HADES ROME FUENTES
1 MONTH LATER
Totoo nga ang sinabi ni tita. Hindi nananakit ng babae si Hades. Hindi sya nananakit. Hindi nya ako pinagtaasan ng kamay, pero ng boses, oo.
He's not hurting me physically, but he is hurting me mentally.
Masakit sa akin bilang asawa nya, na mag mukhang kabit. Alam ko na mag kakaganito ang buhay ko, pag katapos kong maikasal kay Hades. Alam kong masasaktan ako ng sobra sobra. Pero hindi ko naman inexpect, na ganito pala kasakit.
Masakit pa sa masakit.
Once a week lang umuwi si Hades sa bahay namin. At nag aalala ako na ako ng sobra. Oo, hindi dapat ako nag aalala ng ganito, pero anong magagawa ko.
Sino ba ang hindi mahuhulog sakanya, eh lahat nga ng babae lumuluhod sakanya. Sinasamba sya, at kasama na ako ro'n.
Okay lang naman sakin na magalit sya, pero ang hindi okay sakin na hindi umuwi sya ng isang linggo. Oo, asawa lang ako sa papel, pero nag aalala 'rin ako bilang asawa nya.
Nakaupo ako sa mahabang sofa habang nakatalumbaba. Nakatingin lang ako sa labas ng bahay.
"Ma'am, andyan na po si sir."tumayo ako.
Nag lakad ako papuntang pinto para salubungin sya. Taas noo ako at malaking ngiti ang nakapaskil sa mukha ko.
Naka black suit sya at magulo ang necktie nya. Bukas 'rin ang dalawang butones nya sa dibdib. Sobrang gulo ng buhok nya, pero hindi nawawala ang kaguwapuhan nyang taglay.
"K-kamusta kana? B-bakit hindi kana umuu-"bago pa matapos ang sasabihin ko narinig ko na ang nakakabingi nyang mura.
"Shut the fuck up. You're not my mother."Aniya.
Parang may sampong kutsilyo ang bawat salitang lumalabas sa bibig nya, at sabay sabay na tumama sa dibdib ko ang mga iyon.
Napaatras ako."P-pero kasi asawa-"
"You're not my wife, you are just a whore here. Not. My. Fucking. Wife."puno ng diin ang bawat salitang pinapakawalan nya.
Parang may bumara sa lalamunan ko at hindi ako makapag salita. Kahit nanunubig na ang mga mata, ay pilit parin akong nakipag titigan sakanya.
Puno ng pandidiri ang tingin na pinupukol nya sa'kin.
Bumuka ang bibig ko senyales na mag sasalita na pero agad na syang nag lakad papaalis sa harapan ko.
Napabuntong hininga ako."Siguro nga hindi pa oras para mahalin nya ako."bulong ko sa sarili ko at nag lakad papaalis sa kinatatayuan.
Dumiretso ako sa garden. Puno ng mga gumamela ang hardin nya, iba't ibang uri ng bulaklak. Malulusog at mabubunga, halatang inaalagaan ng mabuti. Umupo ako ng may makitang mini bench.
Pinakiramdaman ko ang malamig na hangin na tumatama sa balat ko. Napapikit ako at napatingala.
"Sana naging hangin nalang ako.."I whispered to myself."Saan saan napupunta at walang problemang dala dala."kumunot ang noo ko. "Ano bang problema ko?"napadilat ako ng mata.
Napatayo ako at napahawak sa dalawang kamay ng masalubong ko ang nakakamatay na titig ni Hades.
I gulp."H-hades..."puno ng kaba ang nararamdaman ko.
Hindi ko maiwasan kabahan dahil sa buong isang buwan na nakasama ko sya sa bahay, ngayon palang ang unang beses nya akong tinitigan ng ganyan. Parang may kung ano na emosyon sa mga mata nya ang hindi ko mahulaan.
YOU ARE READING
LOVE AFTER LIES (Twisted Series #1)
Storie d'amoreSharmaine, also known as Shan, went to a bar and got drunk because of the problems she was carrying. She thought that getting drunk would solve her problems, but it didn't! Because of her drinking, it was like a volcano erupted as she wakes up next...