CHAPTER 8

135 6 0
                                    

HADES ROME FUENTES

SHAN'S POV


In the corner of my room. I was sitting alone while hugging my knees, thinking about my life and asking myself.

Ganito nalang ba ako rito? Mag mukmok sa kwarto? Mag iisip ng kung ano ano? Hahayaan ang sarili na makulong sa kwartong walang buhay? Sa kwartong puno ng sakit? Sa kwartong nag hihila sakin pababa, para tuluyang maramdaman ang sakit? Para marating ang rurok ng puso ko? Ganito nalang ba? Baka mabaliw ako pag pinag patuloy ko ang pag kulong sa sarili sa kwartong 'to.

Huminga ako ng malalim tsaka tumayo. Bahagya pa akong nahirapan dahil kumikirot ang balakang ko sa hindi malaman na dahilan.

Lumabas ako ng kwarto, nagulat pa ako nang makasalubong ko si Manang na nakangiti. Pero agad 'din nawala ng mag tama ang paningin namin. Bumalik ang pagiging masungit na mukha nya. At masama akong tinignan.

"Huwow't at lumabas kana sa kwarto mo. Buong mag hapon kang hindi lumabas at kumain. Nag bago na ba ang buhay pagiging prinsesa mo sa mansyon na ito?" masungit at iritado nyang tanong. Pinaglandas nya pa ang dalawang braso nya. Bago ako tignan mula ulo hanggang paa.

Tumikhim ako. "A-ah.. n-naisipan ko po kasing lumabas at mag ikot ikot sa lugar na ito. G-gusto ko m-munang pumunta sa palengke k-kung meron dito.." ang kaninang iritado at galit na mukha ay napalitan ng masayang ngiti.

Nagulat pa ako ng lumapit sya sa'kin at hawakan ang balikat ko. "Gusto mong mag libot sa lugar na ito? May maliit na nayon rito. Ngunit dalawang oras ang magagamit mo kapag nag lakad." anito at hinila ako.

Hinila nya ako hanggang sa makarating kami ng sala. Walang maid, hindi ko 'rin napansin si Hades o si Saera. Saan kaya sila pumunta? Kumuyom ang kamao ko sa naisip. Baka nag date sila. Imposible. Imposibleng nag date sila at iwan ako ni Hades rito. Alam kong kahit galit sya sa'kin, ay hindi nya magagawang iwan lang ako rito.

"Kung hinahanap mo si sir Hades ay, umalis sila kasama si ma'am Saera. Nung tinanong ko si ma'am Saera ay aalis daw sila at mag tutungo ng manila para duon mag bakasyon ng ilang linggo." parang may humugot ng puso ko dahil sa sakit nang nararamdaman ko. Bakit nya ginawa 'yon? At Isa pa. B-bakit mag babaksyon sila? H-hindi ba sapat na dumito nalang sila? Lalo na si Hades. Asawa nya ako! Hindi nya dapat ako iniiwan mag isa sa bahay!

I'm his wife not his mistress!

Napakagat ako sa pisngi ko. Para pigilan ang sariling umiyak. Lalo naman lumawak ang ngiti ni Manang.

Ma'am Saera...

"Gusto nyo bang mag simula ng mag lakad? Mira!" nagulat ako ng sumigaw sya. Nakangiti sya tila bang tuwang tuwa sa nangyayare. Sa nakikita nya sa'kin. Sobrang laki ng ngiti nya, masasabi kong abot tenga ang ngiti nya.

"Bakit po?" lumapit sa amin ang babaeng bata. Mga eleven years old kung titignan. Kunot noo syang tumingin sakin kalaunan ay nginitian ako. Gusto ko man nginitian sya pabalik ay hindi ko magawa. Dahil sa nararamdaman ko.

"Ipatawag mo si James at sabihin na ihatid nya ang asawa ni sir Hades sa palengke."

Agad naman na tumango ang bata."Opo." sagot nito bago umalis sa harapan namin.

Bumalik ang tingin ko kay Manang ng kuhain nya ang palad ko at ilagay ro'n ang papel na nakatupi. Agad na kumunot ang noo ko. Mag tatanong na sana ako ng mag salita sya. "Ayan ang mapa ng lugar dito, kung sakaling maisip mo na mag lakad at maligaw ka sa kagubatan ayan ang mapa." aniya.

LOVE AFTER LIES  (Twisted Series #1)Where stories live. Discover now