HADES ROME FUENTES
SHAN'S POV
"Pano nyo po nalaman?" natatakang tanong ko sakanya.
Nagulat nalang ako ng bigla syang humagulgol sa harap ko.
B-bakit ba sya umiiyak? Hindi ko sya maintidihan. Nagulat nalang ako ng yakapin nya ako, mahigpit na yakap. Habang humagagulgol ng malakas. Halos bumaon na ang kuko nya sa likod ko, dahil sa mahigpit na yakap nya.
Hindi ko na sya tinanong pa at hinayaan nalang.
Ilang oras na ang lumipas ay unti unti na nang humihina ang mga hikbi nya. Napabuntong hininga ako at hinagod ang likod nya.
I heard her let out a heavy sigh. Kumalas sya sa pag kakayakap sakin. Basang basa ang mag kabilang pisngi nya, kaya naman pinunasan ko iyon gamit ang likod ng palad ko.
"Wag kana hong umiyak."alo ko dito at nginitian sya.
Nakatitig sya sakin ng mariin. Kasunod ng pag ngiti nya. Walang buhay ang ngiti nya, hindi katulad kanina.
"Kamukha mo talaga ang ate mo."nagulat ako sa sinabi nya. Bahagyang kumunot ang noo ko, ng hawakan nya ang mag kabilang pisngi ko habang nakangiti. Buhay na ang ngiti nya, hindi na katulad ng kanina.
"P-po?"
Umiiyak syang natawa."Kamukhang kamukha mo ang ate mo. Parehas kayo ng mata, ng labi, ng ilong, ng nunal sa sa ilalim ng panga. Mag kaparehong pareho kayo ni ate mo. Parehas maganda.."my lips parted.
Ano bang sinasabi nya? Ate? Wala akong ate! Atsaka hindi ko kamukha ang kapatid ko! Kaya hindi kami mag kapareho!
Ano bang sinasabi nya?
She smiled widely. "Kamukha mo ang ate Sarah mo."
Inalis ko ang kamay nya sa pisngi ko."Wag ho kayong mag sabi ng ganyang salita—"
"Totoo ang sinasabi ko. Kamukhang kamukha mo ang ate mo Sarah mo."hindi ko na natiis ay napasigaw ako sa inis.
"Ano bang pinagsasabi nyo?! Wala akong ate! Ako ang panganay sa pamilya namin at anong sinasabi mong kamukha?! Wala akong kamukha na kapatid! Dahil hindi kami mag kamukha ng kapatid ko!"
Kahit nahihirapan ay pilit akong tumayo. Ayoko na! Uuwi na ako! Nag sasabi lang sya ng kasinungalingan! Hindi dapat ako naniniwala sa mga sinasabi nya!
Napahawak ako sa puson ko dahil biglaang pamimilipit.
"O-okay kalang ba anak?"napaigtad ako ng hawakan nya ako sa braso. Pilit kong tinatanggal ang kamay nya sa braso ko.
"Ano ba! Bitawan mo nga ako! And stop calling me 'anak'! I'm not your daughter!"I shout. Inis na inis na ako!
"Marami na akong nararamdaman na sakit. Huwag naman na ho kayong dumagdag pa! D-dahil hindi kuna kakayanin pa!"hindi ko alam ang tamang salita para sabihin pa ang nararamdaman ko.
Ang alam ko lang ay napaupo na ako sa lupa habang mahinang humihikbi. Naramdaman ko nalang ang mainit na pag yakap nya sa'kin.
"Anak ko.."pilit ko syang tinutulak.
"Hindi! Hindi mo ako anak! May pamilya ako!"sigaw ko. Lalong humihigpit ang yakap nya sa'kin. She was caressing my head.
"Hindi totoo 'yan... Mama mo ako. Ako ang mama mo, ako ang tunany mong Ina. Anak kita, an-anak ko—"I push her.
Pinunasan ko ang luha ko. "Walang katotohanan lahat ng 'to!"I pointed her."You're crazy! Baliw kana!"akmang tatayo ako ng hilahin nya ako para mapasubsob ako sa dibdib nya.
YOU ARE READING
LOVE AFTER LIES (Twisted Series #1)
RomanceSharmaine, also known as Shan, went to a bar and got drunk because of the problems she was carrying. She thought that getting drunk would solve her problems, but it didn't! Because of her drinking, it was like a volcano erupted as she wakes up next...