Simon!
"Gisingin mo na anak, ibibigay mo na sakanya iyang gawa mo sigarado matutuwa 'yan!"
"Opo, hintayin nalang natin s'ya magising Nay—"
"Hay naku, kahit kailan talaga napaka torpe mo—"
"Aku gising Mama!!"
"Seryeo ang boses mo, pakihinaan po,"
"Oki poeh!"
"M-magandang umaga po..?"
Sabay sabay silang tumingin sa'kin na para bang gulat na gulat. Mukha ba akong multo?
Dahan dahan akong umupo at sumandal sa dingding.
"A-ano pong meron?" Takang tanong ko sakanila. Dumapo ang tingin ko kay Seryeo na ngayon ay humagikgik sa gilid.
"Ibigay mo na anak, gising na oh!" Kunot noo akong tumingin kay Aleng Hilar. May malawak na ngiti ang nakapaskil sa labi nya.
"Puwede po ba Nay na.... Pag hilamusin mo na natin sya bago ibigay sak—"
"Kahit kailan talaga anak, ako nanga lang," Umalis si Aleng Hilar papalabas at bumalik na may dala dalang kahoy na parang...?
Hindi ko alam ang tawag saka—
"Eto iha.." Inabot sa akin ni Aleng Hilar ang dala dala nyang kahoy. Nag dadalawang isip pa ako kung kukunin ko ba yon o hindi.
"Kunin mo iyang saklay sa iyo na yan. Ginawa yan ni Simon para sa iyo." Kinuha ko iyon at tinignan ng maigi. Mukhang matibay dahil ilang pako ata ang naubos sa pag gawa netong saklay na ito.
Pero bakit? Bakit nya ako ginawan ng saklay?
"Anak saan ka pupunta?" Napabaling ako kay Simon na ngayon ay nasa pintuan. Nakasandal sya doon. Aalis ba s'ya?
"Mag papahangin lang, tanghali na kasi." Simpleng sagot nya at umalis na.
Galit na naman ba sya sa'kin? Ano namang ginawa ko para magalit na naman sya.
"Hayaan mo muna si Simon. Sigurado akong nahihiya lang yon. " Natatawang saad ni Aleng Hilar tsaka ako hinawakan sa mag kabilang braso.
"Gumagaling na pala ang sugar mo oh. Epektibong epektibo ang nirekomenda ni pare."
"Po?"
Naguguluhan kong tanong sakanya tsaka binalingan ng tingin si Seryeo na ngayon ay nakahiga sa paanan ko. Para s'yang nakikipag laban sa antok. Papikit pilit kasi ang mata nya.
"Iha, gusto mo bang subukan etong saklay na ginawa ni Simon para sayo?"
Hindi pa ako nakakasagot nang bigla nya nalang akong itinayo kasabay ng pag lagay nya sa mag kabilang kili-kili ko ng saklay.
"Oh ayan! Bagay naman pala sayo eh! Matutuwa neto si Simon!" Tuwang tuwang sabi nya at pumalakpak. Hindi ko na alam ang sunod na nangyare, para yatang nag lakbay ang utak ko.
Ni hindi ko na maintidihan ang sinasabi nya, para akong nabibingi. Nakatitig lang ako sa labi nya, sinusubukang intindihin ang lumalabas sa bibig nya. Pero hindi ko talaga maintidihan s'ya.
Natauhan lang ako nang marinig ko ang nakakatakot na boses ni Simon.
"Nay, may nag hahanap sayo sa labas."
"Sino naman? Sa ganitong oras, apo?"
Nag bikit balikat lang si Simon at umalis na ulit. Ni hindi nya ako tinapunan 'man lang ng isang tingin.
Napabuntong hininga nalang ako. "Sige iha, babalikan kita mamaya. Sasabihin ko na kay Simon na asikasuhin ka muna."
"A-ay! Huwag na po, k-kaya ko naman po ang sarili ko.... Kahit papano.."
YOU ARE READING
LOVE AFTER LIES (Twisted Series #1)
RomanceSharmaine, also known as Shan, went to a bar and got drunk because of the problems she was carrying. She thought that getting drunk would solve her problems, but it didn't! Because of her drinking, it was like a volcano erupted as she wakes up next...