Alam kong hindi mapinta ang itsura ko ngayon, parang isang lantang gulay na naglalakad sa gilid ng kalsada para magaral. Sobrang aga kong umalis sa impyernong yun para lang maka-iwas sakanila. Tinignan ko ang lumang puting relo ko at mag-a-alas sais palang pala ng umaga. Kanina pa ako tulalang naglalakad habang nilalagpasan ng mga sasakyan. Hindi ko kayang lumapit sakanilang dalawa, sobra akong nagagalit at hindi mapigilang sisihin ang sarili ko sa kinahantungan kong ito. Paano ko ba nasisikmurang makipagsikaikan sa isang bubong ng isang magasawa gayong alam kong may nangyari at namagitan saamin ni Eric.
Pero...all of those emotions suddenly faded away when I saw him coming down from a private car.
Si Earl.
Hindi ko namalayang binilisan ko na pala ang paglalakad hanggang sa mapagtanto kong medyo malapit na ako sakanya. Isinara niya yung pinto ng itim na SUV at umalis na. Pasimple naman akong sumunod para hindi niya mahalatang nakabuntot ako sakanya. But something felt so odd about him, he looks so sad and down as if he has a problem.
Hindi mawala si Earl sa isip ko hanggang ngayon kahit patapos na ang klase ko, I looked at my watch and it was already 7 in the evening, ito ang pinaka-late na klase ko ngayong malapit na ako mag graduate. Pero hindi pa ako uuwi kasi may practice pa kami para sa pageant, it was our last project in this university before we leave.
Nang pumunta ako sa function hall ay nakita kong mag-isa siya, nakaupo sa may madilim na bahagi ng stage at tahimik na naka-tulala sa kawalan. Dahan-dahan lang akong naglakad papalapit sakanya and tried to sit beside him ng hindi ganun kalapit. Everything was so silent until he started talking.
"Please excuse me." hindi siya tumingin sakin at nanatiling nakatulala sa hangin na para bang lugmok na lugmok siya
"For what?" iginilid ko ang ulo ko
Pumikit ito at walang kung ano-ano ay bigla niya akong niyakap. Naging estatwa ako dahil sa gulat at nanlaki ang mga mata ko habang nakayakap siya sakin at maya-maya pa ay nagsimula na itong umiyak ng tahimik. Nagdadalawang-isip ang kamay kong hawakan ang likod niya at patahanin ito pero sa huli ay nanaig ang nararamdaman ko. Niyakap ko rin siya pabalik.
"Wala na kami. Iniwan na niya ako."
Hindi ko alam kung dapat ba akong makonsensya sa ginagawa ko kasi unang-una ay alam kong hindi na ako naka-tali kaninuman dahil hindi ako legal na kasal, at isa pa ay...naghiwalay na si Earl at ang kanyang girlfriend, kaya naman walang mali sa ginagawa naming dalawa dahil parehas na kaming malaya.
"Papatayin kita kapag napunta ka sa iba"
Bigla ko siyang natulak palayo nang biglaang mapunta sa isipan ko ang linyang sinabi ni Eric saakin noon. Napalitan na naman ng takot ang aking dibdib at kitang-kita ko ang gulat at hiya sa mga mata ni Earl habang nakaharap sakin ngayon. Bigla kaming nabalot ng nakakabinging katahimikan.
"Im s-sorry...alam kong nabastos kita at naiintindihan ko kung--"
"No! its okay" bigla ko siyang pinutol sa kalagitnaan ng pagsasalita kaya nagtataka niya akong tinitigan, napapikit ako "Ayos lang talaga ako, really.." I assured him
Nag-iba ang paraan ng pagtitig niya sakin kaya naman napalunok ako. Mapupungay ang mga mata niya at mahahalata mong pagod ito dahil siguro sa stress sa pag-aaral at nga problemang kinakaharap niya. Kaming dalawa lang ang nandito, nakaupo at nakatago sa dilim na may katiting na ilaw, magkaharap at magkatinginan na hindi ko aakalaing mangyayari sa hindi inaasahang pagkakataon. I smiled at him as he smiled at me too.
"I know how you feel about me."
"What do you mean?" pagklaklaro ko sa sinabi niya
Tumingin na siya sa harapan, sa bintana kung saan nakikita ang madilim ba kalangitan at ang mga bituin na nagniningning.
"You like me, don't you?"
Napaawang ang labi ko dahil sa diretsahang pagsasabi niya nun. Ni hindi ko nga magawang umamin sakanya pero heto siya at nalamang may gusto ako sakanya. G-ganun ba ako kahalata?
Hindi ako makapagsalita "P-paano mo nalaman?" nauutal kong tanong pabalik habang naka-kagat sa labi ko
Tinignan niya ako at tumawa ng kaunti "Malalaman at malalaman ko kung nagkakagusto sakin ang isang tao. At isa pa, napapansin kita, hindi mo lang halata"
Bigla akong namula sa sinabi niya, n-napapansin niya ako pero hindi ko lang halata? napangiti ako ng kaunti at pinilit itong itago.
But then again..the slightest moment of happiness was again replaced by fear nang biglang pumasok sa isipan ko ang isang linyang tumatak saakin.
"Pero huwag kang magkakamaling ipaalam sakin kung sino siya, kasi alam mo na kung anong mangyayari sakanya...at sayo"
Hindi ko na namalayang tumatakbo na pala ang oras at umabot na kami ng alas otso ng gabi dahil sa pagkwekwento niya. Pero hindi ako sa kwento niya nakatutok, kundi sa kanyang mukha, habang siya ay nagsasalita, habang ang kanyang mga kamay ay kumukumpas at nagkwekwento, habang ang kanyang mga mata ay tumitingin saakin, habang siya ay ngumingiti at tumatawa. This feels so surreal. Its to good to be true.
Naglalakad kami palabas sa maim entrance nang biglang mahulog yung ballpen konsa stairs kaya sabay kaming yumuko at pinulot ito pero nagka-untugan ang mga ulo namin kaya nagkatinginan kaming dalawa at biglang natawa. Unti-unti akong natigil nang makita kong kakaiba ang paraan ng pagtitig niya sakin kaya I asked him.
"Is there a problem?" takang tanong ko at nagbago ang ekspresyon
Isinukbit niya ng maayos ang blue niyang bag sakanyang isang balikat bago lumapit sakin ng isang hakbang at biglang hinawakn ang ulo ko bago ako hinalikan.
Nanatili lamang akong nakatayo habang iniisip kung ano ang nangyayari ngayon lang. Hanggang sa ipinikit ko ang aking mga mata at hindi inaasahang gumanti sakanyang mga halik. Hanggang sa dahan-dahan kong inilagay ang aking mga kamay sa likod ng kanyang leeg.
If this was a sin, then let me be a sinner.
![](https://img.wattpad.com/cover/364227271-288-k747401.jpg)
BINABASA MO ANG
A Politician's Paramour
RomantikHe is a well-known politician from a prominent city, yet, bears a mysterious secret. Because he keeps a very important possession, his lady..his mistress. She's a normal-living college girl, trying to fulfill her dreams in a busy city. But no one tr...