8

37 2 0
                                    


“Matulog ka na, uuwi na ako.”

Napatango naman ako, may parte sa'kin na gusto siyang makasama pero hindi na.  Ayaw ko siyang makausap baka kung ano-ano na lamang ang sabihin niya at ipaalala, masakit ang ulo ko kaya ayaw kong dagdagan.

Akala ko magte-take advantage rin siya pero hindi, akala ko kakausapin niya ako, na hihingi siya ng tawad pero mali ako.

Humilata ako sa kama at nagkumot dahil nilalamig ako. “Just close the door,” saad ko at ilang saglit pa'y nakarinig ng pagsara ng pintuan.

Nakahinga naman ako ng maluwag, pinilit matulog ng maaga pero hindi ko nagawa. Pumasok si Mamsh at pinainom ako ng gamot tapos umalis din agad. Tatanungin ko pa sana kung may purga pa kami dahil nga ay nagpi-piyesta ang mga bulate ko kanina kaso nagmamadali siya, pupunta raw siya sa hospital dahil nagka-emergency sila Tita Narns.

Iyong tita kong sugalera na kahit magutom na ang mga anak basta may tong-its ay wala na siyang pakialam sa mundo. Kawawa ang mga pinsan ko kaya minsan ay dito sa bahay ang tambayan nila, wala namang kaso sa'kin iyon basta wag lang silang mag-iingay dahil nakakarindi sa tainga.

Ayaw ko sa bata lalo na sa kulit nila, kakaunti pa naman ng pasensya ko.

Halos bente minutos nang nakaalis si Mamsh, paniguradong kararating lang niya roon. Maingay man sa labas ng bahay dahil sa iba't ibang motorsiklo at likha ng mga hayop at tao ay alam ko kung may animal na gustong magpahinga ang nakapasok sa pamamahay ko.

Hindi ko ininda ang sakit ng ulo, pinatay ko ang ilaw at tanging lampshade na lang ang nagbibigay liwanag sa kwarto, kinuha ko ang baseball bat ko sa aparador at dumikit sa madilim na parte ng kwarto.

Naririnig ko ang mga hakbang nito, banayad lang ang mga paa at hindi masyadong nakakagawa ng ingay. Dahan-dahang bumukas ang pintuan, patay na ang ilaw sa kusina at tanging ang salas na lang ang may ilaw, hindi ko masyadong kita ang mukha ng taong iyon pero nakahinga ako ng maluwag nang buksan niyang tuluyan ang pintuan.

Mahaba ang buhok niya at naaalala ng ilong ko ang pabangong iyon.

“Anong ginagawa mo riyan? Bakit hindi ka pa natutulog?!” tanong niya na tila naiinis pa ang makita akong nakatayo sa gitna ng aking kwarto.

Binaba ko ang bat at rumolyo sa sahig, binagsak ko ang buong katawan at natawa. “Akala ko magnanakaw.”

Tumabi naman siya sa'kin ng higa, kahit kumikirot ay tumingala ako para tignan siya. Nginitian niya lang ako pero kinunotan ko siya ng noo.

“Anong ginagawa mo rito?!” tanong ko.

Ngumuso lang siya at hinawakan ang buhok ko.

Tinabig ko ang kamay niya at sinamaan siya ng tingin. Wala siyang karapatang hawakan ako, isa pa hindi kami magkaibigan.

“Sinunod ni Susian iyong utos mo kaninang umaga,” seryosong sabi niya, hindi ko siya pinaniwalaan kaso hindi nagbago ang ekspresyon sa mukha niya kaya natawa ako sa katangahan ni Susian.

‘Tangina, sineryoso niya talaga?’

“I’m afraid,” sambit nito at muling hinawakan ang buhok ko. Hinuli ko ang kamay niya, pinilit niyang kalasin pero hindi niya nagawa.

“Vegetarian din ako,” sagot ko para hindi niya ako katakutan.

Demonyo siguro ako sa tingin ng iba pero huwag naman pati sa kanya.

Gusto ko siyang sumbatan at saktan. Gusto kong maghiganti pero hindi ko rin magugustuhan ang magiging resulta no'n. Hindi ko man siya kaibigan ngayon, naging magkaibigan pa rin naman kami noon, isa pa rin siya sa mga naging rason ng pag-ngiti ko noon.

“I’m not afraid of you, I'm afraid of me.”

Naguguluhan man ay napangisi ako ng sarkastiko, hindi man malinaw sa akin ang mukha niya pero sapat na ang ilaw ng lampshade para makita ang kulay niya.

“Why the fuck are you blushing?”

Nahihiya siyang naupo at hinawakan ang dalawang pisngi, "Seryoso? Hindi kaya!"

Inirapan ko na lang siya sa pagsisinungaling niya at humilata sa kama, inunat ko ang katawan at pinanood siyang tumabi sa akin. Pinikit ko ang mga mata nang tuluyan na siyang makatabi.

"Sleep tight dear Alexandrine."

Once Upon A Promise ✔️ (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon