sabihin, hindi masisisi si tala dito dahil may cctv naman sa sala nila mang Isko diba karra?“ Sabi niya.
Dahil dun ay naalala ko nga, oo nga. May cctv sa sala nila mang isko.
“Ibig sabihin, ligtas na si tala sa pagkamatay ng asawa ni mang isko.“ Sabi bernard.
“Oo nga! Ligtas na si tala sa pagkamatay ng asawa ni mang isko!“ Sabi ko.
Sumagot naman si ligaya.
“Pero sa pagkamatay ng anak ni mang isko! Hinding hindi makakaligtas si tala doon! At mabubulok siya sa kulungan at dahil yun sayo marikit!“ Sabi ni ligaya.
Sumimangot si marikit at sumagot.
“Paano mo naman nasabi yan ligaya!?“ Sabi niya.
Sumagot naman si ligaya.
“Dahil may fingerprints ni tala sa bangkay ng anak ni mang isko, tatanga-tanga ka kasi. Bat mo pa inutusan si tala na mag libing? Pwede mo namang iwan nalang na nakahandusay!“ Sabi ni ligaya.
To be continue…
⚠️: Ops! Wag kalimutang mag COMMENT at VOTE bago aalis at paki FOLLOW na rin, maraming salamat!
SENYORITONG ANEL.
BINABASA MO ANG
THE UNINVITED GUEST (Karra Series #1)
HorrorAng kwentong ito ay tungkol sa isang babaeng biniyayaan ng kakaibang talento na wala sa mga normal na tao. May mga nagpapakitang multo sa kanya na hindi malaman-laman ang totoong motibo o dahilan. Tara na't alamin natin ang buong storya sa nangyayar...