16

19 1 0
                                    

"Who got you?" Mabilis ang ulo kong gumilid para harapin si Honey.

Garalgal ang boses nito habang nasa bibig ang isang kamay, mabilis ko siyang inalalayan ng mawalan siya ng balanse.

"Tell me you're not troubled." Pinaupo ko siya sa uway at tinali ang buhok bago maupong muli sa harap niya.

"I am not," sinserong sagot ko pero hindi pa rin siya kumbinsido.

Hinaplos ko ang bibig 'tsaka malakas na naipadyak ang paa. Ramdam ko ang sakit mula sa namamaga kong binti.

Damn it! What the hell, I'm always in trouble lately!

Dalawa lang ang maaaring texter-si Susian o si Yuri. Napakababaw nga lang ng mga rason nila.

"Fuck!"

Anas ko at muli na namang naipadyak ng malakas ang paa. Kinapa ko ang kaha ng sigarilyo sa mesa pero wala. Binuksan ko ang flashlight ng cellphone para hanapin ngunit napatay rin dahil ubos na pala.Akala ko kasi ay may isa pang natira!

Kiniskis ko ang ilong dahil sa naamoy na gas, sino ba kasi ang gunggong na magsasayang no'n?!

"I'm sleepy," mahinang bulalas ni Honey habang pinipilit na yakapin ang tuhod.

Sa tono ng boses niya ay nilalamig na rin siya, malakas ang hangin dito sa labas kahit na medyo maaga pa lang.

"Go home," utos ko.

Madilim man ay kita ko ang pagsingkit ng mga mata niya, napa-irap na lang ako at tumingala sa langit.

'Bakit hindi na lang maging payapa ang buhay ko gaya nila?'

"It's cold here."

Malakas akong napabuga ng hangin at nagpamasahe sa noo.

"I told you, go home."

Binalewala niya lang ang sinabi ko, siniksik niya ang buong katawan sa uway at kinikiskis ang mga braso.

"Bakit ba napaka-kulit mo?!"

Tumaas ang kanang kilay ko nang magsalita siya pero wala akong maintindihan dahil kinakain niya. Siguro ay minumura na ako, tss.

"Umuwi ka na, isa!"

"Ayaw," mabilis niyang sumbat.

Kinalmahan ko ang sarili na maglabas ng usok sa ilong at tainga, pinagtiklop ko ang palad bago ipahinga sa hita.

"Still the same, thinking and acting like a child," matawa-tawa kong saad. Tinapunan naman niya ako ng tingin at tumayo ng maayos.

Tumayo rin ako habang hawak ang bibig para pigilan ang tawa dahil sa sobrang itim ng ekspresyon niya sa mukha.

"Damn you, Lhyman."

Tinaas ko ang dalawang kamay bilang pagsuko.

"Woah, easy bee, easy buzz."

Pumadyak siya ng maraming beses at malakas akong hinampas sa braso. Minasahe ko iyon at sinundan siya nang pumasok siya sa loob, nagtaka naman ako dahil pumasok siya sa kwarto ko at nahiga sa kama.

"Get out, go home Honey bee."

Hindi siya nakinig sa akin kaya hinila ko ang nakalugay niyang paa hanggang sa mahulog siya sa sahig.

"Paulit-ulit na ako ng sinasabi, umuwi ka na," nawawalan ng pasesnsyang saad ko at naupo sa gilid ng kama.

"Ihahatid mo 'ko?"

'Do I look like I have a choice?!'

"Oo, tara na."

Nilahad niya ang dalawang kamay, tinayo ko naman siya at niyugyog dahil nakapikit na talaga siya.

May paa naman kasi siya bakit di na lang mag-isang umuwi, napakalapit lang naman ng bahay nila ah.

"Nakakatakot iyong aso riyan sa kabila," wika nito na ang tinutukoy siguro ay iyong mga aso nila Tata Basyong.

Paano ba nama'y kahit araw-araw ka nilang nakikita tinatahulan ka pa rin. Akay-akay ko siyang lumabas ng gate, akay na gaya ng ginawa niya kay Yuri kaninang umaga! Tse! Malapit na kami sa bahay nila nang mapansin kong tila maliwanag ang daanan namin.

"Sunog!"

Mabilis ang mga mata kong lumingon sa sumigaw. Tila nagising ang inaantok kong diwa nang makita ang nasusunog.

Once Upon A Promise ✔️ (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon