24

17 1 0
                                    

"I-I'm sorry Alex, I d-don't know."

Mapait akong napangiti sa kawalan. Tumuloy ako sa paglalakad at sumunod naman siya sa tabi ko. Alam kong sasabihin na niya iyon, sino nga ba ang makakakilala sa'kin kundi ako lang.

Kahit minsan nga ay hindi ko na rin makilala ang sarili ko!

"But killing is illegal! That's not right Alex," aniya na kinataas ng kilay ko.

"Then why did you accept Al's offer as the last member of Fangs?" Gulat ang rumehistro sa mukha niya.

"H-How did you know?! S-Sinabi ba niya s-sayo?" Nagkibit-balikat na lang ako.

Akala niya siguro ay hindi ko malalaman na nakiusap siya kay Al na sumali at huwag sasabihin sa akin hanggang sa hindi nahahanap si Mamsh pero hindi ganoon ka-kitid ang utak ko. Non-member can't enter Yungib, hindi ka pa nakakaapak sa kinakalawang na gate ay paniguradong tigok ka na. Noong una ay napagbigyan lang siyang makapasok dito dahil sa'kin pero ngayon ay may ibang dahilan na!

"You know it's illegal but you enter my world. You're going to regret it Honey," malumanay ang mga galaw ko'ng lumapit sa kanya.

Tumigil ako sa harap ng isang puno at hinawakan ang pisngi niya ng dalawang kamay. She smiled at me and kiss the top of my nose. Gulat kong natanggal ang kamay at napahawak sa bungangang napaawang. Tinakpan niya ang mukha gamit ang dalawang kamay dahil sa pagiging kamatis ng pisngi niya. Kahit ako ay ramdam ko ang pag-iinit ng pisngi sa ginawa niya.

"You kissed me again."

Impit siyang natawa at umiling.

"I didn't! That's your nose not your lips!" Napa-upo siya at napasandal sa puno.

Umupo rin ako sa tabi niya at pilit na tinatanggal ang kamay niya na tumatakip sa mala-kamatis niyang mukha.

"Don't! Nahihiya ako!"

"What? Bakit mo 'yon ginawa kung mahihiya ka, huh!"

Tinigil ko na ang pangungulit sa kanya at hinayaan siyang tanggalin ang sariling mga palad sa pisngi.

"Marami akong gustong pakinggan na kwento," aniya at inabot ang kamay ko na nakalagay sa tuhod at pinagtiklop.

Sumandal na rin ako sa puno at huminga ng malalim bago magsalita.

"Wanna hear 'The Tiger's Kitten'?"

Kita sa mata niya ang pagdadalawang isip, paniguradong nagtataka na naman siya kung saan ko nakuha ang title na iyon.

"One day, napagkasunduan ng kambal na pusa na mamasyal sa parke," panimula ko at ilang ala-ala ang dumaan sa utak ko.

"Ilang beses sinabihan ng inang pusa na 'wag silang lalabas. Their mother always told them that the outsiders are vicious who might kill them and eat their little paws."

Ang mukha ni Mamsh ang nakikita ko habang binibigkas ang mga salitang iyon, palagi niya kaming pinapaalalahan na may mga taong walang awa at hindi nakokonsensyang kumitil ng buhay.

Nagi-guilty ako para sa nanay ko,sa mga sakripisyo niya, ito ang binibigay kong resulta. Napakawalang kwenta kong anak.

"What happened next?"

Napatingin naman ako sa kanya, hindi siya nakatingin sa akin at naka-pokus lamang sa paglalaro sa mga daliri ko.

"Well itong kambal ng isang pusa may nakitang laruan, she followed it and got hit by a car." Pasimple akong napangiti nang maramdaman ko ang pagtigil ng mga kamay niya sa paglalaro.

"The the other Kitten got lost, naniniwala siyang hindi pa patay ang kambal niya at napadpad siya sa madilim na eskinita."

Nakakaawa ang kuting na iyon. Maraming masamang hayop sa eskinita pero pinasok niya nagbabakasakali na baka naroon ang tahanan na hinahanap niya.

"The Tiger passing by at the dark alley of the town saw that poor little Kitten and adopted it, he gave a her home," saad ko bilang wakas at mataam siyang pinanood.

Parang malalim na malalim ang iniisip niya at tinutusok na niya ng kuko ang palad ko. Matagal pa niya iyong ginawa at napatigil lang nang makitang dumugo ang palad ko. Masakit 'yon.

"Am I the crashed Kitten?"

Once Upon A Promise ✔️ (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon