4

37 2 0
                                    

“What do you mean by Alex needed a girlfriend, babe?” usisa ni Hester habang nilalaro ang hotdog sa bunganga niya pagkatapos ng ilang pelikulang nagdaan.

Inubos ko na ang natitirang pagkain para makaalis na. Gusto ko na’ng masuka dahil sa katarantaduhan niya kaya sa iba ko na lang pinupukol ang mga tingin. Hindi sinagot ni Cole ang tanong niya, nginisian lang ako nito at dinala ang girlfriend sa kwarto.

Hindi rin nagtagal ay umalis na ako roon, alam ko na ang gagawin ng dalawa kaya mas gugustuhin ko na lang mamatay kaysa marinig ang mga ungol nila. Nangilabot ang katawan ko dahil sa naisip, naalala ko naman iyong tanong ni Hester.

“Tanginang Cole.”

Nakalagay ang dalawang kamay sa bulsa ko at mabagal na naglalakad sa kalye, gabi na at tanging ilaw na lang ng street light ang nagbibigay liwanag sa dadaanan ko dahil wala naman masyadong bahay rito dahil pribadong lupain.

Tumingala ako sa madilim na kalangitan, tanging mga bituin at ang buwan ang nakikita.

‘Napaka-kalmang tanawin.’

Napakamot ako sa ulo nang maalalang marami nga pala akong assignment. Siguro kung hindi ako nagdrama sa bahay ay tapos ko na iyon ngayon at baka natutulog na rin ako. Binilisan ko ang lakad dahil kailangan kong tapusin iyon ngayon para hindi na ako mambugbog pa bukas para lang may makopya.

Tama na muna siguro iyong pasakit na binibigay ko kay Mamsh, baka sakalin na niya ako.

Bumagal ang lakad ko nang malapit na ako sa dikit-dikit na kabahayan, hindi na tahimik ang lugar dahil maririnig na ang ugong ng mga sasakyan at mga asong tumatahol. Napahinto ako sa madilim na parte nang sa ‘di kalayuan ay natatanaw ko ang isang babae't lalaki.

Sinabihan ko na ang sarili kong tama na ang pasakit na ibibigay ko kay Mamsh pero mukhang may kailangan ng pahinga.

“Let me go! Please leave me alone! Is anyne there? Help po!” sigaw ng babae pero parang bingi lang itong lasing dahil hindi man lang siya pinakinggan. English ba naman kasi kaya hindi siya niintihan niting si gunggong!

‘This man need some fist, he's a fucking coward to do that to the poor girl.’

Bumigat ang bawat paghinga ko nang maalala ang lugar na ito at ang damit na iyon, pinanood ko lang ang ginagawang pamimilit ng lalaking lasing hanggang sa lumapit ako sa kanila nang sumisipol.

‘Ano paring ginagawa niya rito?! Why didn't she just go home?!’

“Isa pang chicks,” ani ni gunggong na binigyan ako ng pababa at pataas na tingin. Nalalamigan ako dahil sa suot ko pero para akong sinabuyan ng kumukulong tubig na galing pa sa impyerno ni Satanas.

Sarkastiko akong ngumiti dito, binitawan niya si Honey at lumapit sa'kin nang may pilyong kurba sa labi. May hawak itong bote at sa tingin ko ay hindi pa nauubos, bago pa man niya ako mahawakan ay mabilis ko iyong hinablot at pinukpok siya sa ulo. Suminghap si Honey at napatakip ng bibig. Tinadyakan ko ang tuhod ng lalaki na siyang dahilan ng kanyang pagkatumba, sinubukan niyang tumayo pero sinuntok ko siya sa panga para tuluyan nang makapagpahinga.

“Drunk men should sleep early,” saad ko at hinablot ang pala-pulsuhan ni Honey at inilayo sa lugar na iyon.

Mabilis ko siyang hinila, hindi naman siya umiimik at hinayaan lang ako na dukutin siya. Iba't ibang klase ng motorsiklo ang nakasalubong ko, katatapos ko lang kumain ngunit parang nagugutom pa rin ako dahil sa nadadaanang stall ng mga street foods.

Binagalan ko lang muli ang paglalakad nang nakikita ko na ang bahay ng tita niya na tinitirhan niya ngayon. Hinarap ko siya at binigyan ng blankong tingin dahil sa kunot na kunot niyang noo. Malakas kong binaba ang kamay niya 'tsaka nilingon ang bahay namin na ‘di kalayuan sa kanila.

“Hanggang ngayon tanga ka pa rin,” saad ko at tinalikuran na siya.

Once Upon A Promise ✔️ (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon