Lumipas ang ilang minuto tsaka lang ako natapos kumain, kaya agad akong pumunta sa gilid para itapon sana ang paper plate.
Pero pagkarating ko doon ay nagulat nalang ako dahil nakita ko si sammy na nakahiga na sa lupa habang bumubula yung bibig.
Dahil dun ay aakmang lalapitan ko sana siya nang bigla akong tinawag nung maid.
“Karra!“ Sigaw niya.
Imbes na lalapit ako kay sammy ay napatingin ako sa maid at sumagot.
“Si sammy! Tulungan natin!“ Sabi ko.
Dali dali siyang lumapit sakin at hinawakan niya ang kamay ko.
“Sumama ka sakin!“ Ika pa niya at hinila ako palayo kay sammy.
Dahil dun ay nagpumiglas ako at nagsalita.
“Bakit ba! Si sammy! Kailangan niya ng tulong!“ Sigaw ko pero hindi siya nakinig hanggang sa nakabalik kami sa harap ng bahay.
“Pumunta ka sa bakanteng lote, nandoon si sammy.“ Sabi niya tsaka niya ako tinulak at dali dali siyang bumalik sa gilid.
Hindi ko siya ma-intindihan, kaya dali dali akong pumunta sa bakanteng lote at doon nga ay nakita ko si sammy na tumulong sa pag lagay ng harang na bakal sa gilid-gilid, kung hindi ako nagkakamali ay nakaporma itong square.
“Sammy!“ Sigaw ko sa kanya at dali daling lumapit, hinawakan ko ang mukha niya pero okay naman siya at walang sakit.
Nagulat naman siya sa ginawa ko, kaya nagsalita siya.
“Anyare sayo teh?“ Sabi niya.
Hindi ko talaga maintindihan, sino yung isang sammy na bumubula ang bibig sa gilid ng bahay nila mang isko?
“Hoy! Anyare sayo?“ Dagdag pa niya.
Tinitigan ko ang mukha niyang nagtataka tsaka ako sumagot.
“W-wala, bakit mo kasi ako iniwan!“ Sabi ko.
Sumagot naman si sammy pero hindi ko pinakinggan, nakatingin ako sa paligid dahil napakaraming mga tatay na may dalang manok pang sabong.
At dito ko napagtanto na may sabungan palang magaganap dahil gabi pa sisimulan yung prince and princess, ibig sabihin alas sais(6) pa sila magsisimulang mag lagay ng decorate sa stage.
“Wala kabang ibang kailangan? Kasi babalik na ako sa pag tulong nung harang, sayang kasi yung perang ibibigay sakin pagkatapos nito.“ Sabi niya.
Tumango lang ako habang nakatayo, si sammy naman ay bumalik na sa pag tulong ng pag lagay ng harang at tent.
Napakamot nalang ako sa ulo ko, paanong nangyare yun?
Nagpunta ako sa gilid para umupo, hinintay ko siyang matapos sa kanyang ginawa hanggang sa lumipas ang ilang minuto at natapos na nga siya tsaka nila sinimulan ang sabong na manok.
Lumapit siya sakin at nagsalita.
“Okay ka lang?“ Sabi niya.
“Oo naman, bakit mo natanong?“ Sagot ko.
Tinitigan niya ako sa mata tsaka siya nagsalita.
“Ayy malamang inday, para kang nakakakita ng himala nung tinawag mo'ko kanina no!“ Sabi niya.
Tinarayan ko nalang si sammy, actually samuel ang totoo niyang pangalan. Kaso pinanganak siyang busilak na namumulaklak ang puso kaya nang lumaki ay nagiging babae, pero nasa katawan ng lalaki.
“Wala lang yun! Tsaka meron ka pa bang gagawin ngayon?“ Sabi ko.
“Wala na, bakit?“ Sagot niya.
BINABASA MO ANG
THE UNINVITED GUEST (Karra Series #1)
HorrorAng kwentong ito ay tungkol sa isang babaeng biniyayaan ng kakaibang talento na wala sa mga normal na tao. May mga nagpapakitang multo sa kanya na hindi malaman-laman ang totoong motibo o dahilan. Tara na't alamin natin ang buong storya sa nangyayar...