"Spill, Alex."
Humikab lang ako saka muling siniksik ang ulo sa leeg niya. Halos kalahating oras na pero ayaw ko pa ring magsalita.Barumbado 'tong bunganga na'to, walang preno. Baka kamuhian niya ako lalo at 'di na kausapin. Miss na miss ko na siya pero ang sakit pa rin ng iniwan niya rito sa dibdib ko.
Nangako siya!
But they said, promiseS are meant to be broken and she did broke it! I should push her away, she deserves my wrath! Pero bakit tuwing nakikita ko siya nawawala ako sa sarili?! Na parang walang alam?!
Gusto ko nang humiga sa kama, inaantok na ako, isama mo pa itong hita kong nangangalay na.She gain weight, and for fuck sake she's heavy!
Ganon lang ang posisyon namin, nakayakap ako sa tiyan niya habang nakayakap siya sa leeg ko. Nakapikit ako habang pinapakiramdaman siya, unti-unti ay pinilig niya ang ulo sa balikat ko.Nilaro-laro niya ang mahaba kong buhok ng may mabibigat na hininga, napaisip naman ako kung ano ang tumatakbo sa utak niya ngayon.
Gusto ko siyang sampalin dahil mas pinili pa niyang daluhan ang lalaking iyon kaysa sa'kin, akalain mo nga naman at inulit na naman niya ang pagiging tanga.
Tila naging rebulto ako sa sitwasyon, natigil ang pagpa-function ng katawan ko nang halikan niya ang leeg ko.
'Puta!'
Hindi ako gumalaw at sinubukang wag gumalaw habang pinipilit abutin ng dila niya ang tainga ko.
'Bullshit!'
"I'll make you talk," usal niya sa pa-ungol na tono.
So it's her way of making someone talk huh?
Narinig ko ang pagsinghap niya nang higpitan ko ang hawak sa baywang niya, akala ko ay titigil siya pero muli niyang hinalikan ang leeg ko.Malakas ko siyang tinapon sa kama at sinamaan ng tingin, gulat ang rumehistro sa mga mata niya. Inayos ko ang short at lumabas ng kwarto.
Paniguradong tulog na ngayon si Mamsh, wala na'ng ilaw sa kusina pati na rin sa sala. Tinahak ko ang balkonahe at naupo sa uway.
Anong ginawa niya?! Gawain ba 'yon ng dating magkaibigan?!
Tumingala ako sa langit at pinagmasdan ang mga kumikinang na bituin, sobrang payapa ng gabi dahil palalim na kasi.Iilan na lang ang mga motorsiklo naririnig ko mula rito. Sinindihan ko ang sigarilyong kinuha ko kanina sa tabi ng lampshade bago umalis.Ramdam ko ang ginhawa ng katawan ko nang pasukin ng hangin ang lalamunan.
Ramdam ko ang presensya ni Honey sa likuran ng pintuan, madilim man ay nararamdaman ko siya.Nakapagtataka lang na hindi siya sumunod at suwayin ako, dahil paniguradong kung si Mamsh ang nakakita ay baka sunugin niya ang kwarto ko.
Nakailang stick na ako nang lumapit siya sa'kin at umupo sa harap ko. Nilapit niya pa lalo ang uway niya at nakipagtitigan sa'kin. Akalain mo nga naman at makapal ang mukha niya.
Pinahinga ko ang siko sa tuhod at nakipagtitigan din.Tinaas niya ang dalawang kamay bilang pagsuko at umiwas ng tingin.Natawa ako saka umiiling na kinuha ang cellphone sa bulsa ng short nang mag-vibrate ito.
Dahan-dahan ang pagsalubong ng noo ko sa nabasa, mabilis akong tumayo at hinanap kung sino ang texter.
Sumakay ito sa isang motor at mabilis na pinaharurot, nasuntok ko ang railing saka muling napatingin sa screen ng cellphone.
[Be ready, I gotcha!]

BINABASA MO ANG
Once Upon A Promise ✔️ (GxG)
General FictionCARA MORTE #1 Si Alex ay isang basagulera, palaban siya. Kabaliktaran naman niya si Honey. Dati silang magkaibigan, ngunit pagkatapos iwan ni Honey si Alex ay nagbago ang dalaga. Pagbabago na hindi na maaari pang baguhin ng kung sino man dahil si Al...