HADES ROME FUENTES
SHAN'S POV
MALALAKAS ang bawat katok na naririnig ko mula sa pintuan.Kahit ayaw kong bumangon ay napilitan ako, dahil sa takot na si Hades iyon. Lugmok na lugmok ang mga mata ko. Halos hindi na ako makakita dahil sa pamamaga at sobrang hapdi ng mata ko.
Bumuntong hininga ako at dahang dahan na pinihit ang busol. Naestatwa ako sa pag aakalang si Hades ang kaharap ko, kundi si Saera.
Ang kaharap ko ay ang kabit ng asawa ko.
"Kamusta ka na? Hindi na ba masakit ang paa mo? O ang likod mo?" bungad nya sa'kin. Pasimple syang pumasok ng kwartong at binangga ako ng balikat, kaya napaatras ako. Nilock nya ang pinto, kaya napakunot ang noo ko.
"Anong kailangan mo?" tanong ko rito ng mag lakad lakad sya na para bang sinusuri ang loob ng kwarto. Humarap sya sakin, na salubong ang kilay, habang nakangisi.
She crossed her arms and leaned on wall. Dahang dahan na tumataas ang isang kilay nya at tinignan ako mula ulo hanggang paa. Kalaunan ay tumawa.
"I still can't believe na buhay ka parin hanggang ngayon?" patanong na saad nya at ipinaikot ang dulo ng buhok nya sa daliri nya.
"Sabihin mo, bakit ka pa bumalik? Hindi ka na kailangan ni Hades, dahil nandito na ako. I'm his girlfriend, kung hindi mo alam." my eyebrows furrowed.
Girlfriend? Hah! Ang lakas ng loob nyang sabihin sa'kin 'yan! Sa harapan ko pa mismo!
Nang wala akong isinagiot sa tanong nya ay galit s'yang pumunta sa harapan. "Ano! Hindi ka ba mag sasalita?! I'm. His. Girlfriend. Girlfriend ako ni Hades!" ulit nya.
Tinitigan ko lang sya na para bang walang pakialam sa sinasabi nya. Pagod na akong makipag talo. Pagod na ako... Tumigil ka na.
"Ano!? Wala kang sasabihin?" she scoffed. "Sabagay, kahit noon pa 'man ay wala kang karapatan sagutin ako at labanan. Dahil.." inilapit nya ang mukha nya sakin. Amoy na amoy ko pa ang panglalakeng pabango ni Hades. "..isa ka lang anak sa labas.." she added.
"A-anong sinasabi mo?" kunot noo kong tanong sakanya.
Umayos sya ng tayo at nandidiring tingin ang binigay nya sa'kin. "Oh! You don't know?" she grinned.
"A-ano bang pinagsasabi mo? Ganiyan ka na ba kadesperado at nagawa mo pang mag gawa ng kwento? You're crazy Saer—"
"No! i'm not crazy, but you are!" she cut me off.
Kumuyom ang kamao ko. "H'wag na 'wag mo akong itutulad sayo Saera! Dahil hindi ako baliw na katulad mo, na pumapatol sa asawa ng may asawa!" galit kong sigaw sa pag mumukha nya. Mahapdi ang mga mata ko para mag bigay ng sama ng tingin, pero nagawa ko parin syang bigyan ng masamang tingin dahil sa mga sinasabi nya sa'kin.
"What did you just—Me? Crazy!?" umayos ang balikat ko at lumapit sakanya.
"Oo! Ikaw!" matapang na sagot ko sakanya. "Sa tingin mo ba matatakot pa ako sayo? Hindi na ako natatakot sayo! Sainyo! Saera. Simula nung umalis ako sa impyernong bahay na 'yon!, wala na akong kinakatakutan kundi ang sarili ko."
Akala ko matatakot sya sakin pero hindi. Tumaas ang gilid ng labi nya at wala sa oras akong sinampal kaya napatabingi ang ulo ko. Sa ginawa nyang 'yon, para akong nabingi. Hindi ko mawarian ang naririnig ko.
Hanggang sa nararamdaman ko nalang ang kuko nyang bumabaon sa mag kabilang balikat ko. Napapikit ako ng mariin, dahil sa dumadalawang paningin ko. Hindi ako makadilat ng maayos. Ang daming mukha ni Saera ang nakikita ko.
YOU ARE READING
LOVE AFTER LIES (Twisted Series #1)
RomanceSharmaine, also known as Shan, went to a bar and got drunk because of the problems she was carrying. She thought that getting drunk would solve her problems, but it didn't! Because of her drinking, it was like a volcano erupted as she wakes up next...