CHAPTER 20

51 3 0
                                    

SARAH


ILANG linggo na ba ako rito? Linggo ba o buwan? Hindi ko na matandaan. Ang tanging alam ko lang masaya na ako. Masaya na'ko. Parang ayaw ko ng balikan ang nakaraan buhay ko—kung meron man. Pero kung wala, uh. Mas pabor pa iyon sakin. Wala naman nag hahanap sa'kin. Siguro kung may mga magulang man ako, hinahanap na ako nila. Pero wala, wala na siguro akong magulang.

Napatingin ako sa hita ko. Kaya ko ng mag lakad. Tinulungan ako ni Seryeo at ni Aleng Hilar. Tinutulungan nila ako at hindi sinusukuan. Ang laki na ng utang na loob ko sakanila, at ang mga pag hihirap nila sa'kin. Ang swerte ko sakanila. Tungkol naman kay Simon. Ang masasabi ko lang ay, okay lang.

"Mama!" Napaigtad ako ng marinig ko ang sigaw ni Seryeo. Mabilis kong hinahanap kung saan galing ang boses na yon. Nahanap ng mata ko si Seryeo, sa katapat kong bintana. Malaki ang ngiti nya.

Tumayo ako at pinuntahan sya sa gawi nya. "Seryeo, kapag nakita ka ni papa mo mayayari ka. Papagalitan ka ng—"

Umiling s'ya. "Hindi ho! Ma, punta po tayo bayan... Ma-mag park po tayo... Please mama.."

Gusto kong umu-oo nalang dahil sa enosenteng tingin nya. Sa kung paano nya sya mag makaawa gamit lamang ang mata. Pero hindi.

"Magagalit sa'kin ang papa mo, Seryeo. Atsaka, hindi pa ako nakakapunta sa park na sinasabi mo." Ngumuso s'ya at nag sisimula na ang mga mata nyang bumuo ng luha, sa gilid ng mga mata nya.

Bumababa sya sa bintana at tumakbo papaalis. Habang takip takip ang mga mukha nya. Gusto ko syang tawagin, pero mas mabuti na siguro yu—

"Ay butiki! Seryeo, wag mo naman akong gulatin ng ganon." Nag bikit balikat lang sya at yumakap sa hita ko. Humawak ako sa dibdib ko at malakas na bumuntong hininga. Umupo ako para pantayan sya.

Hinawakan ko ang mag kabilang pisngi nya. "Seryeo, makinig ka sa'kin okay lang ba?"

Tumango s'ya, pero yung mga mata nya... Mukhang iiyak na sya. Ay hindi, may luha na sa kanan nyang mga mata. Bakit ba sya umiiyak? Hindi nya—Hay...

"Ser—"

"H-hindi po... O-okay lang ho n-na a-ayaw nyo. A-ang totoo po nyan ayaw—Ah, hindi ho... Hindi ako mahal ni papa kaya a-ayaw n-nya," humikbi sya. Parang sinuntok ang puso ko sa nakikita ko kay Seryeo. Yung mga mata nya, nangungusap. Parang ang lungkot lungkot ng mga mata nya.

"Seryeo, anak..." Nagulat ako ng bigla s'yang yumakap sa leeg ko, at duon umiyak.

"O-okay lang po... H-hindi naman ako m-mahal ni papa eh..." Patuloy lang sya sa pag hikbi. Kaya walang sawa kong hinagod ang likod nya. Inantay ko s'yang tumahan, pero hindi. Nangalay na ang paa at tuhod ko pero hindi parin sya tumitigil.

"Seryeo?" Malambing na tawag ko sa pangalan nya.   Pero hindi sya sumagot, patuloyang sya sa pag hikbi.

"Seryeo," ulit ko. Pero walang sagot.

Pinakiramdaman ko ang leeg ko. Pero wala akong nararamdaman na basa o ano. Tanging hikbi lang ni Seryeo ang naririnig ko. Inabot ako ng ilang segundo bago malaman ang ginagawa nya.

Natatawa akong umiling. "Seryeo,"

"Mama! Payag kana please... Kulitin papa... Please mama..."

Lalong humigpit ang yakap nya sa leeg ko, kaya nawala ang ngiti ko. "Oo sige. Susubukan ko kung papayag ang papa mo. Pero kung hindi. Wag na natin pilitin okay ba?" Paliwanag ko sakanya, at hinaplos ang pisngi nyang tuyong tuyo at walang bakas na luha.

Kaagad na lumiwanag ang mukha. "T-talaga po! Yey! Alabyo mama!" Nginitian ko sya at mabilis na hinalikan sa noo.

"Ayan. Okay ka na? Gusto mo na bang maligo?.." Tinaas ko ang kilikili nya at inamoy. "Ambaho na oh," dagdag ko pa at kiniliti sya duon. Humagikgik naman sya at mabilis na umiling.

LOVE AFTER LIES  (Twisted Series #1)Where stories live. Discover now