21

19 1 0
                                    

Nilagay ko sa plastic bag ang gloves na ginamit ko bago tuluyang lumabas ng tunnel.

'Ika palagi ni Al, "Loyal dogs are bound to die."'

"Saan ka galing?!" Inis na inis na Honey ang bumungad sa'kin nang buksan ko ang pintuan. Tiningnan ko na lamang siya ng blanko ang mukha.

"Lalayuan mo ba ang Yuri na 'yon pag sinabi ko?"

Natigil naman siya at walang imik na inayos ang upo, mukhang malalim ang iniisip niya habang nakatingin sa malayo.

"He told me you're a kille-"

"I am," buong pusong pag-aamin ko.

Lumabas ang malakas na tawa sa bibig niya at hinampas pa ang braso ko.

"Loka-loka, hindi ako maniniwala hangga't walang pruweba," saad nito at nakangiti na tinapon ang tingin sa labas ng bintana.

Nilunok ko ang tinik na nakabara sa lalamunan ko at tahimik na kinuha ang plastic bag saka nilagay sa harap niya.

I don't want to lie, if she'll hate me then be it. I deserve her hatred.

Napasinghap siya at mabilis na umiling.

"I killed Cara Juliana, and the next stop would be Key Vaugh Alora," usal ko at tinapon sa likod ang plastic bag.

"This is just a prank, hindi ako naniniwala sa'yo," bulalas niya bago punasan ang butil ng pawis na namuo sa kanyang noo.

"I killed her because they're planning to kill me and my mom, remember that day, noong unang araw na nakita mo akong muli pagkatapos ng tatlong taon?"

Nilingon niya ako habang gulong-gulo na ang utak, minasahe ko ang noo at pinasadahan ang buhok gamit ang daliri. She's still quiet and confused, I know she's shock for what she heard. It's absurd but she needed to know, to understand.

"Let's go home first and I'll tell you everything."

Mabilis kong pinaandar ang sasakyan at pinaharurot paalis, napangisi ako nang madaanan ang isang nakaparadang motor malapit sa parke.

'The boyfie will surely cry.'

Ilang minuto pa ay nakarating na kami sa bahay nila, sakto namang wala ang Tita niya kaya nagderetsyo ako ng pasok sa kwarto niya at ni-lock nang makapasok na rin siya.

"Be calm, okay?"

Nag-isip pa siya ngunit mabilis ding napatango, umupo siya sa gilid ng kama niya at kalmang hinihintay ang susunod na gagawin ko. Hinubad ko ang t-shirt at humarap sa pintuan, I heard how she gasp.

It's a viper hugging a gigantic fang, tattooed by our one and only artist, Baldo.

"I am a gangster, I lead Fangs of Cara Morte. One of the biggest organization of the country, and that car was a gift from the celebrity you just saw back there, he's my boss-Aldrich Flix Junquera..." I bit my lips after I paused a moment.

"My dad will surely hate me but what can I do if a rebelious girl chose to hang out with death? People threatened me and my mom that's why I stayed at Yungi.Hahabulin ako ni Kamatayan sa mga nagawa ko," mahabang litanya ko at hinarap siya pagkatapos magpaliwanag.

Umupo ako sa tabi niya at sinuot ang t-shirt, pansin ko ang pagkaputla ng mukha niya. Hindi ko siya masisisi, kahit ako ay hindi ko rin inakalang ganito ang kahahantungan ko.

"I thought joining such gangs will forget the pain you left here but it never did,it's too late to turn back" saad ko habang tinuturo ang puso.

"I-Ilan na ang n-napatay mo?" Natawa ako at napa-iling.

Ilan na nga ba ang napatay ko? Hindi ko na maalala kung kailan ako nasali sa malaking gulo pero hindi ko na mabilang kung ilan. Tama lang iyon dahil demonyo lang naman ang pinapadala ko sa ilalim ng lupa.

"You can hate me if you want, I'll accept it. I'm a monster anywa-"

"You are not!"

Tumalon ang puso ko sa malakas niyang sigaw, tumayo ako at lumayo sa kanya dahil sa mukha niyang nag-liliyab sa galit.

"Don't you dare call yourself a monster!"

Unti-unting umawang ang labi ko sa sinabi niya, mangiyak-ngiyak niya akong tinuro. Napahawak ako sa pisngi dahil ramdam ko ang pag-iinit nito, napa-upo ako sa study table niya habang nasa mukha ang dalawang kamay.

'Fuck!'

"Are you okay? Let me see your face!" inosenteng tanong nito habang sinusubukang tanggalin ang kamay ko sa mukha. "Let me see your cute tomato face."

Tinaasan ko siya ng isang kilay, napangiti nang may maisip akong pilyo. "Close your eyes and let me kiss you first." Lalo namang lumaki ang pagkakangisi ko nang agad-agad niyang sinunod ang sinabi ko.

Once Upon A Promise ✔️ (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon