19

15 1 0
                                    

"Are you gone mad?! Nine hours?! Gago, ni hindi ko nga alam kung saan nagpunta ang nanay ko magpapahanap ka pa sa'kin?!"

Mabilis kong sinipa ang desk niya at tumayo. I'm fuming mad because of him, he never apologize of what he did yesterday!

"It's about your mother, little cat. Be a tigress and start searching."

Dahan-dahan akong napa-upo sa sofa at kumalma. Binuksan niya ang isang drawer at tinapon sa harap ko ang isang brown envelope. Binuksan ko 'yon at natawa na lang dahil mukha iyon ng binugbog ko noong unang araw pa lang ng klase.

"Nine hours? You are underestimating me."

Mula iyon sa kabilang paaralan, kita ko pa lang sa uniporme niya ay mamahalin na.

"Shit!"

Ngayon ko lang napansin, pero napakababaw naman ng dahilan nito!

"Do you know him?" Iling lang ang sagot ko at sinuri ang buong katawan ng nasa litrato.

Ilang minutong katahimikan ay may kumatok, nilingon ko naman iyon pero mabilis ding inalis nang si Esau iyon. Siya ang maid dito, hindi lang basta-basta ang katayuan niya. Kung pagdidikitin kami ay nasa itaas ko siya kahit na wala naman siyang pinamumunuan na gaya ko.

"A rat," saad nito at pinasok ang tao.

Hindi ko man lang sila tinapunan ng tingin dahil kawawa lang itong rat na ito dahil mabibigyan ng pahinga. Maraming mga daga ang gustong makapasok pero agaran ding nahuhuli dahil ang peste ay peste.

"If I were you, I will never ever touch that." Tumaas ang tingin ko kay Al, nakangisi lang ito sa akin kaya napatingin ako sa likuran ko.

Umawang ang labi ko nang mapag-sino ang rat na iyon.

"What the heck?!" malakas kong sigaw na tila mawawasak na ang leeg ko.

Sinipa ko ang lalaking nakahawak sa kanya sa tuhod at sinuntok ang isa pa habang dinamba si Esau gamit ang siko pero nasalag niya iyon.

"Fuck! Sinong nagpadugo sa labi mo?!" Nangangalait kong tanong at hinawakan ang panga niya.

Umiyak siya at niyakap ako, matagal bago ako nakapag-react pero yumakap din pabalik.Ramdam na ramdam ko ang panginginig niya!

"Spread the virus," utos ni Esau na tinutukoy na walang pwedeng manakit kay Honey.

Alam ko na ang takbo ng mga utak ng mga tao rito, mula kilos ng katawan hanggang sa kaluluwa ng mga mata.

"Shh, you'll be fine."

Mas lalo pa siyang umiyak. Gusto kong kutusan ang sarili dahil nasasabi ko iyon pero mabilis ko siyang saktan. Puro ako paninisi!

"Your baby is ready," ani Esau.

Pinunasan ko ang luha ni Honey bago kinuha ang isang litrato sa mesa, tinanggap ko ang binigay na susi ni Esau at hinawakan sa kamay si Honey. Namula naman siya kaya hingpitan ko lalo ang hawak.Lumabas kami sa opisina ni Al at tinahak ang daan papuntang parking lot ng Yungib.

"So, can we join the hunt?" Pinakyuhan ko si Hester nang lumapit siya sa amin.

Alam kong aasarin niya lang ako, lalo na iyong Cole na iyon. Napansin ko naman ang pagtahimik nitong si Honey kaya napagpasyahan kong tumigil muna sa paglalakad.

"What's wrong?"

Umiling lang siya at ngumuso, tinapik ko ang noo niya dahilan para paningkitan niya ako ng mata.

"You're holding my hands, baka makita tayo ng baby mo," saad niya at ine-emphasized pa ang salitang 'baby'.

Napangisi ako ng nakakademonyo.

"Yes, my baby."

Lumihis ako sa harapan niya at tinuro ang isang sasakyan gamit ang susi 'tsaka ito pinindot at pinatunog.

Once Upon A Promise ✔️ (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon