“Bat mo pa inutusan si ligaya na mag libing? Pwede mo namang iwan nalang na nahandusay ang bangkay sa loob ng bahay ni mang isko!“ Sabi ni ligaya.
Dahil dun ay mawalang masagot si marikit.
“So, ano na ang dapat naming gawin?“ Tanong ni bernard.
Sumagot naman si marikit.
“Wala na, hindi na namin kayo guguluhin.“ Sagot niya.
Sumimangot naman si tala at sumagot.
“Hindi! Kailangang pagbayaran ni tala ang nagawa niyang kasalanan!“ Ika pa niya.
Dahil dun ay mas lalong nagalit si marikit at aakmang lalapit kay ligaya pero pinigilan ni mariposa.
“Sandali, paano mo ba pinatay ang anak ni isko marikit?“ Tanong ni lola.
Sumagot naman si marikit.
“Kagaya ng pagpatay ko kay samuel, yung binabaeng anak ni gregor. Pinakain ko siya ng hilaw na karne, kagaya lang rin ng ginawa ko sayo bernard.“ Sabi niya.
Agad naman akong nagtaka.
“Diba hindi mahawakan ang mga multo? Ang tanging magagawa lang ninyo ay ang magpapakita o takutin ang mga tao?“ Sabi ko.
Sumagot naman si ka-berting.
“Aparisyon iha, ang aparisyon ay isang uri ng supernatural na kapangyarihan. May dalawa kasi itong kayang gawin.“ Sabi niya at nagsalita pa.
“Una, makakakita ka ng isang multo sa ibang anyo, kagaya ng mga taong walang ulo, mga taong namamatay na tila ba'y totoo, pero hindi iyon totoo. Mangyayari palang.“ ika pa niya at nagpaliwanag pa.
“Ang pangalawa naman ay ang mga tao, Oo. Totoong tao, makakakita ka ng totoong tao na walang ulo o kahit ano. halimbawa nalang ay may isang taong kakilala mo, pero magugulat ka nalang dahil iba ang anyo ng mukha niya. Tapos pag hinimas mo ang mata mo ay tsaka mo lang makikita ang totoong hitsura ng taong yun.“ Pagpaliwanag pa niya.
Nagsalita naman si lola mariposa.
“At iyan ang dahilan kung bakit kusang lumalapit sayo si ligaya at si marikit, dahil alam ni ligaya na matutulungan mo siya kaya siya lumapit. At alam ni marikit na magiging sagabal ka sa mga plano niya kaya rin siya lumapit sayo.“ Pagpaliwanag pa nilang dalawa ni lola mariposa.
Ngayon ay mas lalong naintindihan ko na ang lahat, kasi wala naman akong nagambalang kaluluwa pero nandito sila ngayon. Dahil pala ito sa aparisyon.
Agad kong tiningnan sila marikit pero nagulat nalang ako dahil wala na sila sa paligid.
“Ano na karra? Natapos na ba tayo? Babalik na ba sa normal ang buhay natin?“ Tanong ni bernard.
Actually di ko rin alam, kasi nabigyan na namin sila marikit ng hustisya pero bakit hindi pa sila pumunta sa kabilang mundo kung saan nararapat ang mga ispirito?
“Siguro tapos na bernard, pero may isa lang ako tatapusin. Kailangan kong malaman kung saan nilibing ni tala ang bangkay nung anak ni mang isko.“ Sabi ko.
Sumagot naman si bernard.
“Samahan na kita karra, tara na.“ Sabi niya.
Agad naman kaming tumayo at muli ay nagpapasalamat kami kay ka-berting at kay lola mariposa sa tulong na binigay nila samin.
Agad na kaming bumalik sa presento at doon namin nakita si mang isko na kasalukuyang nakakulong.
“Mga paki-alamerang mga bata!!“ Sigaw ni mang isko sa loob ng kulungan.
Tiningnan ko lang siya at hindi na ako sumgot.
Pero ang ipinagtaka ko, asan si tito gregor? Bakit wala pa siya sa dito?
Bigla namang nagtanong si bernard.
“Hello, asan na po yung isa pa niyang kasama?“ Tanong ni bernard.
Sumagot naman yung pulis.
“Kasalukuyan pang hinahanap, este hinabol dahil nagpupumiglas. Ayaw naman naming barilin para hindi masaktan. Kasi the more na healthy ang isang tao ay the more na mag su-suffer sila sa loob ng kulungan. Ang pangit kasi pag may niramdam na sakit ang kriminal dahil pabalik balik sa hospital.“ Ika pa niya.
Dahil dun ay parang pagsisihan nga nila mang isko ang ginawa nilang pang babab0y kay tala.
“Kung ganon, nasaan pala si tala? Este yung dalawang gin@h*sa nila?“ Tanong ko.
Binigyan naman niya ako ng address kung saang hospital dinala si tala para magamot.
Nagpapasalamat kami sa pulis tsaka lang namin pinuntahan ang nasabing hospital, pagkarating namin doon ay nakita namin si tala na nakaupo.
Nang makita niya ako ay bigla naman siyang nagulat at agad na natakot.
Kaya agad ko siyang nilapitan tsaka ako nagsalita.
“Wag kang mag alala, alam namin ang lahat ng nangyayari.“ Sabi ko.
Agad naman siyang ngumiti pero bakas pa rin ang lungkot sa kanyang mukha.
“Uhm. Pwede mag tanong? Saan mo ba nilibing ang bangkay sa anak ni mang isko?“ Deritsahang sabi ni bernard.
Nabigla nanaman ulit si tala at nanginig.
“I-inosente ako!“ Sabi niya.
Agad ko namang pinakalma si tala tsaka ko pinatikom ang bibig ni bernard.
“Oo tala, alam ko. At kami rin ang nagpahuli kay mang isko at kay tito gregor.“ Sabi ko at nagsalita pa.
“Ngayon naman, at para matahimik na ang buhay ng dalawa mong namayapang kapatid ay gusto ko sanang sabihin mo sakin kung saan mo nilibing ang bangkay?“ Kalma kong tanong.
Nagdadalawang isip si tala na sumagot, pero nagawa pa rin niyang sabihin samin.
“Nakakausap nyo pala sila.“ Sabi niya.
Tumango ako at sumagot.
“Humingi ng tulong sakin si ligaya, pero si marikit ay hindi. Dahil tapos na siya sa pag hi-higante.“ Sabi ko.
Napatango nalang si tala at dito nga ay sinabi niya kung saan nakalibing ang bangkay, parang naniniwala siya samin.
Agad naman namin yung pinuntahan at ilang oras lang ay nakarating na nga kami doon sa gilid ng sapa kung saan kami naliligo ni sammy noon, medyo natagalan kami sa pag hahanap kasi medyo malawak ang kagubatan roon.
Nang makita na namin ang bangkay ay agad naming pinicture-an ni bernard pero hindi namin hinawakan, baka masali pa ang finger frints namin.
Napakasaya namin dahil sa wakas ay matatapos na rin ang problema nila ligaya at marikit, pero ang ipinag aalala ko lang ng husto ay baka makulong si tala. At kapag mangyari yun ay jusko po! Mag aaway nanaman ang dalawang yun imbes na manahimik na sa kabilang buhay. Im sure na magagalit rin sakin si marikit at madadamay nanaman kami ni bernard, sana lang hindi niya idamay ang mga pamilya namin at kaibigan.
Agad na kaming umalis ni bernard sa kagubatan na nakangiti, pero habang naglalakad kami ay biglang may humawak sa braso ko ng napakahigpit kaya napalingon ako sa likuran ko.
Pag lingon ko ay agad na lumaki ang aking mga mata, bigla akong kinabahan at nagsimula na akong matakot. Dahil nakita ko si tito gregor na nakahawak sa braso ko habang nakasimangot at galit na galit siyang nakatingin sakin.
To be continue…
⚠️: Ops! Wag kalimutang mag COMMENT at VOTE bago aalis at paki FOLLOW na rin, maraming salamat!
SENYORITONG ANEL.
BINABASA MO ANG
THE UNINVITED GUEST (Karra Series #1)
HorrorAng kwentong ito ay tungkol sa isang babaeng biniyayaan ng kakaibang talento na wala sa mga normal na tao. May mga nagpapakitang multo sa kanya na hindi malaman-laman ang totoong motibo o dahilan. Tara na't alamin natin ang buong storya sa nangyayar...