Mood: 😓
Hindi ba dapat ginhawa lang muna pakiramdam?
Pero bakit may uneasiness akong nararamdaman?
Dapat start for a new chapter? Go for the finals?
Kaya ko ba?
I mean, yung mag skyrocket yung grades na gusto ko?
But why am I feeling that there is something going on?
May mangyayari pala?
No. I must be optimistic.
Pero hindi maiiwasang maging pessimistic.
Lalo na si madalas palaisip.
Kung kaya naman, strive for it di ba?
Aral lang. May maasam kang gantimpala.
If madaling pumasok lahat ng napag-aralan, baka hindi ako nagkakaganito.
E hindi e. Tanging pagpasok ng paaaralan lang ang nagagawa ko.
Yung iba may kanya kanyang pinagdidiskitahan, tila ba hindi gaano apektado sa nangyari.
Ako ba nasobrahan ba in a worst way possible?
Ang husay na hindi sila nalulunod sa thoughts tungkol sa hirap sa grado.
Samantalang ako na hindi mapakali na ewan.
May patutunguhan ba ang lahat ng ito?
Ang sarap lang sumuko.
Pero kailangan kong maging pursigido.
Kase nilalaban ko dito reputasyon ko.
Wala dapat akong inaalala.
Ang aalahin ay kung paano ko masisiguradong okay ang kalalabasan.
Ayaw kong magsabi ng what ifs.
Ngunit hindi naman matatanggal iyon lalo na sa sitwasyong pinagdadaanan ko.
Breath in breath out ang dapat isagawa.
Hindi yung may umiikot pa sa utak.
Surely, may mga kakalabanin ako.
Kaya ano pa nga ba? Sumabak dahil kailangan.
Hindi naman masamang matalo.
Pero siyempre, nilulugar iyon.
Pero pag usaping akademiko, agad kumilos.
Walang hinto hangga't di pa tapos ang semester.
Hindi pa nasa tuktok pero baka hindi pa makarating.
Mamumuhay ba ako ng payapa?
O sa bawat sanib ko, may mas titindi pa?
Baka matamaan ako sa sobrang sakit?
Magkaroon ng hinagpis at sama ng loob?
Ay mali iyon. Dapat tiisin lang.
Kapag binato ka ng bagay na di mo magugustuhan, puwede mong saluhin.
Duwag ka kung inilagan mo para sa kaingatan.
Yung legal naman tinutukoy ko hindi yung kung ano.
Ang laki mong tao tas grabe panliliit mo sa sarili mo.
Shunga ka ba?
Minsan oo. Minsan hindi.
Pero alin man doon, yung isa ang humihigit.
BINABASA MO ANG
Don't JUDGE Me
NonfiksiAn intrapersonal dialogue communication between me and myself. Just thoughts. Own monologue conversation with oneself.