CHAPTER 26

19 2 0
                                    

REVENGE


AKALA ko sa panloloko sa'kin ni Hades ay ang pinaka masakit na nangyare sa buhay ko. At ang pinaka malalang kasinungalingan at pag tataksil na naganap sa buhay ko. Pero hindi. May mas isasakit pa pala ngayon. May mas ilalala pa.

All this time, niloloko lang pala nila ako. Ginagago lang pala nila ako. Ang pamilya na itinuring kong tunay na pamilya ay hindi ko pala tunay na pamilya. Kaya pala hindi pantay ang lahat pag dating sa'kin. Kaya pala, kaya pala parang isang sampid sa buhay nila kung kawawain ako. Kung pag malupitan ako, dahil totoo naman pala. Sampid talaga ako sa buhay nila. Lahat ng gusto nila ginagawa ko, lahat ng ayaw nila sinusunod ko. Lahat ng masasakit na salita mula sakanila tinatanggap ko kasi, akala ko may ginawa lang akong lang akong mali kaya nagalit nila sa'kin. Pero hindi. Galit pala talaga sila sa'kin. Kaya kahit anong gawin ko, kahit anong effort ang gawin ko walang kwenta sa paningin nila.

At kasalanan ko ba ang lahat ng iyon?

Hindi. Wala akong ginagawang mali. Ni hindi ko nga hiniling na mabuhay at lumaki sa puder nila.

Lahat sila. Ang itinuring ko Ama at Ina ko, pati na rin ang tinatawag kong kapatid. Lahat sila itinuring kong
pamilya, pero hindi pala pamilya ang tingin nila sa'kin.

Kasi nga, hindi naman talaga ako nila tunay na pamilya. Sampid lang ako sa bahay, at buhay nila. Isang sampid.

Pero sino ba talaga ako? Sino ba ang tunay kong paniwalaan sakanila? Sino sakanila ang nag sasabi ng totoo?.. ayoko ng maloko. Ayoko ng magago nilang lahat.

"Honey, I know it's hard to believe it pero that's the only truth. We're your true family, sweetie." she caresses my cheeks. "Ang DNA test na ang nag sabi and your face. We are your true family, sweetie. Stop doubting us."

But, even...all that lies, doesn't matter anymore. I have my own family..and that's my baby. Hindi ko na kailangan ng mapagpanggap na pamilya sa buhay. Ang kailangan ko nalang ang anak ko. Mag papalakas ako para sa sa anak ko. Sa nag iisa kong pamilya.

"Ang anak ko? Masustansya ba ang anak ko? May dapat ba akong inumin na vitamins? Kailangan ko bang mag pahinga na ulit? O kumain mo-"

"Calm down po, ma'am." The nurse interjected.

My forehead knotted. "Okay, kalmado naman ako. Tinatanong ko lang kung okay ba ang anak ko? My child, kung healthy ba sya para bumili ako ng mga vitamins para sa anak ko." Turo ko sa tiyan ko.

Hindi mawarian ang mukha ng nurse. Pati ang doctor na katabi nya. Tinitignan nila ako na para bang may sinasabi ako na hindi naayon sa kanila. Kaya naman, lumipat ang tingin ko sa nag sasabing 'Lola at Lolo' ko daw. Pero ganon 'din ang itsura nila.

Ano bang sinabi kong mali? Nag tanong lang naman ako sa anak ko! Nag sisimula na akong mairita sa kanila.

"Doc? Hello! Nag tatanong ako dito? Baka gusto-Argh, nevermind ako na nga lang." Akmang tatayo sa kinauupuan kong hospital bed ay napa-upo ako ulit. Inantay kong mag dilim ang paningin ko, at mahilo pero walang nangyareng ganon.

Tsaka ko lang napagtanto, kaya pala ako napa-upo at hindi makatayo dahil may kamay na humila sa'kin.

"Let go." Mariin kong sabi sa nurse na s'yang humawak sa kamay ko. Mariin s'yang umiling.

"May sakit po ba ang inyong apo, Mrs. Del Fuetto? O nakakaranas sya nga mga sintomas tulad ng-"

"Nawalan ng alaala ang, apo ko doctor." Napatingin ako sakanilang dalawa.

"Hindi nga ako nawalan ng alaala, okay? Bakit ang kulit naman? Ayos ako, okay lang ako. Yung baby ko, yung baby sa sinapupunan ko kung healthy ba? Yun ang kanina ko pa tinatanong saiyo doctor, bakit ba ayaw nyo akong sagutin?" Singit ko sa usapan nila.

LOVE AFTER LIES  (Twisted Series #1)Where stories live. Discover now