CHAPTER 22

41 2 0
                                    

Something new


"

MAMA! Bilis mama tawag na raw po tayo sabi ni Daddy!" Malakas na sigaw ni Seryeo habang hinihila ako papalabas ng silid ko.

Eh? Daddy?

Ah, my head hurts.

"Seryeo, sinong Daddy ang sinasabi mo? M-may iba ka pa bang tatay bukod kay S-simon?" Naguguluhan kong tanong sakanya. Nakaramdam ka agad ako ng kaba sa dibdib ko dahil sa tanong ko. Pero hindi nag paghuli ang katawan ko sa kabang nararamdaman ko.

Dahil yung katawan ko ang bigat bigat, pakiramdam ko kung hindi ako hinihila ni Seryeo ngayon hindi ko magagalaw ang katawan ko ngayon.

Nakarating kaming dalawa sa kusina nang kakahila ni Seryeo ng katawan ko. Ang lakas pala ni Seryeo at nahila nya 'ko. Sabagay, malakas 'din kaya ang papa nya. Simon.

Pangalan palang mapapangiti na agad ako. Grabe ka na Simon. Wala kang ginagawa sakin pero yung puso at isip ko nag kukusa na.

"Daddy eto ang mama, your que queen..." Bungisngis ni Seryeo kay Simon.

Que queen..?

Napaupo ako sa sulok ng kusina at pinag-masdan silang mag ama. Hindi ko maiwasang isipin. Ang swerte ng naging asawa ni Simon. Nakakuha sya ng isang mabait na lalake at responsableng ama at anak sa pamilya at sa mga bagay bagay. Napaka swerte.

Ako kaya?.. makakakuha din kaya ako ng kagaya nya? Responsableng ama at anak?.. sana.

Diba may gusto ka kay Simon?

Oo.

Masakit ba? Na may asawa na ang lalakeng gusto mo?

Kaunti.

Okay lang 'yan, maging single nalang tayo habang buhay.

Ikaw. Ako.

"Iha, Sarah, okay ka lang ba? Mukhang hindi ka nakatulog ng maayos kagabi. Gusto mo bang kumain sa kambingan?" Kumunot ang noo ko. Kambingan talaga? Kinakain nila ang kambing? What the...

"Hindi ba't endanger species na po yung kambing? Tsaka, hindi po kinakain ang kambing." Pabalik balik ang tingin ko kay Aleng Hilar at sa kamay ko.

Agad na umalingasaw ang tawa ni Aleng Hilar at ni Seryeo.

"M-mama na-naman.." nahihirapang sabi ni Seryeo at tumakbo papalapit sa'kin. Umupo sya sa hita ko, habang pinag lalaruan ang buhok kong nakalugay.

"Habaa ng buhok mo mama po,"

"Jusmeyo mar-mari-ri-mar iha, anong endanger species ang sinasabi mo..? Mahabaging langit, Sarah! Kainan iyon parang karenderya." Naguguluhan akong napatingin kay Aleng Hilar.

"Karenderya?" Naguguluhan kong tanong.

Namilog ang mata ni Aleng Hilar. "H-hindi mo alam ang karenderya?" Umiling ako.

"Hindi po. Yung karenderya po ba is parang restaurant? Madaming tao ang kumakain sa loob and may—" I stopped. Ahm.. why are they looking at me like that? May sinabi ba akong mali?

"Mali po ba?" Nag palitan ng tingin si Aleng Hilar at si Simon. Nag tataka silang nakatingin sakin. Mali ba yung sinabi ko? It's true naman. Hindi pa ako nakakarinig ng salitang karenderya. It's new to me.

LOVE AFTER LIES  (Twisted Series #1)Where stories live. Discover now