CHAPTER 19

34 2 0
                                    

HADES?


ILANG araw na ang lumipas simula nung nag kausap kami ni Simon. Simula nung nagising ako sa pag kakahimatay ay madalang ko nalang sya makita. Ni hindi nya na ako pinapansin o ano man. Idagdag pa ang madaming katanungan sa sarili ko.

Habang tumatagal lalo akong nawawalan ng pag asang makilala ang sarili.

Siguro nga ganito na ako. Walang alam sa sarili. Multimo ang pangalan ko ay hindi ko alam at edad.

Kinuha ko ang saklay ko at dahang dahan na lumabas ng kwarto. Labis ang gulat ko nang makasalubong ko si Simon. Bakas sa mukha nya ang gulat nang makita ako.

Ngayon ko lang ulit sya nakita dahil ilang araw s'yang wala dito. Noong itanong ko naman kay Aleng Hilar ay hindi 'rin alam nito kung saan sya pumunta.

Nang makabawi ay agad ko s'yang tinanong.

"S-simon, saan ka galing?"

Inaasahan kong sasagot agad sya pero hindi. Nilagpasan nya lang ako na para bang hindi ako nakita. Kaya naman hinabol ko sya.

"S-simon teka lang naman.." Sinubukan kong hulihin ang braso nya pero hindi ako nag tagumpay. Pero patuloy parin ako sa pag habol sakanya. Hanggang sa makarating kami sa banyo de kahoy nila.

"S-simon teka naman oh. G-gusto lang kita maka—"

"Alis na. Maliligo pa ako." Putol nya sa sasabihin ko. Walang emosyon ang boses nya. Pati ang pag tingin nya sa'kin. Walang ka emosyon emosyon.

Ano bang ginawa ko?

Marahas akong napabuntong hininga. Tsaka sya pinantayan ng tingin. "Saglit lang naman i-ilang araw ka kasing wala sa bahay, g-gusto ko lang malaman saan ka galing kasi nag aalala ako—Kami n-nila Aleng Hilar at—"

Hindi na natapos ang sasabihin ko ng marahas nyang sinuntok ang kahoy, dahilan para tumagos ang kamao nya sa labas.

"Pwede ba tumigil kana. Nakakairita ang presensya mo puwede bang umalis kana lang?!" Kung kanina walang emosyon na makikita sa mga mata nya, ngayon andami na. Samo't saring emosyon ang nakikita ko. Hindi nakaligtas sa'kin kung paano nya ako tignan. Kung paano nya ako tignan mula ulo hanggang paa.

Parang lahat ata ng kumpyansa na naipon ko sa sarili nawala na parang bula, dahil sa tingin na ipinupukol nya sa'kin, ngayon.

Bumalik na naman sya sa dati. Kung paano nya ako tignan dati, bumalik na naman. Kung paano nya ako pag taasan ng boses, bumalik na naman. K-kung paano nya ako tignan mula ulo hanggang paa... Puno ng pandidiri at kung anong emosyon na hindi ko mawarian.

Kita ko ang panlalabo ng mga mata ko kaya dali dali akong yumuko. Mabilis akong tumikhim.

"S-sige... S-sorry sa abala...." Labis ang panggigil ko sa ibabang labi ko nang pumiyok ang boses ko.

Mabilis akong umalis sa harap nya. Hindi ko alam kung saan ako pupunta basta ang alam ko lang. Hindi ako makatingin sa itaas pero alam ko papalubog na ang araw. Dahil nag sisimula ng dumilim. Patuloy lang ako sa pag lalakad kahit ramdam na ramdam ko na ang pag sakit ng hita ko.

Nakaya kong tiisin ang sakit ng hita ko, pero ang hindi ko na kaya ay ang pag tulo ng luha ko.

G-gusto ko lang naman malaman k-kung saan sya galing e-eh. Nag aalala lang ako. Pero sino nga ba ako para tanungin sya kung saan sya galing? E, sampid lang naman ako sa bahay nila. Ni hindi nya ako kilala. Siguro nga sumobra na ako. Nilagpasan ko na ata ang guhit sa pagitan ko sakanila.

Masyado na silang problemado sakin. Madami na silang perang nasayang sa'kin dahil sa mga gamot. Tama na siguro iyon para lumayo na ako. Tama na siguro iyon para malaman ko kung sino ba ako sakanila. Sampid sa buhay nila.

LOVE AFTER LIES  (Twisted Series #1)Where stories live. Discover now