“Bernard, kanina kasi ay nakita kasi kitang walang ulo habang naglalaro ka ng baraha.“ Sabi ko.
Nabigla naman siya sa sinabi ko.
“Mag iingat ka ha? Kasi ganyan din yung nakita ko kay sammy bago siya namatay.“ Dagdag ko pa.
Agad naman siyang nagulat at sumagot.
“Kung ganun, nadadamay na nga ako.“ Sabi pa niya.
“Kaya nga pinapaingat kita.“ Sagot ko.
Tumango naman si bernard at lumipas ang mga oras ay nagtanghalian na, hindi siya umuwi at kumain kaming dalawa sa restaurant. Ayoko kasing maghiwalay kami baka ano pa ang nangyare sa kanya since may nakita akong palatandaan na may mangyayare sa kanyang masama.
Pagkatapos namin kumain ay inabutan kami nung babae ng bills kung magkano ang aming babayaran.
“Here's your bills.“ Nakangiti niyang sabi.
Nang maabot ko yung bills ay napansin kong kulay itim ang mga kuku niya at kulay abo yung balat niya sa kamay.
Agad namang kinuha ni bernard ang bills at tiningnan kung magkano ang babayaran.
Pero hindi ako mapakali, bakit ganun ang kulay ng balat niya?
“Ito po miss.“ Sabi ni bernard at nag abot ng bayad.
“Thank you mister, I hope you both enjoyed eating here at our restaurant.“ Sabi niya at nakangiti lang.
Sumagot naman si bernard.
“Oo naman, ang sarap ng mga luto nyo rito ah. Sarap balik balikan.“ Ika pa niya.
Ngumiti ulit yung babae at sumagot.
“Is that so? then that's good.“ Sabi niya at lumapit sakin.
“Hindi ko kasi alam na masarap pala ang luto dito eh.“ Dagdag pa niya sabay tiingin sakin.
“Because I am just an uninvited guest.“ sabi niya at umalis.
Dahil dun ay agad akong nagtaka, anong ibig sabihin niya dun? Si bernard din ay nagtaka.
“Uninvited guest? May okasyon ba dito?“ Tanong niya.
Sumagot naman ako.
“Ano okasyon bang pinagsasabi mo?“ Tanong ko.
Napasimangot naman siya at tumingin sakin.
“Diba guest sa tagalog ay bisita? So hindi siya bisita rito.“ Sabi niya.
Tumango lang ako at sumagot.
“Siguro hindi siya bisita, kasi nandito lang siya para mag trabaho.“ Sabi ko.
Hindi na sumagot si bernard dahil wala namang kabuluhan ang Pag-uusap na yun.
Agad na kaming lumabas at naglakad sa kalsada, habang nag lalakad kami ay hindi talaga ako mapakali, kasi pag namutla na ang tao ibig sabihin kulang sa dugo o iron. Pero ibang usapan na yun pag maitim rin ang kuku.
Ang dami kong iniisip, kaya habang nag lalakad kami sa kalsada ay may nabangga si berbard na pulubi.
*BERNARD's POV*
Ang daming iniisip ni karra, , kaya habang nag lalakad kami sa kalsada ay may nabangga akong pulubi.
“Hejua… vuskado hejumelks” bulong niya.
Bigla naman akong nagtaka.
“Ha?“ Kunti kong sabi dahil hindi ko maintindihan.
Ngumiti lang yung babae at nagsalita.
BINABASA MO ANG
THE UNINVITED GUEST (Karra Series #1)
HorrorAng kwentong ito ay tungkol sa isang babaeng biniyayaan ng kakaibang talento na wala sa mga normal na tao. May mga nagpapakitang multo sa kanya na hindi malaman-laman ang totoong motibo o dahilan. Tara na't alamin natin ang buong storya sa nangyayar...