18

37 1 0
                                    

"Oh? Napadalaw ka?"

Nagpatuloy lang ako sa paglalakad nang hindi pinapansin si Cole. Pinindot ko ang sixth floor at mabilis na lumabas sa elevator nang narating na ang destinasyon.

Minsan lang ako pumunta rito kaya pati ang mga bata ko ay nanlaki ang mga mata nang makita ako sa labas, baka iniisip nilang sila ang pinunta ko. Malakas kong binuksan ang pintuan ni Dean ng walang katok-katok ngunit mabilis ding pinagsisihan nang ibang tao ang bumungad sa akin.

Sa isang iglap lang ay nasa tabi ko na siya hawak ang isang malamig na bagay, unti-unti akong nanghihina. Hinawakan ko ang leeg kung saan niya ako tinusok bago manlabo ang lahat.

'Tangina, dapat pala kumatok muna ako.'

Napabalikwas ako ng bangon nang maramdamang may dumampi sa labi ko. Malaki-laki ang mga mata ni Honey na tumayo at umatras. Kinapa ko ang leeg kung saan ako tinusok ng tranquilizer ni Al at nag-stretch. Nilibot ko ang mata at napansing nasa ibang kwarto ako, mabilis akong nagpalit sa banyo nang makita ang nakahandang damit sa mesa. Bumaba ako ng bahay nila Honey at pinitik ang noo niya dahil lutang siyang nakaupo sa harap ng pagkain.

"Where's my mom?"

Inayos ko ang damit at tinali ang buhok, tinaasan ko si Honey ng kilay nang tumayo siya sa gilid at nakikipagtitigan sa sahig.

"Nasaan ang nanay ko?!"

I pinned her on the wall and stare at her with blazing fire. Nag-unahan ang mga luha niya sa pagtulo, mabilis akong napaatras at umiling.

'Hindi!'

Isa lang itong panaginip, isang bangungot na kailangan na'ng magising! Hindi ito totoo, isang biro lang. Hindi ako naniniwala!

"Hindi!"

Mabilis akong lumabas ng bahay nila 'di alintana ang pagtawag sa'kin ni Tita Darie na tiyahin ni Honey at nanghihina ang tuhod na umuwi, nagsimulang tumulo ang mga luha ko nang matanawan ang wasak na naming bahay.

Para itong itlog na napabayaan sa kawali, nakikita na ang laman niyon mula sa labas.

'Ang nanay ko!'

Lumapit sa'kin ang isang bumbero at binati ako pero nagtuloy lang ako sa pagpasok ng bahay dahil wala na itong pintuan, sira na. Sumunod siya sa akin habang naglilibot ang mga mata ko sa mga gamit namin.

"Your mom is nowhere to be found, sigurado ka bang naririto siya kagabi?"

Napakurap-kurap naman ako sa tanong nito, kumunot ang noo ko.

"What do you mean officer?"

Nag-replay naman ang nangyari kagabi, ang nga scenariong hindi sumasagot ang nanay ko.

'Damn!'

"Kung narito siya kagabi ay sana'y may labi na ngayon," saad pa nito at umakyat sa hagdan. Sumunod naman ako habang iniisa-isang pinakatitigan ang mga gamit namin.

"What's the cause?"

Malalim itong bumuga ng hangin at mataam akong tinitigan.

"Gas is all over your house," sagot nito na kinalaglag ng panga ko.

Napaupo ako ng wala sa sarili sa kama ni Mamsh, napa-iling ako ng maraming beses.

Imposible ang lahat ng ito!

'Yuri! Susian!'

Mabilis akong napatingala sa pagpasok ng babaeng hinihingal dala ang phone ko. Tinanggap ko iyon at nilagay sa tainga dahil nag-riring at hindi pa sinasagot ang tawag.

"Come here at once."

Tumayo ako at mabilis na naglakad palabas ng bahay.

"Saan ka pupunta?!" Hinablot niya ang kamay ko dahilan para mapatigil ako sa paglalakad.

Siya. Siya ang dahilan ng lahat ng ito! Kung hindi lang sana siya tatanga-tanga edi sana hindi nangyayari itong mga kamalasan ko! Bakit pa ba kasi siya bumalik?!

Tinulak ko siya ng malakas at napaupo siya sa lupa, napasinghap ang ilang kapitbahay na nakakita sa ginawa ko pero hindi ko na lang pinansin at nagmamadaling tinahak ang daan papuntang Yungib.

"Do you remember your first day of school? Now, you only have nine hours to find this out."

Once Upon A Promise ✔️ (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon