SOMEONE'S POV
Sa isang maulap at mahamog, sa gitna ng karagatan may isang namamangka habang nag sisiwasiw ng lambat.
Habang nag sisiwasiw ako ng lambat ay may nakita akong isang istayropom, na lumulutang lutang. Isang milya ang layo mula sa habol oras kong bangka.
Balak ko sana itong 'wag pansinin pero habang tumatagal ang pag titig ko sa istayropom ay parang nagiging hugis katawan ito. Lumunok ako at kinakabahang lumusang sa malamig na dagat. Suot suot ang salaming pandagat.
Oh dyusme, sana hindi ito tao. Kinuha ko ang taling naka kabit sa katig, at itinali sa bewang ko. Tumingin ako sa maulap na paligid. Walang ka bangka bangka, tanging ako lang ang nangingisda sa parteng dagat na ito.
Huminga ako ng malalim at lumusong sa ilalim ng dagat. Lumangoy ako sa kinaroroonan ng istayropom.
"Grabe ang lamig." isang dipa nalang ang layo ko sa istayropon kaya lumangoy ulit ako. At nung pag ahon ko sa ilalim ng dagat, umawang ang bibig ko dahil sa natagpuan ko.
"Puta, tao nga!" mura ko sa sobrang gulat.
"ANAK, ang aga mo atang umuwi," rinig kong sigaw ni Inay mula sa tabing dagat.
Mabilis akong bumaba sa bangka at nag nag mamadaling kinuha ang katawan sa loob ng istayropom.
Lumapit ako kay inay at ibinaba ang katawan na nakita ko sa laot.
"Ay sus maryosep! Ano iyang dala dala mo? Saan mo nakita iyan!?" nag aalalang tanong sa'kin ni inay.
"Nay, kailangan ko na po s'yang natin dalhin sa klinik. Baka mahuli pa ang lahat." taranta kong saad at agad s'yang binuhat. Ibinakay ko sya sa aking likod at mabilis na tumakbo patungo sa kliniko. Mabuti't malapit lang ang kliniko sa lugar namin.
"Anong nangyare? Sino 'yan—"
"Bilisan mo! Baka mahuli pa ang lahat!" sigaw ko at agad na inihiga ang babaeng dala dala ko sa isang maliit na kama.
Hinawakan ko ang pulso nya. "T-tumitibok pa, pabagal ng pabagal ang takbo ng pulso nya, Jamil."
Mariin ang pag kakatitig ko sa babaeng nakahiga sa kama. Nangingitim na ang labi nya. Ang kalahating mukha nya ay sunog. Saan naman kaya s'ya galing at bakit nag palutang lutang ang katawan nya sa laot?
"K-kalmahan mo lang. Ako na ang bahala, lumabas ka muna. Cy." tumango ako at lumabas na ng silid.
Napaupo ako sa maliit na kahoy. Napahawak ako sa tongki ng ilong ko at napapikit ng mariin.
Andaming tanong na umiikot sa isip ko. Bakit sunog ang kalating katawan nya? Bakit palutang lutang ang katawan nya sa laot? Sa dagat! Buti nalang nakita ko s'ya kung hindi, siguradong patay na sya.
Nung naisampa ko ang katawan nya sa bangka ko ang unang kong ginawa ay ang pag kapa ng pulsuhan nya. Akala ko ay patay na sya dahil sa lamig ng katawan nya, bukod pa ro'n ay mahina ang tibok ng pulso nya.
Kaya pinaharurot ko agad ang habol oras kong bangka, kahit na alam kong pag sisihan ko iyon. Tinapon ko sa dagat ang lahat ng yelong meron ako sa istayropom, at pinunasan ng baon kong damit. Halos manginig ang kamay ko, dahil sa takot. Inilagay ko s'ya ro'n para mabawasan ang lamig ng katawan nya.
Napabalik ako sa riyalidad ng may humawak sa balikat ko. Iminulat ko ang mata ko ko bumungad sa'kin ang mukha ni Inay na nag aalala.
"Okay ka lang ba anak?" tanong sakin ni Inay.
Dahan dahan akong umiling. "Hindi po." sagot ko.
"Sino ba iyong dala dala mong babae? At bakit ganon ang itsura nya?"
YOU ARE READING
LOVE AFTER LIES (Twisted Series #1)
Lãng mạnSharmaine, also known as Shan, went to a bar and got drunk because of the problems she was carrying. She thought that getting drunk would solve her problems, but it didn't! Because of her drinking, it was like a volcano erupted as she wakes up next...