“Sharmaine Jeis Santa Rosa”
"Saera! Ang anak ko!" I stiffened.I... I didn't push her. It wasn't me.
"T-tulungan mo ang anak ko, Shan. Tulungan mo ang kapatid mo! Oh my... Saera!"
"H-hindi po ako—"
"Tulungan mo na ang kapatid mo! Gusto mo ba maging walang kwentang ate ni Saera? Tulungan mo na ang kapatid mo!" I shook my head.
I..I can't...
"M-mommy help me!" Hindi ko maigalaw ang katawan ko. I can't move my body. Nalulunod na s'ya at wala akong magawa.
"Mommy tumawag nalang po kayo sa—"
"Bobo ka ba ha?! Nasa kalagitnaan tayo ng dagat tapos hahanapan mo ako ng cellphone? Tanga ka ba! Tulungan mo nalang ang kapatid mo!.."
"Hindi po ako marunong lumangoy—" bago pa matapos ang sasabihin ko ay naramdaman ko na agad ang lamig ng dagat.
"Tu-tul-" I can't breathe. Kusa na akong napapasukan ng tubig dagat sa loob ng aking bibig. Kahit anong pigil ang gawin ko.
"Saera! Tulungan nyo ang anak ko! Nalulunod ang anak ko!" Kagat labi kong sinunubukang lumangoy. Ganoon nalang ang pasasalamat ko nang maahon ko ang mukha ko at nakalanghap ng hangin. Sunod sunod ang pag ubo ko.
"Sa-saera! Shan, tulungan mo si Saera! Tulungan mo ang anak ko!"
Anak mo rin ako...
"Hindi ko na makita ang anak ko! Yung anak ko! Tulungan nyo ang anak ko!"
Pano ako?.. Bakit si Saera lang?
Huminga ako ng malalim. Bahala na kung mamatay ako. Bahala na...
Kinakabahang sumisisid ako sa ilalim ng dagat. Hindi ko alam kung saan ako mag sisimula. Sisid at ahon ang paulit ulit kong ginawa, makita lang ang kapatid ko.
Hndi ko na mapigilang umiyak dahil sa takot. Hindi pwedeng mawala ang kapatid ko. Oo, naiinggit ako sakanya paminsan-minsan. Pero hindi ko maitatanggi na ako ang ate nya at kapatid ko s'ya. Kailangan ko s'yang alagaan. At isa pa, ayokong makitang umiiyak ang mama't papa ko. Ayoko silang makitang nag luluksa.
Isa.
Dalawa.
Tatlo.
Huminga ako ng malalim bago sumisisid ulit. Huling pag kakataon ko na ito, at kapag hindi ko pa s'ya nakita... Hahayaan ko na lamang ang sarili na kainin ng malalim na dagat.
Ganoon nalang ang pasasalamat ko sa Diyos dahil nakita ko ang kapatid ko. Hindi na s'ya gumagalaw. Dali dali akong lumangoy sa kinaroroonan nya. Nang makalapit, dali dali ko s'yang binitbit pataas ng dagat. Pero napahinto ako sa pag galaw nang sumakit ang dibdib ko. Hindi. Hindi ako mamatay dito, sa dagat na 'to. Hindi puwede. Gusto ko pang marinig ang boses ni mama at papa, na proud sila sa'kin. Napapikit ako ng mariin kasunod ng pag awang ng bibig ko.
Huwag Lord. Ayoko pag mamatay. Gusto ko pang maging proud sila mama at papa sa'kin. Kahit isang beses lang, kahit... Isang beses lang po.
Mukhang pati ang Diyos ay ayaw sa'kin. Ano pa bang inaakala ko? Tutulungan nya rin ako? Napamulat ako ng mata, at napangiti ako sa nakita ko. Maliwanag ang sinag ng araw. Malinaw ang dagat, at kitang kita ko ang itsura ni mama, habang unti unti kaming kinukuha pailalim. Pagak akong napangiti habang dinadama ang pag lamon sa'kin—samin ng dagat.
At tuluyan na akong nilamon ng dilim.
Isa.
Dalawa.
![](https://img.wattpad.com/cover/362394697-288-k4043.jpg)
YOU ARE READING
LOVE AFTER LIES (Twisted Series #1)
RomanceSharmaine, also known as Shan, went to a bar and got drunk because of the problems she was carrying. She thought that getting drunk would solve her problems, but it didn't! Because of her drinking, it was like a volcano erupted as she wakes up next...