34

19 2 0
                                    

Isang linggo na ako rito sa bahay bakasyunan namin. Malapit lang ang dagat, tanaw na tanaw ko kaso buryong-buro na ako. Malayo to sa kabahayan kaya mas natatakot pa ako sa kalmang paligid.

Gusto ko nang pumasok, marami na akong naiwang lesson. Even though Honey always comes here at night to teach me the lessons, hindi ko pa rin makukuha. Nangunguna ang galit ko. Gusto ko na lang mamatay pag nakikita ko siya!

"Hindi na naman daw makakapunta si Honey ngayon," ani mamsh nang makalapit siya sa duyan ko.

"Hindi ko kailangan 'yan mamsh. Wala akong pake."

"You know she's innocent anak."

"Kahit na. She didn't trust me! Hanggang ngayon nga ay hindi pa niya sinasabi ang totoo! Alam ko na pero gusto ko mamsh, sa bibig niya mismo manggagaling."

Binigyan niya ako ng pagod-look. "You are going to lose her if you keep your pride up."

Napairap na lang ako at muling tinanaw ang napakalawak na karagatan. Wala rin siya kahapon. Wala akong pake kung hindi siya pupunta. Wala na akong pake sa kanya.

Pinikit ko ang mga mata at ninanamnam ang lamig na binibigay ng hapon. Papunta na sana sa kalangitan ang mga mata ko nang makarinig ako ng papalapit na motor. Agad akong tumayo para tignan kung sino ang bisita.

Napairap na lang ako at walanmg ganang umupo. Sila Cole, Hester, at Kelayan lang naman pala, akala ko kung sino na. Tsk!

Teka. Anong?! Ha?! Wala naman akong hinihintay ah?! Ba't ko naman hihintayin si Honey?! Mahalaga ba siya?!

Nahiga na lang ako sa duyan at tinulak para maiduyan. Binigyan ko ng masamang tingin si Cole nang tinigil niya ang takbo ng duyan ko. Naiinis ako!

"Naiinis ang pota. Hindi kami ang inaasahan mo ano? Sus!"

"hindi ako magtataka kung hindi pupunta si Honeybee buzz mo, nakita ko siya kanina sa may mall eh. May kasamang gwapong at matanmgkad na lalaki. Bf niya siguro."

Natawa ako sa sinabi ni Kelayan. What is he expecting? Magseselos ako?! Ako?!

"Mukha ba akong may pake?"

Sinamaan ko ng tingin si Hester nang tumawa siya ng napakalakas, akala mo kung baboy na dahil sa tawa niya.

"Kunwari ka pa riyan. Halatang-halata sa mukha mo Alexandrine Lhyman! Ganyan na ganyan yang si Cole pag nagseselos. 'Di pa kasi aminen eh tayo-tayo lang naman ang naririto!"

Kahit sino pang lalaki ang kasama niya, wala akong pake. Ba't naman ako magseselos eh hindi ko naman siya syota.

"Abutan mo nga ako ng pagkain," utos ko kay Kelayan na pinapapak iyong milo.

Gago siya na naman uubos ng pagkain ko eh. Magdadala nga sila ng mhga prutas, sila rin naman ang kakain.

"Miss ka na nga pala ni Dean." Napangisi ako sa sinabi ni Cole.

"Walang nag-iiskandalo maliban sa akin?" umiling naman sila sa tanong ko.

Nalaman kong hindi na papasok si Yuri. Sa kanilang tatlo, siya lang ang nabuhay. Tsk, sana sumama na rin siya sa impyerno. Si Susian ay lumipat na rin ng bagong paaralan, malayo-layo sa lugar na ito.

"Anak tumatawag si Ho-"

"Ha? Dali!" Bumalikwas ako sa pagkakahiga at hinablot kay mamsh ang cellphone.

"Putangina akala ko ba wala kang pake?" Pinakyuhan ko lang ang mga kaibigan ko dahil sa pang-aasar nila.

I cleared my throat before answering. "Oh?"

"Gusto mo ba ng empanada ilocos?" Tanong niya sa kabilang linya. Tinulak ko papalayo si Hester dahil dikitb na dikit na siya sa akin para lang marinig ang pinag-uusapan namin.

Hindi ko talaga mailayo si Hester kaya tumayo ako at pumunta sa kwarto ko. Sinara ko ng maayos ang pintuan para hindi sila makapasok. Mga gunggong pa naman ang mga iyon.

Once Upon A Promise ✔️ (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon