29

286 7 0
                                    

Nagulat ako nang biglang may malakas na humatak papalayo mula sakin si Earl at sa isang iglap ay nakahiga na ito sa lupa habang malakas na pinagsusuntok ni Eric.

"Eric!" isinigaw ko ang pangalan niya at mabilis na lumapit sakanya para ilayo siya mula kay Earl na bugbog sarado na

"Eric parang awa mo na tama na!" umiiyak na ako at sumisigaw dito sa labas ng main door ng eskwelahan para lamang awatin ang kanyang galit kahit pa alam kong imposible na

Umupo ako at ihinarang ang katawan ko para protektahan si Earl na halos nanghihina na at hindi makalaban dahil sa hindi inaasahang pagatake ni Eric. Umiiyak akong pumikit kahit na alam kong lalo ko lang siyang ginagalit sa ginagawa ko.

"P"tangina! papatayin ko kayong dalawa!" sumigaw siya na halos rinig na rinig ng lahat, galit siya. galit na galit. at alam kong hindi maganda ang kakalabasan nito.

Sa kaunting panahong naging masaya ako ay mahabang panahon ang kakaharapin kong parusa.

Hinila ako ni Eric at marahas na itinulak sa hagdan kahit pa nagasgasan ako at natama ang braso ko sa semento. Bigla na naman niyang pinagsusuntok ni Earl na para bang papatayin na talaga niya ito, punong-puno na ng dugo ang mukha niya at namumula na ito, ang mga kamao ni Eric ay may bahid na rin ng dugo. Halos hindi na makabangon si Earl at kaunti nalang ay pipikit na ang mga mata nito.

"Eric papatayin mo na siya! please naman makinig ka sakin! ako na ang parusahan mo please huwag lang siya...gagawin ko lahat!" lumuhod na ako sa harapan niya at ginamit ang buong lakas ko para pigilan ang braso niya habang sumisigaw at nagsusumamo

"Papatayin kitang g*go ka. Papatayin--"

"Tama na please!!"

"Eric ano bang ginagawa mo?!" may brasong pumigil sakanya nang aktong malakas na suntok na naman ang idadapo niya

Napatingin siya rito nang makita kong si Sir Fajardo ito na ibinaba pa ang hawak niyang laptop at bag sa lupa para lang awatin si Eric. Nang makatayo siya ay bumagsak sa lupa si Earl na mabilis kong sinalo at umiiyak na inalalayan, halos hindi na siya makilala, parang mamamatay na siya rito.

"Tulong!" sumigaw ako para marinig ako ng mga taong dumadaan ngunit bakit parang walang nakakarinig sakin

tinignan ni Sir Fajardo si Earl at kaagad itong nilapitan para suriin ang kanyang pulso at kung humihinga pa ba siya "Muntik ka nang makapatay ng tao" galit pero mahinahon ang pagkakasabi niya bago tumayo at buong lakas na hinarap si Eric

Dinuro niya si Earl "Alam mo ang kaya kong gawin sa oras na--" tumigil siya at galit akong tinignan "p*tangina!" sumigaw ito at pinagsusuntok ang pader

Natigil ang pagtibok ng puso ko at napaawang ang labi ko nang bunutin niya ang Calibre 45 at itutok saaking ulo ng ilang segundo habang diretsong nakatitig saaking mga mata na para bang handa niya na akong lagutan ng hininga bago niya itodamiy ibinaba at itinutok kay Earl na nakapikit na ang mga mata. Lumunok ako at niyakap siya para protektahan.

"Eric may reputasyon kang dapat protektahan! huwag kang magpapadala sa galit mo!" galit na sambit ni Sir Fajardo at pinilit na ibinaba ang braso ni Eric "Tumawag ka na ng ambulansya Catleya, kailangan na nating dalhin sa ospital si Earl bago pa may mas malalang mangyari sakanya."

Tumango ako at natatarantang kinalkal ang cellphone ko sa bag ko habang nanginginig ito, itinipa ko ang number ng pinakamalapit na hospital at nanginginig ang mga boses na kinausap ang nasa telepono habang umiiyak. Nabahiran na rin ng dugo ang aking damit mula kay Earl.

Hinablot niya ang braso ko para patayuhin ako nang galit ko itong binawi at binulyawan siya "Huwag mo akong hahawakang mamamatay tao ka!" sobrang bilis ng paghinga ko habang nakatitig sakanya

"Lalo mo lang akong pinapagalit sa ginagawa mo Catleya--"

"Lumayo ka na!" nanggagalaiti akong sumigaw habang humahagulgol

Pero lumapit siya saakin at hinawakan ang kwelyo ng damit ko bago ako hinatak kahit pa nagpupumiglas ako ay patuloy parin siya sa pagdausdos saakin sa lupa.

Kaagad na umawat si Sir Fajardo at pinigilan siya sa paghila sakin "Nasasaktan yung babae sa ginagawa mo! hindi mo ba talaga ako naririnig ha?!" galit na rin siya sa mga oras na ito

Itinulak siya ni Eric "Huwag kang mangialam, this is my f*cking business."

"Its not your business anymore since you involved two of my students!" pinanindigan ni Sir Fajardo ang kanyang katuwiran at dinuro siya na para bang hindi politiko ang nasa harapan niya

Nakarinig kami ng siren ng ambulansya sa may hindi kalayuan. "Alagaan mo siya ng mabuti. Sisiguraduhim kong mananagot ka sa ginawa mo. Magkikita pa tayo." naglakad si Sir papunta kay Earl at inalalayan ito para sa paparating ng ambulansya

"Hindi..a-ayoko...ayokong sumama sayo!" umiiyak ako habang hinihila ako ni Eric at unti-unti akong lumalayo mula kela Earl

Binuksan niya ang pinto ng sasakyan at marahas akong itinulak papasok bago dali-daling pumunta sa driver seat, nagtangka akong buksan muli ang pinto pero hinila niya ang beywang ko papasok sa loob at nilock ang pintuan.

Habang inilalayo niya ako sa lugar na iyon ay umiyak lamang ang natatangi at kaya kong gawin. Isinandal ko ang ulo ko sa upuan ng kotse habang nakapikit.

Tumigil kami sa isang bakanteng lote na kung saan ay walang katao-tao o kahit street light man lang.

Dito na ba niya ako papatayin?

"Napakasama mong tao. Daig mo pa ang isang demonyo"

"Ako pa ang masama?" sarkastiko at galit ang kanyang tono

"Ako?"

"Ako pa ha?!"

"Oo ikaw!" hinarap ko siya ng buong tapang, tutal ay mukhang ito naman na rin ang huling araw ko "Ikaw ang dahilan ng lahat! ikaw ang rason kung bakit miserable ang buhay ko kung bakit naghihirap ako ngayon sa letseng imperyong ito!"

"Mahal mo ba siya?"

Hindi ko siya sinagot.

"Kahit magsinungaling ka sakin basta sabihin mo lang ang gusto kong marinig Catleya! ano mahal mo ba siya?!

"Oo mahal ko siya yun ba ang gusto mong marinig? mahal na mahal na mahal ko siya--"

Hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko ay siniil na niya ako ng halik. Kinagat ko ang kanyang labi ngunit hindi parin siya tumigil at lumayo, hinampas ko ang kanyang dibsib ngunit mas lalo niya lamang akong inilapit sakanyang katawan.

Hanggang sa yakapin niya ako ng mahigpit na mahigpit.

And then he cried. He was crying.

"Huwag mo akong iwan please, mahal na mahal kita hindi ko kaya. Catleya mahal na mahal kita, i love you so much that I am willing to do anything for you."

Umiling ako at umiyak ng tahimik, hindi ko kaya.

Sa puntong ito ay parehas lamang kaming nagdurusa dahil sa isa't-isa.

A Politician's ParamourTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon