"Akala ko kung anong baby na," sambit niya at namamanghang nilibot ang tingin sa mga gamit.Mula cotton ng upuan, laman ng dashboard hanggang sa likuran.
Regalo ito ng Yungib sa'kin last year, no'ng mag-dieciocho ako. Ito pa lang ang ikatlong beses na gagamitin ko ito dahil hindi ko pwedeng gamitin. Baka makita ni Mamsh at magtaka kung saan ko ito nakuha.Hindi siya maniniwala kung sinabi kong si Al, sasabihin niya lang na nasobrahan na naman ako sa imahinasyon.Ikaw ba naman makakilala ng isang artista, kahit ako nga hindi makapaniwalang boss ko siya.
"Anong nangyari riyan sa labi mo," tanong ko matapos mag-seatbelt.
"S-Sinusundan kita tapos bigla na lang akong n-nahulog, may mga lalaking lumapit sa'kin pati 'yong m-maid tapos s-sinapak ako."
Marahas kong tinanggal ang seatbelt saka siya niyakap ng mahigpit dahil sa muli niyang paghagulgol. Hinagod ko ang buhok niya, hinayaan ko munang gano'n ang posisyon naming dalawa ng ilang minuto.
"Saan pala tayo pupunta?" Nakangiti akong humiwalay sa kanya at hinawakan siya sa magkabilaang balikat.
"Kakain muna tayo," sagot ko at mabilis siyang ninakawan ng halik sa labi. Umawang ang bibig niya at nanlalaki ang mga matang tumitig sa'kin.
Napahawak siya sa kanyang labi, nag-init ang pisngi ko dahil para siyang naglakbay sa outer space sa itsura niya. Pinitik ko ang noo niya na nagbalik sa kaniya sa realidad, umiiling akong nagpaandar ng makina. Sinulyapan ko ang kamatis niyang mukha bago muling tignan ang lugar ng restaurant na pinasa ni Dean sa'kin.
Hindi na ako magtataka kung paano nalaman ni Al itong si Honey, paniguradong sinabi na naman ng kulubot na Dean na iyon.
Si Honey...
Na dahilan ng pagpasok ko sa Cara Morte.
Mahina lang ang pagpapatakbo ko kahit na mawalan ako ng oras.
'Those shit! They got my mom!'
Pinarada ko ang Porche Carrera GT sa gilid ng burol at nilock si Honey sa loob. Kinuha ko ang glove sa bulsa at pumasok sa madilim na tunnel.
"Cara Juliana, how lovely your name is," bati ko nang makita ang isang babaeng nakaupo sa sirang police mobile na na-stuck na rito.
Cara Juliana, isa siya sa mga lecheng kaibigan ni Susian. They simply kill a person and live freely like nothing happened, ikaw nga naman ang mayaman.
Pinatay niya ang sigarilyo at tuwid na tumayo, napatingin ako sa taas nang makarinig ng sasakyang dumaan. Tanging mga butas lang ang nagbibigay ng ilaw rito sa loob at magpapasalamat ako roon dahil mas mapapadali ang pagpatay ko sa kanya.
"Looking for your mom bitch? Baka ngayon patay na siya," saad nito at natawa ng nakakaloko.
'Fuck this leech!'
"So may kinalaman ka nga, tell me. Where is my mom," tanong ko na nagpupuyos ng galit at naikuyom ang kamao nang muli na naman siyang tumawa.
"Maybe, in hell?"
Mabilis ang mga paa kong sumugod sa kanya, hinugot niya ang isang matulis na steel bar sa lumang sasakyan at inambahang ihahampas sa'kin pero tinagilid ko ang katawan at sinipa ang tuhod niya dahilan para mapaatras siya.
"Tell me and I'll spare your life," saad ko pero hindi siya natakot.
"I'd better die."
Kinuha ko ang steel bar na nahulog niya at dahan-dahang lumapit sa kanya, mabilis siyang gumapang papalikod habang plinastar ko ang mala-Satanas na ngiti.
Hinablot ko ang leeg niya at dinamba sa madilim na pader, hinampas ko ang metal sa tuhod niya dahilan para mapahiyaw siya.
Sinunod ko ang baywang niya, tumili siya kasunod ng mga luha niya. Lalong lumawak ang ngiti ko sa labi dahil sa impit niyang pag-iyak
"Die or tell?"
Malakas kong tinusok ang lalamunan niya bago niya pa tapusin ang salitang 'die' at malakas siyang tinapon sa lupa na parang bote ng tubig na wala nang silbi, bumulwak ang dugo mula sa kanyang bibig habang mulat ang mga matang nawalan ng buhay.
Hindi ko mapigilan ang pagngkurba ng aking labi sa isang ngiti. Kahit pa nanginginig ako dahil sa pagod ay hindi ko maramdaman ang panginginig ko sa takot. This bitch deserves to die.
"Where's Cara? Oh! Let me answer my question. Maybe? In hell!"
BINABASA MO ANG
Once Upon A Promise ✔️ (GxG)
Fiksi UmumCARA MORTE #1 Si Alex ay isang basagulera, palaban siya. Kabaliktaran naman niya si Honey. Dati silang magkaibigan, ngunit pagkatapos iwan ni Honey si Alex ay nagbago ang dalaga. Pagbabago na hindi na maaari pang baguhin ng kung sino man dahil si Al...