27

22 1 0
                                    

Punong puno ng mga luha ang mukha ni Alerie habang hinahabol ang kanyang paghinga. Magang-maga na ang kanyang leeg dahil sa kadenang nakatali rito. Ipinagdarasal niya na sana ay wakasan na lamang ang buhay niya at wag nang gambalain ang kanyang anak.

"If you chose me Alerie this will never happen," ani ng matandang lalaki na dahilan ng pagtawa ng babae.

"I'd better die than to marry a monster."

Lumapit si Yilan at hinigpitan ang tali sa leeg ni Alerie.

"You mean that kid better die? You're also one of..." Nilapat ng lalaki ang dila sa tainga ni Alerie dahilan para magpumiglas ito kahit na pagod na ang katawan niya. "My kind!"

Magsasalita pa sana si Yilan nang makarinig sila ng sunod-sunod na putok. Napangisi siya at hinawakan ang panga ni Alerie ng mahigpit.

"Your monster to the rescue."

Tila nabuhayan ng pag-asa ang babae na maililigtas pa siya, noon pa man kahit itinatago ng anak niya ang pakikisali sa organisasyon ay alam na niya. Umalis siya noon sa Phantas at sumama sa ama ni Alex na isa sa mga lord ng Cara Morte ngunit nang mamatay ito ay napagpasyahan niyang lisanin ang madilim na mundo at kalimutan para mailayo ang anak ngunit mukha yatang talagang nasa dugo na nila ang pagiging paborito ni Satanas.

Hindi alam ng anak niya ngunit hindi lamang isang simpleng aksidente ang pumatay sa ama niya. Sadya itong pinatay ni Yilan dahil hindi pa rin nito matanggap na ang babaeng pinakamamahal niya ay mahuhulog lamang sa isang taong mas mababa pa sa ranko niya.

Mula sa malayo ay nakatayo si Al at pinapanood lamang ang mga pagsabog sa loob ng mansyon na kuta ng Phantas.

"Sa tingin mo buhay pa ang Lady Alerie?" tanong ng kanyang kanang kamay.

"Are you underestimating the Mortes?" Natahimik na lamang sa gilid si Esau at tinatanaw ang mansyong nababalot ng kadiliman.

Ang mga Mortes ay mga makapangyarihang tao sa loob ng organisasyon, mamatay man ito o umalis ay mananatiling kabilang pa rin. Bagong tatag pa lamang ang Cara Morte ay mayroon na itong pitong Mortes, ngayon ay nabawasan ngunit nadagdagan ng doble.

Ikinasang muli ni Alexandrine ang baril at pinaputukan ang guwardiyang sumalubong sa kanya papunta sa ikalawang palapag. Ramdam ng Fangs ang galit ng kanilang pinuno dahil sa bawat kasa nito ay agad na kung saan-saan itinututok ang baril.

Ngunit para kay Alexandrine ay nangingibabaw ang kaba at takot sa dibdib niya. Binibilisan niya ang pagpunta sa ikatlong palapag upang masilayan na ang kanyang ina. Hindi napansin ni Alexandrine ang kutsilyong tumama sa kanyang braso dahilan para mahulog ang hawak na baril. Mabilis siyang nagtago sa likod ng cabinet at hinihintay na sumugod ang kalaban.

Nakangisi lamang si Yuri habang naghihintay kay Alexandrine. Nang makita niyang may papalapit na namang kalaban sa kanya ay agad niyang pinaulanan ng dagger ngunit mabilis na nahila ni Alexandrine ang bata.

"Alex. Alex. Alex." bigkas niya at lumapit ng ilang metro sa kabinet na pinagtataguan nito.

Nang sumugod siya ay laking gulat niya nang tutukan siya ni Alexandrine ng dagger sa leeg.

"Your weapons against you!" Muli ay binigyan niya lamang ito ng ngisi.

"Ang taas ng tingin mo sa sarili mo, but your girl wants you to die!"

Napangisi si Alexandrine habang inaayos ang mga ngipin ng ahas na hinulmang knuckle at humanda para umatake.

Once Upon A Promise ✔️ (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon