33

33 2 0
                                    

Sobrang hapdi ng katawan ko dahil sa mga sugat na natamo kaso walang masakit na katawan sa mahigpit at napaka-init na yakap ni mamsh. Ilang oras lang siyang nawala ngunit parang ilang dekada ko siyang hindi nakita. Sa pagkakalayo niya sa akin ay dinala niya ang kaluluwa ko.

Hindi ko napigilan ang sarili na maiyak habang naririnig ang paghagulgol niya. Kinukutya pa kami ni Cole kaso hindi ko pa rin talaga maiwasan. Miss na miss na miss na miss ko na ang nanay ko!

"Uuwi na ako, pagaling kayo. Bye tita," pamamaalam ni Kelayan. Tinanguan ko lang siya, hinatid naman siya ni mamsh sa labas.

Naiwan kaming tatlo nila Cole at Hester.

"Umuwi na rin kayo, nabwibwisit ako sa mga pagmumuk-"

"Manahimik ka nga riyan! You made us all worry. Like 'te! Padalos-dalos ka!" Sigaw ni Hester. Tinakpan ko ang tainga dahil marami pa siyang sermon.

Aamba pa sana si Cole kaso nadamay rin siya kaya dalawa na kaming napapagalitan.

"Oo na po ma'am, hindi na magpapadalos-dalos ulit," sagot ko para matahimik na si Hester na parang bulkan pa rin. Ayaw niyang magpaawat! She's the tiger here!

Inirapan niya lang ako at pinagkrus ang mga braso. "Uuwi na rin kami para makapag-usap kayo ni Honey, kanina pa siya riyan sa labas."

Nawala ang gana ko nang marinig ang pangalan ng babaeng iyon.

'Ayaw ko siyang makita!'

"Pahinga ka bro, sa lamay mo na lang ako ulit next na bibisita." Pinakyuhan ko na lang si Cole na sumunod sa girlfriend niya.

Pumasok si mamsh kasama iyong traydor na babae kaya ibinaling ko na lang ang tingin sa bulaklak na nakalagay sa malaking vase. Inayos ni mamsh ang higaan ko, tinutok ko lamang ang mga mata sa tinitignan. Ayaw ko talaga siyang makita. Kung pwede lang akong umalis eh aalis na ako! I've been fucked up lately, putangina!

"Bibili lang ako ng mga gamit natin, I will also inform manang Tes para ihanda ang vacational house. Good thing we did not bring all your dads memories sa bahay." Pinakinggan ko lang si Mamsh sa mga sinabi niya ngunit wala akong prinoseso.

"Honey anak pakibantayan muna ang anak ko, salamat."

"It's fine tita."

Nang wala nang tuluyan si mamsh ay humiga ako ng maayos at pumikit. "Umuwi ka na, ayaw kitang kausapin. Ayaw kita rito."

Nangunot-noo ako dahil hindi manlang siya sumagot. Nanatiling tahimik ang paligid ng ilang minuto kaya inis kong minjulat ang mga mata at tumitig sa kinaroroonan niya. Nakayuko siya.

"Hindi ka ba talaga nakakaintindi? Alam kong tanga ka pero hindi naman gan'to katanga ah."

Tahimik lamang siyang nakayuko, but this time I can hear her cries. Napikit nba lang ako at kinalma ang sarili. Inaantok na naman ako. "Paki-patay na lang ang ilaw, I'm going to sleep."

Inayos ko ang sarili sa pagkakahiga. Tumayo naman siya at pinatay ang ilaw.

I will not care about her anymore. I have lost it all. Anything about her. I don't care anymore.

Once Upon A Promise ✔️ (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon