Mood: 😶
Mahal.
Ano nga ba masasabi ko rito?
Handa na ba ako?
Umaasang magkakaroon ng ganito?
O hintay na lang kung ano ang papatungo?
Hindi ko rin alam e.
Wala pa akong karanasan sa ganitong aspeto.
Mayroon naman pagdating sa pamilya, katiting sa sarili, at sobra naman sa nakatataas. Siya lang kapit ko e kaya patuloy pa ring buhay?
Kaibigan? Wala ako non.
Ka-ibigan? Mas lalo na.
If I do not have the first one, then do you expect me to have the other?
Madalas napapatanong rin ako sa sarili ko kung bakit nga ba?
Gusto ko? Nais?
Maski yung iba napapatanong kung mayroon na ba akong nobya, syota, o jowa.
Pero isang simpleng sagot lang naman sinasabi ko.
Single not taken.
I mean, choice ko naman iyon.
Hinahangad ko ba?
Masarap ba siyang maramdaman?
Puwede. Kase naroon yung feeling na hindi mo inaakalang madadama mo iyon sa sarili mo tungo sa iba.
Yung pagiging romantiko in an intimacy way.
Hindi pang family, pang friendly, pero yung pang-relasyon talaga.
May time na masasabi na nakakainggit. Paano kaya ako?
Ang tanong, willing ba akong pumasok?
Kase hindi ko sure lalo na sa mga pinagdadaanan sa buhay.
Yung tipo bang hindi maisisingit sa ideya na kumuha ng ganon lalo na ngayong panahon.
Kesyo malaki na ako, hangga't hindi pa huli ang lahat, subukan para may matutunan.
Masama bang tumandang walang kasama?
Ayos lang kayang magdesisyon na piliing mapag isa?
O kinakailangan na may kapares para sabay na lumalabang dalawa?
Hindi ko rin maintindihan.
Naroon yung expectation na papano ano?
Anong mangyayari? Anong ikababago?
Maging ako pa rin ba o may personalidad na bubuo? Karakter?
Fit ba ako na magkaroon ng ka-partner, couple, o kung ano pa mang magtutukoy na tumutukoy sa love.
Love.
Ang deep, daming definition.
Hindi naman siya komplikado kung tutuusin.
You can love someone.
You can love anyone.
But you cannot find the one.
Puwede namang sarili ang dumikta kung sinong pagkakainteresan.
Okay din naman, hayaan kung sinong dumating.
Pero ewan ko. Isa bang malaking takda na magkaroon ng kapiling?
Ang hirap kase ngayon, may standard.
Puro choosy.
BINABASA MO ANG
Don't JUDGE Me
Non-FictionAn intrapersonal dialogue communication between me and myself. Just thoughts. Own monologue conversation with oneself.