Ilang linggong naging mapayapa ang mga araw ko.
Hindi ko na muling nakausap pa si Honey, nilalayuan yata ako pero okay lang, para rin naman sa ikabubuti ko at ikabubuti niya. Kailangan kong lumayo. Sinusubukan kong wag siyang kausapin kahit na ano mang mangyari, kahit na siya pa ang tinarget ni Susian the wooly worm ngayong mga nakaraang Linggo. Gaya nang sinabi ko sa kanya ay lumayo nga siya kaso may nahanap namang ibang target, hindi na rin siya sumasalubong sa akin.
Hindi na ako naiinis sa kanya dahil pinabayaan niya ako, ngayon ay kay Honey na lang. Lalo na at nililigawan siya ni Yuri, ang putang transferee na na-inlove at first sight daw. Tanggalin ko mga mata no'n eh. Mapanganib ang tulad kong sangkot sa illegal, mapanganib kami kaya dapat talagang layuan.
"Ayoko na, ang hirap naman nito," reklamo ni Hester na dinudumihan na ang libro.
Kakaupo pa lang namin dito pero wala nang ibang ginawa si Hester kundi ang mag-reklamo, sa'ming tatlo ay siya na naman ang nakakuha ng pinakamababang puntos. Tinuturuan man siya ni Cole ay hindi pa rin niya magets, mahirap niyang unawain ang isang bagay dahil nangunguna ang reklamo niya.
"Hindi ba old friend niyo iyong Haniel Booder?" tanong nito.
Napatingin naman ako kay Cole na seryosong nagbabasa tila sinasadyang ako talaga ang pinapasagot.
"Yes, Hester Young."
"Fuck you, Alexandrine Lhyman."
Inirapan ko siya sa biglang pagmumura niya sa akin, sinagot ko lang naman siya pero ganon na makaasta. Nadako ang mga mata ko sa mga taong papasok ng canteen, mabilis na uminit ang ulo ko nang makita ang gagong Yuri.
Nililigawan niya si Honey at itong si tanga nagpaligaw naman without knowing that, that cow shit broke a lot of the organization's rules.
Isang buwan na rin nang lumipat itong Yuri na ito rito sa teritoryo ko. Alam niya kung sino ang titirahin, nahanap na niya. Kumuyom ang kamao ko, gustong-gusto ko na siyang i-untog sa pader pero hindi pwede. Paniguradong kinakasuklaman na ako ni Honey, bahala na siya sa buhay niya kung makikinig siya sa hunghang na lalaking 'yon.
"Eww, she has no taste." Hindi ko pinangalawahan ang sinabi ni Hester dahil totoo naman.
Gusto ko ng sariwang hangin, nakakasulasok ang pagmumukha ng Yuri na iyon! Lalo na't nginingisihan ako tuwing malapit siya kay Honey.
Lumabas ako ng canteen at ramdam kong may nakasunod sa'kin kaya inikot ko siya sa lugar ko. Nakatayo ako sa likod ng puno at nang maramdaman siya ay mabilis siyang kwinelyuhan, sinuntok niya ako sa tiyan na hindi ko nailagan.
Hinaplos ko ang tiyan at pinukol siya ng masasamang tingin. Mabilis siya! Sinipa ko ang tuhod niya at sinuntok siya sa panga, hinablot niya ang siko ko at tinapon sa lupa.
"Fuck," manihang mura ko.
Tatayo na sana ako nang mabilis niyang tinadyakan ang binti ko. Kinagat ko ang labi sa sakit na nararamdaman.
'I knew it!'
Nahawakan ko ang isang bato at mabilis na tinira ang ulo niya, sumakto iyon sa mukha niya, mabilis akong tumayo at tinulak siya. Tumama ang ulo niya sa malaking ugat ng puno ng mangga na siyang lilim ko rito.
Tatadyakan ko na rin sana ang binti niya nang may sumigaw. Hinihingal akong lumingon at nakita ang Dean kasama si Honey at mga kaibigan nito.
"There they are!" Rinig kong sigaw ng isang babae, si Xaila, bagong kaibigan ni Honey.
Napahinga ako nang malalim, lumapit ako sa kanya ngunit nanigas ako sa kinatatayuan nang si Yuri ang daluhan niya.
BINABASA MO ANG
Once Upon A Promise ✔️ (GxG)
General FictionCARA MORTE #1 Si Alex ay isang basagulera, palaban siya. Kabaliktaran naman niya si Honey. Dati silang magkaibigan, ngunit pagkatapos iwan ni Honey si Alex ay nagbago ang dalaga. Pagbabago na hindi na maaari pang baguhin ng kung sino man dahil si Al...