2

86 3 0
                                    

Bumaba ako ng kwarto na naka-sando at short lang ang suot, sinuklay ko ang mahabang buhok gamit ang mga daliri habang sinisipol ang tono ng paboritong kanta. Isa iyon sa patok na kanta ngayong taon, pati matanda gustong-gusto iyon eh. Tinaas ko ang dalawang kamay sa ere, tinitiyak na wala akong galos. Masakit pa ang panga ko dahil sa suntok ng gagong junior pero kaya ko pa namang ngumuya. Kayang-kaya pa mambara.

“Alex bilisan mo!” Napa-irap ako at banas na pumasok sa sala kung nasaan ang kinaroroonan ng nanay ko.

Malayo pa lang ako ay naririnig ko na ang mga tsinitsismis ni Mamsh sa animal na umistorbo sa pagpapahinga ko. Siguraduhin niya lang na maganda sa paningin ko ang sasalubong sa akin.

Nilagay ko sa dalawang bulsa ang mga kamay at preskong pumasok, unti-unti kong hininaan ang pagsipol nang makita kung sino ang kasama ni Mamsh na kumakain ng pandesal. Mabilis na rumehistro ang inis sa mukha ko ngunit pinalitan din iyon ng blanko bago maupo sa harap niya.

“Akalain mo nga naman.”

Nanatili ang pagiging blanko ng mukha ko para malaman niyang hindi ako apektado sa pagmumukha niya.

“Alex, ganyan ba ang bumati sa kaibigan? Matagal na rin kayong hindi nagkita nitong si Haniel ah,” ani Mamsh at binigyan ako ng pandesal.

She kept on talking to her about my everyday routine, like she read me as a novel.

Kinuha ko iyong pandesal na binigay ni Mamsh at walang imik na kinain, pinagdarasal na hindi niya sana binanggit sa nanay ko ang tungkol sa nakita niya kanina sa apat na junior. Pinalo ako ni Mamsh sa braso na siyang nagpasinghap sa'kin, kinunutan ko lang siya ng noo at tumingin muli sa pagkain.

“Honey, Honey. Sobrang tamis kaya mabilis masira.”

“Pagpasensyahan mo na itong kaibigan mo hija, sobrang bastos na eh. Nakuha niya iyan sa palaging pakikipag-away.”

Gigil kong kinagat ang pandesal, sinabi ata nitong babaeng ‘to ang nangyari. Hindi naman mag-dadada si Mamsh kung wala siyang nababalitaang gulo. At isa pa minsan lang naman ako mapaaway eh.

“It’s okay po Tita,” saad niya sa mahinang tono. “I’m sure nagtatampo siya.”

Mabilis akong nabilaukan ng tinapay sa sinabi niyang iyon, pinilit kong nilalabas ang nasa lalamunan habang natataranta sila sa paghagod sa likod ko.

“Tubig Haniel, please pakibilisan.”

Dinamba ni Mamsh nang malakas ang likod ko kaya ko nailuwa ang malaking piraso ng pandesal, sinamaan ko si Honey ng tingin habang hinihigop ang malamig na tubig.

“Tangina,” mahinang mura ko at padabog na lumabas ng bahay.

“Alex!” sigaw ni Mamsh.

Lakad-takbo ang ginawa ko para makalabas nang mabilis sa kulay berdeng gate namin. Sumunod sa akin si Honey hanggang sa kalsada pero mabilis akong tumakbo, sinundan niya pa ako pero sa kamalasan niya ay sumabit ako sa dumaang dyipni. Busangot ang mukha kong bumaba, hindi ko na binayaran dahil sa ikatlong kanto lang naman ako bababa eh. Isa pa ay kaibigan ko iyong driver, kahit hindi ako magbayad wala lang iyon sa kanya.

Malayo pa lang ako sa bahay nila Hester ngunit natatanaw ko na ang malaking mansyon nila, tumigil muna ako para habulin ang hininga. Mabilis akong napabalikwas ng tingin nang may humawak sa'kin. Mabilis kong hinawakan sa pala-pulsuhan ang kung sino mang tao at malakas na hinila paharap dahilan para maitapon siya sa lupa.

Nanalaytay ang takot sa buong sistema ko nang mapagsino iyon. Nahihirapan siyang umupo habang ‘di makapaniwalang tumingala sa'kin. Pilit kong nilunok ang laway at tinigasan ang ekspresyon sa mukha.

Kinuyom ko ang kamaong nananakit pa rin dahil sa gulo ko kanina bago umuwi at mabilis siyang iniwan doon. Tumakbo ako nang tumakbo hanggang sa hindi ko na maramdamang humihinga pa ako, napahawak ako sa malaking gate nila Hester habang ang isang kamay ay nasa dibdib. Tumutulo na ang ilang pawis ko, ang iba pa ay dumadaan na sa buhok ko.

Muli akong napailing dahil sa nagawa, hindi ko iyon sinasadya. Hindi ko siya sinasadyang saktan!

Once Upon A Promise ✔️ (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon