Wakas

97 2 0
                                    

Hindi ako makapakali sa inuupuan, kanina pa ako naiinip at naiinis! Kung nasaan na ba kasi sila!

Tiningnan ko ang relo at malapit nang magsimula ang seremonya. Kinuyom ko ang kamao ng mahigpit habang nakatingin sa lalaking nakatayo ngayon sa harap.

Ilang buwan na rin ang nakalipas ngunit parang kahapon lang nangyari!

"Baby!" Napatingin ako sa babaeng nakasuot ng itim na damit habang hawak-hawak nito ang kanyang sumbrero.

Lumapit siya sa akin at hindi man lang nahiyang humalik sa labi ko, gusto ko pa kung hindi lang sumita si Mamsh.

"Hay nako PDA?" saad ng mama ni Honey at nagtago sa pamaypay nito.

"Graduation ito ha! Magtigil kayong dalawa riyan papaluin ko kayo!" Natawa na lamang ako sa sinabi ng nanay ko at napatinging muli sa babaeng pinakamamahal ko.

"Bakit ba ang ganda mo?" Pinalo niya ang dibdib ko kaya sinamaan ko siya ng tingin. Nananakit na nga ang suso ko dahil malapit na naman akong datnan pinalo ba naman!

"Syempre alagang Viper 'to," pagmamalaki niya.

"Shut up, we might miss our graduation day," sabi ko sabay kindat.

Since that day, I've been grateful that I am still fucking alive!

Once Upon A Promise ✔️ (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon