Simon Reid Lopez
Simon Reid Lopez. Ang tunay n'yang pangalan. Naitanong ko kay Seryeo. At, yuon ang sagot nya.Simon Reid Lopez... Astig.
Sa labas ng bahay nila Simon, nakaupo ako at tulalang nakatingin sa kalangitan. Bilog na bilog ang buwan, pero walang butuin. Maliwanag ang buwan, kaya naman hindi ako natatakot kahit papano.
Simon...
Hindi ko matanggal si Simon sa isip ko, kahit ilang segundo. Siya ng siya. Si Simon lang naman ang nag ligtas sakin, nuong nadisgrasya ako. Sya lang naman ang nag patuloy sa'kin sa bahay nya, at tinulungan ako nuong muntik na ako ma-rape. Ni hindi sya nag dalawang isip na iligtas ako sa mga manyak na dalawang lalake na yon. Simon...
Simon Reid Lopez, ang nag papabaliw ng puso ko.
"Anong ginagawa mo rito? Gabi na ah?" Namilog ang dalawang mata ko nang maramdaman kong umupo sya tabi ko si Simon.
Bakit sya nandito? Hindi ba dapat nasa loob na sya at nag papahinga? Bakit sya umupo sa tabi ko, sa dinami dami ng uupuan bakit sa tabi ko pa?... Ohm! M-may gusto ba din ba sya sa akin? Kinurot ko ang palad ko, para matauhan. Pero walang pinag-bago.
"Uhm... Kase ano... Ganto—Er, " Bakit kailangan mautal?
"Kasee...?"
"Wala lang, n-na boboringan kasi ako sa loob er, ang init pala kaya ako nandidito. I-ikaw ba?" Napakagat ako sa ibabang labi ko dahil sa kaba.
"Parehas. Mag pahinga kana, pupunta pa tayo ng park bukas." Napanganga ako. Wala sa sarili akong humarap sakanya. Napalunok ako nang makitang, nakatitig na pala sya sa'kin.
"B-bakit?" Hindi ko maiwasang maitanong sakanya. Para kasing nangungusap ang mga mata nya.
Inilapit nya ang mukha nya kaya napalunok ako ng biglaan. Muntik pa akong mabulunan sa sarili kong laway, kalma. Si Simon lang yan!
"Ba-bakit?" Tanong ko ulit, ng maayos ko ang pag hinga ko.
"Parang pamilyar ang mukha mo sa'kin. Hindi ko lang alam kung ikaw ba talaga yuon, sagabal kasi iyang gumagaling mong sugat."
"Ta-talaga? Ha ha, ang galing at may k-kapareha ako ng mukha... Ha ha ha..." Namatay nag pilit kong tawa nang makitang seryoso ang mukha nya. Hay, kelan ba nag biro si Simon?
Tumikhim ako. Nag iwas ako ng tingin, iginugol ko nalang ang bawat segundo na dumating sa pag tingin sa malalakas na alon na humahampas sa malalaking bato. Maliwanag kaya, kitang kita ko ang repleksyon ng buwan sa dagat. Napangiti ako ng dahil duon. Ang gandang tignan.
Naagaw ang tingin ko at napunta ulit kay Simon.
"Alam mo ba kung saan kita nakita nuong araw na 'yon?" Ilang segundo ko s'yang tinitigan bago sumagot.
Umiling ako, bilang sagot.
Rinig ko ang pag buntong hininga nya, at agad akong kinabahan. Bakit ba s'ya palaging galit?
"Gusto mo ba na malaman?"
Gusto ko na ba? Handa na ba ako malaman kung saan at kung bakit nangyare sakin lahat ng ito? Handa na ba ako alamin lahat? Hindi.
"Ang totoo nyan kasi, uhmm... Kasi hindi pa ako handa alamin lahat ng pangyayare sakin, kasi pakiramdam ko kapag nalaman ko ang totoo hindi ko kakayanin... Ang lahat."
"Ikaw ang bahala, basta, " hinawakan nya ako sa balikat na ikinurap ko. "Kapag handa ka na malaman ang totoo, sabihin mo sakin."
"O-okay..."
Ang weird nya. Paiba iba ang ugaling ipinapakita sakin kaya gulong gulo na'ko sa kakaintindi sakanya. Pero ano ba ang magagawa ko sa ugali nya. Kung ganon na talaga sya.
Tumingala ulit ako at tinitigan ang malaking buwan. Kahit saang-anggulo bilog parin ang buwan. Hindi katulad ng ibang bilog.
Pero, hahayaan ko na lang ba ang nakaraan ko? Tatakasan ko nalang ba ang nakaraan ko dahil sa takot na malaman ang totoo? Tatakasan?
Ulit? Tatakasan ulit?
Simon Reid Lopez. Ang nag ligtas sa akin sa bingit ng kamatayan.
Ano nga ba? Sino nga ba ako? Ano kayang papel ko sa buhay na 'to? Ahm...
"Sarah, iha, hinahanap ka ni Seryeo."
Pero gabi na? Dapat natutulog na sya. Maliban nalang kung...
"Hindi ho ba dapat nag papahinga na ho kayo? Bakit nasa labas pa po kayo malamig na po ang simoy ng hangin lalo't na—"
"Okay lang ako iha, intindihin mo ang sarili mo... Sarah."
Sarah... Tama ang pangalan ko Sarah. Pero bakit Sarah?
Humarap ako kay Aleng Hilar. Nakangiti sya sa'kin. Bakit palagi s'yang nakangiti pag tumingin ako sakanya? Pinag tatawan nya ba ang itsura ko?
"Sarah, ang apo ko."
"Bakit po Sarah?"
Huh.
"Bakit nga ba Sarah? Hmm...." Humawak sya sa baba nya.
Bigla nalang ako napahawak sa dibdib ko dahil sa 'di malaman na dahilan. Siguro dahil sa kaba? Kaba para saan? Pangalan lang 'yon. Anong nakakaba du'n? Gusto ko lang malaman ang dahilan wala dapat akong ikakaba. Huminahon ka lang. Kumalma ka lang.
"May kakilala kasi akong Sarah ang pangalan, katulad mo din sya. Maganda, mabait, at enosente. Pero bigla nalang syang hindi nag pakita sami—Akin. Naalala ko sya sayo. Kaya hindi ko mapigilan ang sarili ko at pangalanan kang 'Sarah'."
Katulad ko din?
"Kung ganon, sya ba ang tunay na ina ni Seryeo?" Tanong ko na nag pagulat sa mukha nya. Anong bang nakakagulat sa sinabi ko, nag tanong lang ako kung sya ba ang tunay na ina ni Seryeo.
Atsaka, hindi naman ako magagalit kung sya nga ang tunay na ina ni Seryeo. Mag tataka pa nga ako e, kung bakit nya iniwan si Seryeo at si Simon. Baka may malalim syang dahilan. Baka, ewan ko lang.
"Ikaw talaga iha, mag pahinga ka na nga. Gabing gabi na oh," Aniya sabay pag-turo ng buwan.
"Teka p—" hindi na'ko nakapag protesta ng hilahin nya na ako papauwi ng bahay. Habang tumatawa sya ng pilit.
Parang may kakaiba sakanya... 'di kaya may sakit sya?
Hindi ko lang maintidihan, bakit hindi nya sinagot yung madali king tanong kanina? Oo o hindi lang naman inaantay ko eh. Hindi ko talaga maintindihan sila rito. Una si Simon, ngayon naman si Aleng Hilar. May tinatago ba sila sakin na ayaw nilang malaman ko?...
Epekto na ata 'to ng teleseryeng pinapanood ko tuwing hapon. 'May tinatanago' susmaryusep, nahihibang na talaga ako. At kasalanan iyon ni Seryeo.
Ang batang 'yon...
![](https://img.wattpad.com/cover/362394697-288-k4043.jpg)
YOU ARE READING
LOVE AFTER LIES (Twisted Series #1)
RomanceSharmaine, also known as Shan, went to a bar and got drunk because of the problems she was carrying. She thought that getting drunk would solve her problems, but it didn't! Because of her drinking, it was like a volcano erupted as she wakes up next...