CHAPTER 12

170 10 5
                                    

HADES ROME FUENTES

SHAN'S POV

"GOOD MORNING!" malakas na bati ko sakanila ng makarating ako ng dining table.

Gulat na gulat ang mga mukha nila, lalong lalo na si Saera. That's right, magulat ka.

Hindi na ako nag antay ng sagot nila at umupo na ako sa dulong upuan ng mesa. Gusto kong mainis kay Saera, dahil kakain nalang kailangan nakaupo pa sa hita Hades? Wala bang upuan sa tabi nila at kailangan naka yapos pa sya sa asawa ko?! Diba sya tinuruan sa paaralan ng tamang pag upo pag kakain? Tss.

"May itlog ba tayo?"I randomly asked them. Kumunot ang noo ko dahil nakatingin parin silang lahat sakin. Pati ang mga maids.

Wow. Bawal na ba ang asawa sumabay sa hapag kainan?

My eyebrows furrowed. "Ano?"usal ko sa kanila dahil yung mga tingin nila hindi mawala sakin.

But his deep voice echoes inside my head. "What are you doing here?"bariton at kalmadong tanong nya sa'kin. I slowly moved my gaze to him. But to my surprise, kalmado ang tingin nya. Parang enosente lang ah?

Nilabanan ko ang tingin nya. Wala akong pakealam kung magalit at sigawan nya ako sa harap ni Saera. Bakit pa ako mahihiya kung sanay naman na ako.

"Why are you here?"he repeated.

I smiled innocently."Bakit? Bawal na ba ang wife na sumabay sa agahan ng asawa nya, kasama ang kabit nya?"bikit balikat kong tanong.

"What?"

"Oh sorry, I think you didn't heard it clearly. Oo nga pala, bingi ka pala pag dating sa'kin."I grinned.

His lips parted. "What are you trying to say, Shan!?"nabasag ang basong binato nya sa pader.

Tumaas ang gilid ng labi ko."What? I'm just telling the truth, right? Saera?"inilipat ko ang tingin kay Saera na ngayon ay nanlalaki ang mata. Hindi makapaniwala sa nangyayare.

"Shan.."he hissed.

"Ano ba? Alam nyo, nakakawalang gana kayo kumain."padabog akong tumayo at umalis sa dining room. Rinig rinig ko pa ang pag tawag nya sa'kin sa pangalan kong 'Shan' pero nag patuloy lang ako sa pag lalakad.

Napakuyom ang kamao ko sa inis. Kelan ba? Kelan ba nya makikita na asawa nya ako at hindi kabit! Kelan pa ba ako mag titiis ng ganitong pag tatrato!? Kelan!

Umupo ako sa maliliit na damo. Tsaka bumuntong hininga. Tumingala ako sa langit, at naagaw agad ng atensyon ko ang mga ibon na malayang lumilipad sa himpapawid.

Napatawa nalang ako ng pagak. Kung sakaling mananaginip ako na isa akong ibon, siguradong hindi na ako magigising. Dahil ayoko ng magising pa.

Napabuntong hininga ako at napapikit ng mata, nang malakas at malamig na hangin ang yumakap sa katawan ko.

Inihiga ko ang katawan ko sa maliliit na damo, at masuyong ngumiti. Ang ganda ng langit, walang kaulap ulap. Purong asul lang ang makikita sa kalangitan. Napakaganda. Napahawak ako sa t'yan nang may maisip ako. Kalaunan ay napakagat labi ako.

"Kung sakaling magiging babae ka, paniguradong magiging kamukha mo ako, anak. Pero kung lalake alam kong magiging kamukha mo ang tatay mo, pero sana... Pero sana kahit ugali lang, ugali lang ang makuha mo sakin, okay na."

Napapikit ako dahil sa gutom. Siguro, itutulog ko nalang muna 'to. Alam kong galit sakin si Hades, baka may mangyare lang masama kung mag papakita ako ngayon. Gayon na nag kainitan kami kanina.

Wala sa sarili akong napahikab at masuyong hinimas ang t'yan. Maya't maya ang hikab ko, hindi ko alam kung anong nangyayare sa'kin. Siguro, dahil nag dadalang tao ako, kaya ganon. Hinayaan kong, unting unti bumagsak ang mga mata ko, kasunod ng isa na namang hikab.

LOVE AFTER LIES  (Twisted Series #1)Where stories live. Discover now