Dalawang Del Fuetto
"M-masarap p-po..ha ha..." Nangangatog kong sagot sa tanong ng inay ni Simon.
"Talaga? Sabi ko naman sa'yo 'nak, masarap itong isdang tampal-puke! Hindi ba apo?" I want to puke. Sinisikmura ako. Epekto ba 'to ng gutom o ano...
Kahit yata mag damag ko 'tong tignan ang nasa harapan ko ay hindi ako makakakain ng maayos dahil sa sinabi ng inay ni Simon. Dati dati nakakaya kong titigan lang ang pagkain at nabubusog na'ko nang kusa. Pero itong nasa harapan ko? Hindi! Hindi ako mabubusog.
"Nay, puwede nyo po bang sabihin na isda nalang? At huwag nyo ng tawagin sa pangalan nya?" Nag angat ako ng tingin at nakita ko ang mukha ni Simon. Simula sa kinauupuan ko, kitang kita ko ang namumula n'yang pisngi. Pfftt...
He's shy.
"Bakit naman anak? Simula pag kabata ko ay nasanay na akong tinatawag itong tampal-puke na ito." Inangat nya ang isdang nasa mangkok. At inilagay sa pinggan ko. Oh no... Please no.
"Mag pakabusog ka, Sarah anak." Bulong nito sakin bago sya humarap kay Simon.
I'm not Sarah! I'm Shan not Sarah. Why does she keep calling me that?
"Atsaka, etong pangalan na tampal-puke na ito ay kinagisnan mo na simula nung ipinanganak ka sa lugar na ito, Simon. Kaya bakit hindi ka parin sanay sa pangalan nya!" Sermon niya sa kanyang anak.
"Nakakadismaya ka anak!" Dagdag nito.
"Nay, hindi ko naman p-"
"Ay! Hindi. Kinakahiya mo ang isdang ito! Hindi mo manlang inalala kung pano ito nabuhay sa dagat at ganon ganon mo lang sya kinakahiya!" Hindi maipintang sabi ng Inay ni Simon.
"Nay, isda lang naman po yan. Hindi nyo na po kailangan sumigaw, dahil nasa harap po tayo ng hapag-kainan kainan." kalmadong saad nya. Pero hindi parin nawawala ang pamumula ng kanyang pisngi.
"Anak, hindi sya basta bastang isda lang. May pamilya sya sa dagat at namumuhay ng payapa!" pilit na ipinaglalaban ng Inay ni Simon ang isda.
"Kung ganon pala ay bakit mo pinaluto sakin ang isdang yan at inuulam natin ngayon?"
"Alam mo kasi anak, mas-masarap kasi ito i-ulam. Kesa sa mga isda dyaan."
Ano bang klaseng isda yaan at nakikipag talo pa si Simon sa kanyang Ina? Mukha naman normal ang isusdang ito. Katulad ng ibang mga isda, ang pinagka-iba lang malapad ito na sing lapad ng palad. So why are they even fighting for? Pare-parehas lang 'din naman sila kakainin. No need to fight mygoodnes.
Nabawi ang tingin ko nang kalabitin ako ng batang katabi ko. I swear, may kamukha talaga sya. Hindi ko lang matandaan kung sino.
"Ma, punta tayo sa pasyalan ma.." and this kid. He keeps calling me 'mama' since I woke up. At isa pa, he never leaves my side. Kung nasaan ako andun 'din sya. Kung anong ginagawa ko, ginagawa nya rin.
"Maaaa..." tawag nya sakin. Pero hindi ko sya pinapansin. Ang dalawang mag ina na nag aaway dahik sa isda at kumakain na nang payapa. Good thing. Ang ikinatataka ko lang ay ang panay sulyap sakin ni Simon sa gawi ko o namimilikmata lang ako?
"Maaaa.."
Nagugutom na ako pero ayoko kumain dahil sa ulam. Pero ayoko magutom ang anak ko. Inalapat ko ang palad ko sa aking tiyan. Maliit palang ang baby ko siguro mga fetus palang. I reluctantly smiled at myself. Mag pahinga ka lang d'yan anak ko, makikita mo rin ang papa mo. Siguro bukas, aalis na tayo dito bukas anak. Babalik na tayo sa dati nating bahay at buhay...
"Maaaamaaaaa..!" Napaigtad ako nang bigla may humila ng kamay ko. Dali dali akong napatingin sa gawi ng batang katabi ko. Nakasimangot sya while pouting.
YOU ARE READING
LOVE AFTER LIES (Twisted Series #1)
RomanceSharmaine, also known as Shan, went to a bar and got drunk because of the problems she was carrying. She thought that getting drunk would solve her problems, but it didn't! Because of her drinking, it was like a volcano erupted as she wakes up next...