CHAPTER 17

150 8 1
                                    

Simon?

Kung bakit sa dinami dami ng tao bakit sa'kin pa napunta ang ganitong kapalaran?

Ang hirap. Ang hirap bumangon sa umaga habang may iniisip kang problema. Hindi mo alam kung kaya mo pa ba o hindi na. Sa bawat araw na bumabangon ako para gumising, dala dala ko ang katanungan sa isip ko. Sino ba ako? Pano ako napunta rito? May pamilya ba ako? Anong nangyare sa'kin?

Hindi ko na alam kung may gamot pa ba sa'kin na mag papaalala sa'kin, kung sino ako. Pero ang tanging alam ko lang ay, natutuwa ako kasi mga mabubuting tao ang nakakuha sa'kin at nag alaga. Kaso nga lang, iyong nakakita sa'kin sa dagat ay, parang ayaw sa'kin. Lagi nya akong tinitigan ng masama at iniirapan. Hindi nya 'rin ako kinakausap. Kakausapin ko man sya pero pag tango lang ang laging sagot nya. Si Seryeo at Lola Helar lang ang lagi kong kausap. Ang nag lilibang sa'kin. Ang nag pupunas sa'kin. Ni hindi ko nga alam kung paano nila natitiis ang amoy kong na nabubulok na masansang na amoy. Habang ako ay naiinis sa sarili ko.

Napahawak ako sa bendang nakalagay sa mukha ko. Bakit kaya may nasunog ang mukha ko? Sa kadahilanang ano?

Napabalik ako sa ulirat ng tawagin ako ni Seryeo. "Mama!"

Mabilis s'yang tumakbo papalapit sa gawi ko. Kasunod ng pag yakap sa'kin ng mahigpit.

"Bakit pawis na pawis ka?" Tanong ko rito at kumuha ng malinis na panyo sa kahoy na gabinete. Agad ko sakanya ipinahubad ang itim nyang damit na may bilog na logo. Halos maligo na s'ya sa pawis, ultimo ang buhok nya ay basang basa.

"Saan ka galing? Bakit pawis na pawis ka?" Ulit kong tanong. Pero imbis na sumagot ay binigyan nya ako ng malaking ngiti. Halos makita ko na ang lahat ng ngipin nya.

"Seryeo.." Malambing na tawag ko sa pangalan nya at maliit syang nginitian. Kita ko naman agad ang pag babago ng itsura nya.

"Mama..."

"Seryeo.."

"Mama eh.."

"Seryeo,"

Ngumuso s'ya at pinaglandas ang dalawang braso. Umupo sya sa tabi ko humiga sa hita ko. Umawang pa ang bibig ko dahil sa masakit parin.

"Wag ka iingay kay papah ku ah." Aniya. Kinuha nya ang kamay ko at pinaglaruan iyon.

"Suntok ko yung bigan ko. Aasar sya eh." Mayabang na sagot nya. Namilog ang mata ko.

"A-ano? Sinuntok mo ang kaibigan mo? Pag nalaman ng papa mo yan nagaglit—" Agad nya akong pinatahimik gamit ng pag lagay nya ng kanyang maliit nyang palad sa bibig ko.

"Wag ka iingay mama ah, papalu ako papa ih." Aniya.

Kumunot ang noo ko. "Ano bang inasar nya sayo?" Tanong ko at agad na pinaglaruan ang buhok nyang kulot.

Humaba na naman ang nguso nya. "Mayiit daw puh ako eh!" Inis nyang sabi at umirap.

"Maliit kalang? Yun lang ang sinabi at sinuntok mo na sya—"

"Mayiit daw puh batutoy ko!" Mangiyak ngiyak nyang putol sa sasabihin ko at nag takip ng mukha. Agad na namula ang tenga nya at ang leeg nya.

Para s'yang kamatis na puputok sa sobrang pula ng mukha at leeg nya.

Wala pang ilang segundo ay naririnig ko na ang hikbi nya. Ang maliliit nyang pag hikbi.

"T-teka naman... Wag kang umiyak, Seryeo.." Saad ko at pilit na tinatanggal ang kamay nya sa mukha nya.

"Ayaw koh! Tatawanan mu kuh!" Inis nyang sabi at mas lalo pang lumakas ang hagulgol nya. Kaya natawa ako.

"Hindi. Promise, wag kana umiyak.." Pigil ang mga tawa ko habang sinasabi sakanya 'yon.

LOVE AFTER LIES  (Twisted Series #1)Where stories live. Discover now