DELULU

20 10 1
                                    

Mood: 🥴

Naalala ko yung sinabi ko na hindi pa ako handa sa mga bagay tulad ng pagkakaroon ng lablayp.

Na sa dami ng aking jinajuggle sa buhay, ito ako at nagsa-struggle.

That if I have somebody to be with me, baka imbis na ginhawa, hirap lang din ang maihandog.

Mga ubos, na gustong ipuno o mga kulang, na hindi magiging sapat.

Baka ang gustong itagal, mapapaiksi nang biglaan.

At doon, maaring maapektuhan hindi lamang siya, pati na rin ako. Damay damay ganoon.

Bakit naman ang negatibo ko?

Nasubukan ko na ba?

E isinilang nga ako ng walang lovelife tapos kung makapagsalita ako parang alam ko na mangyayari ah.

Hindi naman kase iyon maiiwasan.

Lalo na kung marami ka nang nasaksihan.

Maaring sa mismong pinagdaanan ng iba o hindi kaya sa mga nakikita.

But never once in my life.

Ang alam ko lang, masarap ito sa una, at masakit ito sa huli, kung may naganap na aberya.

Iyon yung mga tinatawag na break-up. Yung it is over.

Ang tangi ko pa lang na nakukuha ay yung tapos tungo sa friendships.

At hindi sa relationship. About sa love.

I had watched or glimpsed so many stories.

So many situations with different tropes.

And they both have an ending that leaves everyone surprised including me.

I have found some wonderful pero kadalasan cringy, corny, or even yucky.

Or maybe I am just that bitter?

May kainggitan? Mapapatanong ba ng paano naman ako?

In this modern world, halos buong sambayanan ay may kasama.

Kumbaga may addition na to their lives.

While me? Hindi po subtraction. Wala lang operation para makapagcompute kung ano ang magiging equal.

Ako lang ang gumagawa ng sariling solution na ang mindset ay nagiging problem.

Cannot help but to ask on what-ifs.

What if maluwag ang buhay ko?

What if wala akong inaalala sa buhay?

What if may kapiling na buhay na magpapabaho sa aking pagiging single?

I mean, I really do not need someone right now.

Hindi naman ako ganoon kadesperato.

Pero kung baka sakali ano kaya?

Sarap tuloy magpakadelulu sa estadong ito.

I know I cannot easily escape this life gawa nang may kumokontrol.

I am not yet free enough to do the things I want.

Bit by bit lang. Kase wala pa akong napu-prove to myself, at sa iba.

Pero in another life, an alternative universe, my other version, may tao ba na para sa akin?

I get a bit jealous sa iba na nakakaramdam ng sweetness, affection, mga benefits na nakukuha pag may ka-love.

Mapa fling, m.u, couple, married, ang pagkakaparehas nila, all of them have their mutuality towards to the one they have.

And I want to discover how it feels to have that.

Don't JUDGE MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon