Kumakain kami sa isang hapag na parang wala lang, na parang normal lang ang lahat. Gustong-gusto kong magwala, gusto kong manampal, gusto kong manamit at manumbat pero hindi ko magawa kasi sino ba naman ako?
Tinignan ko silang dalawa na magkatabi sa mismong harapan ko, tumatawa at nagkwekwentuhan. Humigpit ang hawak ko sa kutsara habang nakatitig sakanila, dahan-dahang tumulo ang luha mula saaking mga mata dahil sa galit na nararamdaman ko ngayon.
Binaling niya ang tingin niya sakin kaya kaagad akong umiwas at pasimpleng pinunasan ang mga mata. Itinuloy ko ang pagkain pero habang nginunguya ko ang kanin ay hindi ko ito magawang lunukin dahil sa sobrang sakit ng aking lalamunan, naiiyak ako, gustong kumawala ng mga emosyon ko pero pilit ko itong pinipigilan at pinilit ang sariling ngumuya kahit nahihirapan na ako. Para akong nagmumukhang kawawa dito.
"Im sorry, i need to use the restroom for a bit" tumayo ang kanyang asawa at iniwan kaming dalawa
Ilang segundong walang nagsalita saaming dalawa kaya ako na ang unang gumalaw at tumayo para ilagay ang aking mga pinagkainan sa lababo pero bigla rin siyang tumayo at lumapit sakin bago ako hinalikan ng walang kung ano-ano.
Mabilis kong inilapag ang plato sa lamesa at malakas siyang sinampal. "T*ngina m* hayop!" mahinang sumbat ko sakanya, mula ngayon ay may karapatan na akong sumabatan siya dahil alam kong kalokohan lang pala ang lahat ng ito
Hindi ito nagsalita bagkus ay pilit niyang hinahawakan ang kamay ko pero pilit ko rin itong iniiwas sakanya. "Anong ibig sabihin ng lahat ng ito huh?" itinuro ko ang lugar kung nasan ang kanyang asawa "Ano ako? sino siya?"
"Buong akala ko ay hindi na siya babalik pa"
"Sino ang legal saming dalawa?" natatakot ako sa isasagot niya kahit na alam ko na kung ano ang lalabas mula sa bibig niya
Yumuko siya at pumikit bago ako tinitigan sa mga mata "I love you Catleya"
Napapikit ako at tumalikod. How did I even end up in this situation? I feel like a crap right now. I covered my eyes and cried silently, pigil na pigil para lang walang makarinig. Pero nang maramdaman ko ang pagyakap niya sa likod ay galit ko siyang tinulak pero bumalik siya at mahigpit akong niyakap, kahit anong tulak ko ay hindi siya maka-bitaw dahil sa lakas niya.
Nang marinig namin ang pagbukas ng pinto ng restroom ay kaagad kong tinanggal ang mga kamay ni Eric sa tiyan ko at mabilis na umakyat sa itaas. Muntikan na akong masubsob sa hagdan dahil sa pagmamadali at sakit na nararamdaman ng puso ko pero pinilit kong itayo ang sarili ko dahil wala na akong iba pang maaasahan. All this time, isa akong babaeng maninira ng pamilya kahit pa wala akong kamalay-malay, ginawa niya akong isang kabit at hinding-hindi ko siya mapapatawad dahil doon.
I stayed up all night, how can I still ever manage to sleep at this rate? ni hindi ko alam kung anong gagawin ko. Nagising nalang ako sa huwisyo nang marinig ko ang alarm ng cp ko sa kama, mabilis ko itong pinatay at tinignan ang oras, alas sais na pala ng umaga pero hindi ko man lang namalayan dahil sa sobrang lalim ng iniisip ko. Mabilis akong nagbihis dahil ayoko nang mamalagi sa pesteng bahay na ito. Pagkababa ko ay nakita ko ang asawa niyang umiinom ng tubig malapit sa lababo pero nagdire-diretso lang ako, ayoko siyang pansinin hanggat maaari.
"Do you want me to drive you to school?" nagsalita siya mula sa likuran ko
Napatitig ako sa pinto bago siya nilingon ngunit hindi ako tumingin sakanya "Im okay, thank you." I coldly replied and walked away
Wala akong pakealam sa sasabihin niya, kasi sa oras na magtanong siya ay sasabihin ko na ang katotohanan.
Hindi ko namalayan na nakarating na pala ako sa university kahit naglakad lang ako. Kagaya ng dati ay hindi ko parin pinapansin ang mga tao sa paligid ko, kahit ano pang sabihin o tingin nila sakin, dire-diretso lang akong naglakad papunta sa room. Nang makarating ako ay hinila ko ang upuan at maingat na inilapag ang bag sa desk bago ihiniga ang ulo ko rito. Bakit pakiramdam ko ay pagod na pagod ako kahit na umaga palang naman?
"Buwiset talaga yang mga kerida na yan ano? sana mamatay na silang lahat na para wala ng pamilya ang masira" dinig kong galit na sambit ng kaklase kong babae, ramdam kong dinadamayan siya ng mga kaibigan niya
Gumising ako at natuon ang atensyon sa usapan nilang magkakaibigan. "Ang sabi pa ng tatay ko samin ay wala na daw siyang obligasyon pa saaming mga anak niya dahil pinuputol na niya ang koneksyon niya samin like what the freak?!"
"Sa tingin ko ay inimpluwensiyahan siya ng babae niya"
"Hindi ko alam kung bakit nasisikmura nilang maging kabit, sobrang nakakadiri! hindi ba nila alam na sobrang dumi nila dahil sa ginagawa nila?" gigil nitong saloobin
Nakakadiri nga, maging ako ay nandidiri na rin sa sarili kong katawan. Hindi ko kailanman ginustong maging kabit pero pwinersa akong maging ng tadhana. Hindi ko din alam kung bakit ko nasisikmura ang ganitong sitwasyon, gustuhin ko man ang tumakas pero sa impluwensiya niya ay hindi ako makakalayo. Oras na lamang ang hinihintay ko, ang dumating ang araw na makapagtapos ako.
Nagising ako sa realidad nang mag-vibrate ang cellphone ko sa bag kaya binuksan ko ang zipper nito at kinuha. Pagbukas ko ng screen ay biglang napalitan ang kaninang lugmok ng saya nang mabasa ko ang nakasulat rito.
Natanggap ako sa aplikasyon ko sa New Zealand.

BINABASA MO ANG
A Politician's Paramour
RomanceHe is a well-known politician from a prominent city, yet, bears a mysterious secret. Because he keeps a very important possession, his lady..his mistress. She's a normal-living college girl, trying to fulfill her dreams in a busy city. But no one tr...