Mood: 😞
Nakita mo na?
Ang alin?
Yung grades mo?
Ah...oo.
Anong resulta?
Sa palagay mo?
Uh...goods?
Pwede.
So may bads?
Oo.
Di bale both?
Yep.
E bakit ganyan ka?
Ewan ko. Naiinis ako na nalulungkot na...hindi ko maintindihan.
Pasado naman lahat di ba?
May isang hindi...yung mahirap pa.
Ahh...pero bakit ka naglulugmok?
Kase yung iba...ang pangit e.
Ng alin?
Yung okay sa paningin pero sa akin hindi.
Mataas naman di ba?
Ayos lang.
Ha? Anong ibig mong sabihin?
Yung isa kase may pagkalagapak? Yung dalawa pasado. Yung isa deserving. Pero yung dalawa, kabaliktaran.
Pero sabi mo halos lahat naman may nice?
Oo pero dahil grade conscious ako, humihingi ng academic validation, hindi ko maiwasan.
Ganon? Hindi ba dapat hindi mo pinoproblema gaano ang ganyan? May finals pa naman.
Kahit na midterms ito, iba pa rin pag naabot mo yung tinatamasa mo.
Grabe naman. Kung iba iyan-
Hindi ako katulad nila. Iba ako sa kanila.
Bakit mo binibig-deal ang isang bagay na puwede mo namang magawan ng paraan?
Hindi ba puwede?
Wala namang problema. Kaso kung mananaig iyan nang pagtagal, walang patutunguhan.
Akala naman ganoon kadali iyon.
Alam kong lahat ng bagay mahirap.
Naiinsecure ako na bakit yung iba kaya samantalang ako hindi.
Huwag mo namang ikumpara ang sarili mo. Sabi mo nga na-
Kapal ha. Kanina lang may pacomfort ka pang ginagawa. Anong tawag mo doon?
Nagiging realistic ako.
Pero yung katotohanang iyon ay hindi sapat upang mapagaan loob ko.
Gusto kitang intindihin.
Ngunit di ko ma-gets sarili ko.
May tsansa pa naman.
Paano kung yung chance na iyon hindi maging worth it? Sasaya pa ba?
Line of 9 naman ang equivalent non di ba?
Yung two na hindi deserving? Oo.
Ang arte mo naman.
Nanggagago ka ba?
Hindi naman uy.
Ganito. Kuha ko yung isa dahil naapektuhan yung quiz at exam ko. Yung dalawa dahil sa quiz. Pero yung dalawa pa...ang sakit e.
Di ba dapat mas masaktan ka sa isa?
Kung hindi ko alam ang rason sa bagay na iyon, e di iyon ang pinagtutuunan ko.
BINABASA MO ANG
Don't JUDGE Me
Non-FictionAn intrapersonal dialogue communication between me and myself. Just thoughts. Own monologue conversation with oneself.