28

14 1 0
                                    

"You think Honey betrayed me because of you?"

Sinipa ni Alexandrine ang upuan at tumilapon ito sa direksyon ng binata at kasabay no'n ang pagsugod niya hawak ang dagger na pagmamay-ari ni Yuri.

Hindi pa nakakabawi si Yuri nang muli siyang saksakin ni Alexandrine sa tiyan, hindi niya iyon ininda at kinuha na lamang ang dagger na nakariserba sa likod ng kanyang pantalon.

"Of course, I know what she wants!" Nginitngit ni Alexandrine ang ngipin at doble ang bilis na sugurin ang binata na ngayo'y mabilis na umaatras.

Hindi namalayan ni Yuri na dead end na pala iyon at sa kasamaang palad ay sinaksak ni Alexandrine ang kanyang tuhod nang subukan niyang tumakas. Kitang-kita sa mukha ni Alexandrine ang gigil, lalo pa niyang pinasok ang dagger sa kalamnan ng kaawa-awang binata. Kasabay ng malakas niyang pagsigaw ay ang malaking pagsabog.

Tinakpan ni Alexandrine ang mga mata gamit ang dalawang kamay nang tanggalin na niya ito ay wala na sa harap niya ang binata. Mabilis siyang napalinga-linga at sa paglilibot ng kanyang mata ay natuon sa taong pinakahihintay niya.

Ngunit lalong nag-alab ang galit sa kanyang dibdib nang makitang may kadena ito sa leeg at wasak na wasak na ang mukha dahil sa dami ng sugat. Hindi na rin nito maimulat ang kanyang isang mata dahil sa suntok na natamo niya sa dalawang anak ng demonyo. Napahawak si Alexandrine sa kanyang braso at nakaramdam ng kaunting panghihilo. Ngayon ay ramdam na ramdam niya ang paghahabol ng hininga, nanginginig ang kanyang katawan sa pagod at sa galit.

Nanghihina ang katawan niya ngunit nagliliyab sa galit ang kaluluwa niya.

"Ano bang nagawa ko sainyo?!"

Tumawa ang matanda na para bang may sinabi siyang nakakatawa. Patuloy pa rin ang tugtog ng mga baril at pagsabog sa unang palapag.

Tanging si Alexandrine, isa sa pinakabata sa Fangs at labindalawang miyembro ng Phantas. Hindi alam ni Eriem ang gagawin at nanatili na lamang siya sa kabinet at hinihintay ang pinuno sa susunod nitong iuutos sa kanya.

"You humiliated me!" sigaw ng nakababatang kapatid ni Yuri.

"Putangina! Iyon lang?" sarkastikong tanong ni Alexandrine kay Yuki dahilan para magkuyom iti ng kamao at sinabunutan si Alerie.

Nanlaki ang mga mata ni Alexandrine sa natunghayan, hindi niya inakalang gagawin niya iyon sa nanay niya! Walang karapatang hawakan ng batang iyan ang nanay niya!

Malakas siyang napahiga nang hindi niya inaasahan ang pag-atake galing sa likod niya. Nakatayo roon si Yuri habang hawak-hawak ang isang batuta na ginamit niya para patumbahin siya.Dumagungdong sa tainga ni Alexandrine ang impit na pagtawa ni Yuki.

"You killed my girlfriend bitch I'm going to kill you!" Mabilis ang pagsugod ng isang binata ngunit mabilis si Eriem sa pagkalabit ng gatilyo at tinamaan ito sa tuhod.

Nabigyan ng pagkakataon si Alexandrine para hablutin ang hawak din nitong batuta at tinira ang kanyang ulo.

Hindi pa nakakatayo ng mabuti si Alexandrine nang sugurin siyang muli ni Yuri ngunit sa pagkakataong ito ay nakisali na ang kapatid nitong may hawak na katana.

"You want Morte, then I'll serve her to you!" bulyaw ni Alexandrine bago niya salagin ang matulis na katana na humiwa sa kanyang batuta.

Tindyakan niya si Yuki at hinablot ang katana na nabitawan nito at tinapon sa tuhod ni Yuri na hindi pa gumagaling sa unang natamo. Muling bumalot ang hiyaw niya sa mansyon, dali-daling umakyat si Cole kasama ang girlfriend nito upang tulungan ang kaibigan.

Hinugot ni Cole ang katana sa tuhod ni Yuri at kinuha ang posas na nakatago sa kanyang bulsa. Dinala niya ang binata sa harap ng kaibigan na nakikipagtitigan sa matandang nakahawak sa kadena na nakapalibot sa leeg ng nanay ni Alexandrine.

Once Upon A Promise ✔️ (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon