“Oh, inumin mo,” utos ni Hester nang makapasok ako sa malaking kusina nila.
Para akong baliw na nakahawak sa pader nila, hindi ko mailakad nang mabuti ang mga paa ko sa sobrang pagod. Nanginginig ang mga buto ko sa tuhod at parang hindi ko na yata kayang maglakad pa. Ang laki na ng bahay nila Hester sa mata ko pero ilang metro pa tinakbo ko!
Ramdam ko ang panghihina ng buong kalamnan ko, pati ang mga buto ko ay tila nagkandabali-bali na. Para akong umahon galing sa dagat na puno ng mga pirana. Nakita naman ni Hester ang itsura ko at tinulungan, hinigop ko ang binigay niyang juice 'tsaka unti-unting napa-upo sa sahig nilang malamig.
“What happened? Nag-away ba kayo ulit ni Tita Mamsh?”
Umiling ako at sinabunutan ang sariling buhok, basa na ito dahil sa pawis kong lagatak kanina pa. Hindi ko maipaliwanag, nanginginig ako dahil sa nagawa. Kahit kailanman ay hindi ko ginustong gawin iyon. At kung bibigyan ako ng pagkakataon na bawiin ay gagawin ko, itatama ko. Putangina naman kasi eh!
“Tayo na diyan, hinihintay tayo ni Cole sa taas,” malditang saad nito at binigay sa akin ang isang scrunchie na kinuha niya sa kanyang palapulsuhan. Tinanggap ko naman iyon at pilit na tumayo, I put my hair in a bun and follow Hester in their playing room.
Bago mapuntahan ang playing room ay madaraanan mo muna ang kanilang napakalaking dining room. She became my friend because she's the bitch queen of the school, she's a strong woman building her own empire using her filthy mouth though it doesn't affect me at all. She used to bully me before but one day I just found myself throwing her in a garbage, she offered me friendship so why not?
Cole, my gang buddy who supports me in every fight is her boyfriend. Noon pa man ay kaibigan ko na si Cole, magkapitbahay lang naman kasi kami. Pero parang ang sama, kasi tangina, trio kayo pero third wheel ka.
“Hi there gangsta, you look like a cow shit.” Mabilis ko siyang sinuntok sa tiyan na siyang dahilan ng kanyang pag-ubo.
“Bungad,” anas ko.
“You with your fucking hand should stay away from my ma-”
“Your man?” pagtapos ko sa kanyang sasabihin.
Sinamaan niya ako ng tingin at kumuha ng hindi pa nabubuksang chichirya at tinapon sa'kin. Tinulungan ko si Cole sa pagtayo at parang manikin na tinapon sa mahabang itim na sofa.
“Narinig ko pala na tumulong ka na naman sa pagpapahinga.”
Nginisian ko si Cole at binuksan ang pagkain, ‘tumulong sa pagpapahinga’ ang term namin sa pagpapatulog ng mga bastardo. Hindi ko iyon kasalanan, tahimik akong dumaan sa eskinita at aksidenteng narinig ang usapan nila. Sinabi kong ang bata pa nila para gawin iyon pero sumugod na lang sila basta. Hindi naman na ako tanga para hayaan ang sariling mabingit sa kamatayan.
“They need it though,” ani Hester at yumakap sa tiyan ko.
“You know what, Alex?”
“I don't know nothing,” sagot ko, pinanggigigilan niya ang binti ko.
“Bitch find some hunk,” tinampal ko nang malakas ang noo niya.
“I don't need a boyfriend,” sagot ko.
My Mom raised me alone, she never needed a new man to feed me so do I. Nabubuhay ako dahil pinili kong mabuhay kahit walang lalaki sa buhay ko, kaya kong gawin ang ginagawa nila.
Tumayo naman si Cole at binuhay ang telebisyon, kinonekta niya iyon sa wifi nila Hester at naghanap ng bakbakan. Palaging wala ang mga magulang nitong si Hester kaya we have the freedom to do anything here.
“Yes, Alexandrine doesn't need it. She needs a girlfriend.”
Tinaas ko ang kamay at pinakita ang napakagandang gitnang daliri kay Cole.
![](https://img.wattpad.com/cover/365973610-288-k896375.jpg)
BINABASA MO ANG
Once Upon A Promise ✔️ (GxG)
General FictionCARA MORTE #1 Si Alex ay isang basagulera, palaban siya. Kabaliktaran naman niya si Honey. Dati silang magkaibigan, ngunit pagkatapos iwan ni Honey si Alex ay nagbago ang dalaga. Pagbabago na hindi na maaari pang baguhin ng kung sino man dahil si Al...