25

28 1 0
                                    

I carefully pat her head.

"You're thinking too much, kwento nga lang iyon," saad ko at tinigil na ang panggugulo sa buhok niya.

Masama ang tingin niya sa akin pero hindi ko na lang pinansin, masaya ako na nakwentuhan ko na naman siya.

Simula nang umalis siya ay huli na namin lahat, pakiramdam ko ngayon ay parang bumabawi siya.

"I'm sorry Alex." Nilayo ko ang mukha niya sa balikat ko para titigan siya.

Kung tutuusin ay napaka-inosente ng mukha niya, para bang hindi siya mulat sa katotohanan.

"Ayaw ko ng simpleng salita lang Honey, alam mo kung paano mo makukuha ang tawad ko."

Hindi siya umimik at nakipagtitigan na lang din sa akin. Noon pa man ay hindi na ako nakukuha sa simpleng salita lang dahil kahit kailan ay hindi ko nakikita ang sinseridad sa mga salita lalo pa't nauubos ang tiwala ko sa taong iyon.

Makikinang ang mga mata niya sa pagtitig sa akin, hindi ko alam kung naduduling lang ako sa nakikita.

Tama pa ba tong nararamdaman ko? Sa tuwing mapapa-tingin ako sa labi niya ay parang gusto kong ilapat ang labi ko, gusto kong damhin ang lambot niyon, gusto kong tikman ang sarap na dulot ng labi niya!

Nilayo ko ang mukha sa kanya at niyakap ang tuhod, pakiramdam ko ay naglakad ako sa disyerto sa sobrang init na nararamdaman kahit na ang lamig-lamig ng simoy ng hangin. Hindi bago sa'kin 'tong nararamdaman pagdating sa kanya pero ano naman ang iisipin niya pag ginawa ko ang karumaldumal na 'yon?

Maaari pa naman siguro sa halik, ngunit ito? Maling-mali.

Sa sobrang likot ng mga mata ko ay muli akong napatingin sa kanya. May demonyong bumubulong sa akin na gawin ko iyon. Na okay lang at paniguradong magugustuhan niya rin iyon!

'This sucks, fuck!'

Tama na! Alex walain mo ang mga boses! Matatag ka, astig ka! Wag na wag kang papaawat sa walang kwentang mga imahe sa utak mo!

Lumapit ako ng kaunti sa tabi niya, kinalaban ko ang sarili ko nang basahin niya ang labi.

Tama ba 'to?! Ano ba tong nararamdaman ko?! Babae siya! At babae rin ako! Naghalikan kami pero hanggag doon na lang sana 'yon! Uuwi rin siya sa amerika pagkatapos ng taong ito, nagbabakasyon lang siya. Pumasok lang siya dahil naboboringan siya.

Kahit na anong tutol ng isip ko ay tila nagkaroon ng sariling utak at mundo ang katawan ko para gapangin siya't halikan.

Literal na nanlaki ang mata ko sa kasalanan na ito ngunit parang sumabay sa lamyos ng dagat ang buong sistema ko ng tugunan niya ang halik ko. Mahigpit ang kapit niya sa balikat ko habang ang isang kamay niya ay nakasuporta sa kanyang posisyon. Mabilis at para akong gutom na gutom na hayop sa kagubatan ang ngayon lang ulit nakatikim ng masarap na putahe.

Ang labi niya ay parang marshmallow sa sobrang lambot at ang dila niyang hindi umaatras sa espadahan ay parang dinadala ako sa ibang dimension!

Pumaibabaw ako at hinawakan ang likod niya nang hindi napuputol ang halik naming dalawa. Gumapang ang isang kamay ko sa kanyang leeg papunta sa kanyang panga hanggang pati na sa kanyang buhok.

Ngunit barumbado akong humiwalay at walang ingay na napasabunot ng buhok!

'This fucking traitor!'

Once Upon A Promise ✔️ (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon