SHARMAINE JEIS SANTA ROSA
"MA! MA!" I giggled.Hindi ko maiwasan matuwa ng sobra pag nalaman na nila na kasama na ako sa with honor! Siguradong matutuwa sila pareho ni papa!
Agad akong pumunta sa sala pero wala sila. Kumunot ang noo ko. Saan naman sila pumunta?
Napatingin ako sa pintuan na pinasukan ko. I smile, ng makita ko si mama papasok ng bahay. Kasunod nya si papa sa pag pasok. Parehas silang nakangiti. Siguro nalaman na nila. Napatingin ako sa hawak ni papa, isang plastic ng Jollibee.
Agad akong lumapit sa kanila."Ma! Pa! With honor na ako!" Masayang saad ko.
Na agaw ko parehas ang atensyon nila na nasa kapatid ko. Tinignan nila ako na nag tataka.
"With honor?" takang tanong ni mama. Nakangiti akong tumango tango. Tumingin ako kay papa.
Hindi na ako makapag hintay na makita ang reaksyon nila!
"Ma, pa! With honor na ako!" ulit ko. Baka hindi lang nila narinig ng maigi.
Tumingin si papa kay mama. Nag tinginan silang pareho. Kasunod ng pag bikit balikat ni mama.
"With honor lang? Hindi with highest honor?" nawala ang ngiti sa labi ko.
Napakagat labi ako. Kalaunan ay tumango."O-opo.. pero hindi ba eto po ang gusto nyo maging with hono—"
"With highest honor Shan! Hindi with honor!" napaatras ako ng marinig ko ang sigaw ni mama.
Tumingin ako kay papa. "P-pa.."
"You are really a disgrace to our family. Shan, nakakahiya ka." iling iling na saad ni papa.
You are really a disgrace to our family. Shan, nakakahiya ka.
Nakakahiya.. ka ..
NAPABIKWAS ako ng bangon at nakaramdam ng panlalamig sa katawan.
Napayakap ako sa sarili ko."Disgrace.." I whispered to myself.
Napatingin ako sa tabi ko. Wala na sya, umalis sya. Ni hindi manlang sya nag paa—Tumigil kana nga Shan! Wag kang umasa!
Tumayo ako at nag lakad papunta pinto. Sobrang dilim ng buong bahay, halos wala akong makita. Kaya kumapa kapa nalang ako sa pader ng makarating sa hagdanan.
Nang makababa ako ay agad akong dumiretso sa ref. Kumuha ako ng isang pitsel na mayroon na malamig na tubig, pagkatapos ay kumuha ng baso. Dinala ko 'yon sa kwarto.
Umupo ako sa dulo ng kama. Napapikit ako ng mariin.
Niyakap ko ang tuhod ko.
Ilang taon na ang lumipas pero hindi parin nawawala sa panaginip ko ang mga nangyare dati. Gusto ko ng kalimutan ang lahat, mag bagong buhay. Gusto kong kalimutan ang mga masasakit na nangyare na naranasan ko dati.
You are really a disgrace to our family, Shan.
A disgrace.
To our family.
What a disgrace.
Umiling ako."I promise to myself, I will never waste my tears from them."
Napahiga ako. I wiped my tears.
"Hindi! hindi!" I shout.
Pumikit ako at nag padala sa kadiliman.
"MANANG, si Hades po?" tanong ko, habang kumakain sa hapag kainan. Mag Isa lang akong nakaupo sa malaking lamesa. Lahat ng katulong nasa kanan ko at nakayuko kaya naiilang na ako.

YOU ARE READING
LOVE AFTER LIES (Twisted Series #1)
RomanceSharmaine, also known as Shan, went to a bar and got drunk because of the problems she was carrying. She thought that getting drunk would solve her problems, but it didn't! Because of her drinking, it was like a volcano erupted as she wakes up next...