CHAPTER 23

51 4 1
                                    

Trauma

"Maganda po ba, mama?" I nodded.

A big smile plastered on my face. "Very. Beautiful, Seryeo."

"Da-te po ito, maa." Bungisngis nya.

"D-da-te what? What do you mean da-te, Seryeo? Or I just...misheard it?"

Da-te what..?

"Mama, bakit ka nag i-inglishesh? Mayaman ka po ba?" Kumunot ang makapal nyang kilay.

"Me rich? I'm not rich, silly Seryeo." I laughed softly.

Tumaas ang isang kilay nya. Hindi na tuloy maipinta ang mukha nya.

"Sabi po kasi ni ate Lala, " lumapit sya sa'kin. "Pag marunong ka mag inglishesh mayaman, "

Kumunot ang noo ko. "Kaya mayaman ka po ba?"

"I'm not rich silly, "

"Mayaman ka po ba?" Ulit nya. Naguguluhan ko s'yang tinignan.

"I'm not rich, Seryeo. I'm just being me."

"Mayaman ka po ba?"

Sinagot ko na ang tanong nya pero bakit paulit ulit ang tanong nya? Don't tell me hindi nya naintindihan ako. Kanina e, naiintindihan nya ako kahit mag salita ako ng english.

"Mayaman ka po ba sa dati mong buhay mama?"

Mayaman?.. Nang dahil sa itinanong ni Seryeo parang nawala ako sa sarili kong katinuan. Sunod sunod ang mga tanong na pumasok sa isip ko.

Mayaman ba ako? Ano ba ang dati kong buhay? Sino ba ako? Ano ba ang totoong pangalan ko? Sino ang mga pamilya ko? May kapatid ba ako? May mga magulang pa ba ako? Bakit wala akong maalala kahit isa? Bakit ko nasabing may trauma ako sa dagat?

Ano bang nangyayare sa buong pag-katao ko? Bakit hindi ko kilala ang sarili ko?

Si Simon... Tama, baka si Simon kilala ako. Sinabi nya sa'kin na kapag handa na'ko ay...

"Seryeo ang papa mo?" Pabilis ng pabilis ang tibok ng puso ko, habang inaantay ang sagot ni Seryeo.

"Papa? Anduon..!" Itinuro nya ang ilalim ng dagat. Agad ako nakaramdam ng kaba sa dibdib.

I-ilalim ng dagat?

Wala sa sarili akong napahawak sa dibdib ko. "Kanina pa ba s'ya sa ilalim ng dagat?"

Simon... Hindi s'ya pwedeng mawala. "Opo. Sisid daw po kasi si papa sa dagat. Bakit po ma?"

Bawat segundo ang lumilipas, hindi ko na maramdaman ang tibok ng puso ko ng dahil sa kaba. Pakiramdam ko, mawawalan ako na ako ng hangin sa katawan.

"Mama, okay ka lang po?" Nag aalalang tanong ni Seryeo sa'kin. Ni hindi na ako nakapag protesta nang umupo sya sa hita ko, at niyakap ako.

"Seryeo..." Napayakap nalang din ako sakanya sa sobrang kaba ang nararamdaman ko. "Nag aalala ako sa papa mo..." Hindi ko mapigilang mapaluha.

"Shiii...okay lang po ang papa... Babalik din si papa, mama. Hintay nalang po tayo, okiy po?"

Katulad ng sinabi ni Seryeo. Hinintay namin si Simon, umahon sa dagat. Hindi ko na mabilang sa daliri ko, kung ilang minuto na sya sa ilalim ng dagat.

Simon...

Pano kung nalunod na s'ya? Pano kung naubusan sya ng hininga habang nasa ilalim ng dagat? Pano kung... No. I can't let that happen, not now. Never.

Mabilis akong tumayo sa kinauupuan ko. "Seryeo, dito ka lang ha. Susundan ko ang papa—"

Umiling s'ya. "Magagalit po ang papa, mama. Dito lang daw po tayo hanggang sa makaahon ang papa sa dagat.." Aniya at pinag laruan ang maliit nyang daliri.

LOVE AFTER LIES  (Twisted Series #1)Where stories live. Discover now