“Kung hindi ka kilala ni eva, paano kayo naging magkaibigan? Tsaka hindi ka pala niya inimbitahan dito pero nag punta ka?“ Tanong ko.
Agad naman siyang tumayo at nagsalita.
“Well, I am just an uninvited guest.“ Sabi niya at umalis na sa bahay nila eva.
Dahil dun ay naiwan akong tulala, hindi ko manlang namalayan na nasa kalahati na pala yung baboy at ubos na yung coke na binigay niya sakin.
Hindi ko na tinuloy ang pag kain sa baboy at ilang minutong pag papahinga ay bigla akong nilapitan ni eva.
“Busog na busog ah?“ Sabi niya habang nakangiti.
Ngumiti lang rin ako at nagsalita.
“Ikaw eva ha, nagpapasok pala kayo ng mga hindi kilalang tao dito.“ Sabi ko.
Agad naman siyang nagtaka.
“Ha? Anong pinagsasabi mo? Lahat ng tao dito ay kakilala namin ni mommy.“ Sagot niya.
Tinarayan ko siya at nagsalita ako.
“Well, kita mo yan? (Sabay turo sa pagkaing baboy.) Inabutan lang naman niya ako nyan.“ Sabi ko.
Natawa lang si eva at sumagot.
“So, kinain mo naman?“ Ika pa niya at tumawa.
Sumimangot lang ako na ang ibig sabihin ay oo, kaya hummalakhak siyang tawa.
“Ayan kasi! Napakatakaw mo! Walang pinagkaiba kay karra!“ Pagbibiro pa niya at dito nga ay tinawag siya ng mama o mommy niya kaya nagpaalam muna siyang aalis.
Hinayaan ko nalang siya, at dito nga ay agad na akong tumayo at lumabas ng bahay. Nagpunta ako sa bahay nila karra at nadaanan ko si jake na naglalakad sa daan kaya nilapitan ko.
Nag kwentuhan na muna kami habang naglalakad dahil sabi niya papunta rin daw siya sa bahay nila karra at doon naman ako patungo kaya nagkasabay na kami.
Sinabi niya sakin na hindi siya makakatuloy sa patimpalak dahil sa tiyuhin niyang nasa hospital, pagkarating namin sa bahay nila karra ay agad naman niyang sinabi ang tungkol roon.
Medyo naawa nga ako kay karra dahil gustong gusto pa naman niyang sumali.
“Okay lang jake, naintindihan ko naman. Paki kamusta ako sa tiyuhin mo ha.“ Ika pa niya at dito nga ay agad nang umalis si jake.
Wala kaming ibang pagpipilian kundi ang humanap ng ka-partner ni karra pero mas gusto daw ng mga lalaking inaluk namin na maging partner ni karra na manood keysa sumali, kaya walang choice si karra kundi ang hindi nalang sumali.
Ilang oras lang ang lumipas ay gumabi na nga at nandito ako ngayon sa loob ng make up room dahil may nagbayad naman sakin na make-upan ko daw ang pambato nila since hindi naman makakasali si karra sa patimpalak.
Habang nag ni-make-upan ko ang babae ay nabigla nalang ako dahil biglang pumasok si karra sa loob at nagpunta sakin.
“Oyy karra, anong ginawa mo dito?“ Tanong ko.
“Wala lang (sabay tingin sa babae) wow! Ang ganda mo!“ Nakangiti niyang sabi.
Ngumiti rin pabalik yung babae at sumagot ako.
“Syempre, ako ang nag make up eh.“ pagbibiro ko pa.
Natawa ulit yung babae habang nakatingin sa salamin, kaya sumagot si karra.
“Oo na bakla, kahit hindi mo pa make-upan yan ay talaga namang maganda yang si jessa.“ Sabi niya.
Tinarayan ko si karra, at dito nga ay agad siyang tumalikod at naglakad. Parang may hinahanap siya. Pero kalaunan ay bumalik rin dito sakin.
Habang naglakad siya pabalik ay bigla siyang tumigil na ipinagtaka ko, para siyang nakakakita ng multo. Halatang halata naman kahit hindi ako nakatingin sa kanya.
At dito nga ay imbes papunta siya sakin ay naglakad siya sa kabilang direksyon, kaya napatingin ako sa kanya.
“Nagtatampo ba ang babaeng to dahil dapat siya ng ni-make-upan ko?“ Tanong ko sa isip.
At dahil malapit nang magsimula ang patimpalak ay hindi ko nalang ininda si karra at ilang minutong pag me-make up ay natapos na rin ako sa wakas.
Kaya agad ko siyang pinaharap sa salamin para makita niya kung gaano ako kagaling mag make up. Pero sa hindi inaasahan, napatingin rin ako sa salamin dahil gusto ko makita ang mukha niya habang nakikita ko rin ang mukha ko. Pero nabigla nalang ako nang makita ko yung reflection nung babae sa salamin na walang ulo.
Agad akong natigilan, ito din kaya ang nakikita ni karra kanina kaya siya hindi tumuloy sa pag lapit sakin?
“Oy wow! Ibang klase ka talaga sammy!“ Sabi niya sa tuwa habang nakangiting nakatitig sa salamin, pero wala siyang kaalam alam na wala akong nakikitang ulo.
“Ah'ehh… hehehe…” tanging yan lang ang sagot ko at iniwas ko ang tingin ko sa salamin at tumingin ako sa kanya.
“Ang ganda ko.“ Dagdag pa ni jessa.
Tumingin ako ulit sa salamin pero wala talaga siyang ulo.
Medyo natatakot na ako sa babaeng to at aakmang tatayo na sana ako pero biglang sumakit ang tyan ko.
“Wala kana bang kailangan jessa? Mag c-cr lang muna ako.“ Sabi ko.
Tumango naman siya habang nakangiti, nagugustuhan talaga niya ang pag make up ko sa kanya, pero bago ako umalis ay tumingin ako ulit sa salamin pero wala talaga siyang ulo sa reflection.
Agad na sumakit pa ang tyan ko kaya dali dali na akong pumunta sa cr, naglabas ako ng dumi at pagkatapos nun ay agad akong nagpunta sa labas para nakikinood.
Lumipas ang mga oras at natapos na ang patimpalak, nakakalungkot lang dahil hindi nanalo si jessa.
Masaya kaming umuwi ni karra, pagkarating ko sa bahay ay nakita ko si mama na nanood ng palabas.
“Oh, tapos na ba ang patimpalak?“ Tanong niya.
Tumango naman ako at dito nga ay tumingin si mama sakin at sa pag tingin niya sakin ay nagulat nalang ako dahil biglang lumaki ang mga mata niya habang gulat na gulat.
“Ma, Bakit?“ Tanong ko.
Ngumiti naman siya na ipinagtaka ko, dahil yung ngiti niya ay parang na pipilitan lang.
“Wala sam, matulog kana at malalim na ang gabi.“ Sabi niya at pinatay ang telebisyon, inantay lang pala niya akong umuwi.
At dahil isa lang ang kwarto namin sa bahay ay nasa sala lang kaming tatlo ng mga kapatid ko matulog, sila mama at papa naman ay nasa kwarto.
Agad akong humiga at natulog…
Sa kalagitnaan ng gabi ay nagising ako dahil sa sobrang sakit ng tyan ko.
Agad akong nagpunta sa cr at pumasok, umupo ako sa inidoro aakmang maglalabas na sana ako ng dumi nang bigla kong nakita yung babaeng nakausap ko kanina sa bahay nila eva na nakalambitin na sa kisame namin.
Dahil dun ay agad akong napatayo at aakmang sisigaw pero sumakit nanaman ang tyan ko dahilan para napayuko ako sa sahig.
Tumingin ako ulit sa kisame at dito nga ay nakita ko siyang nakangiti habang nakatitig sakin sabay sabing…
“Sorry, i am just an uninvited guest.“
To be continue…
⚠️: Ops! Wag kalimutang mag COMMENT at VOTE bago aalis at paki FOLLOW na rin, maraming salamat!
SENYORITONG ANEL.
BINABASA MO ANG
THE UNINVITED GUEST (Karra Series #1)
HorrorAng kwentong ito ay tungkol sa isang babaeng biniyayaan ng kakaibang talento na wala sa mga normal na tao. May mga nagpapakitang multo sa kanya na hindi malaman-laman ang totoong motibo o dahilan. Tara na't alamin natin ang buong storya sa nangyayar...