23

16 1 0
                                    

Nakaluhod ako sa harap niya, pantay kami ngayon pero hindi ng sitwasyon. Nakaposas na ang dalawang kamay niya sa taas ng court, maga na rin ang sugat niya sa paa pero matigas pa rin talaga ang buto ng taong 'to. Ilang beses ko na rin siyang tinamaan ng batuta at halos mamatay na kakasuka ng dugo pero hindi pa rin siya sumasagot.

Mag-gagabi na at bukas ay Lunes!

Nagsiuwian narin ang ilang miyembro ng Cara Morte dahil sa utos ni Al. Si Al na walang ibang ginawa kundi kumain ng popcorn sa bakal niyang upuan, naka harap sa kawawang dinuguang asong ulol.

Nakailang luto na si Esau, kanina pa ako pinipilit ni Syringe na tusukin na lang siya ng droga para umamin pero hindi ako pumapayag. Pati si Liptika ay sumasang-ayon doon pero mas gugustuhin ko siyang bugbugin hanggang sa umamin kaysa drogahin siya.

Para akong duwag na nandaya pag ganon!

"Tell me and I will spare your life," saad ko at nagngitngit ng ngipin.

Kahit nanghihina at duguan na ang mukha niya ay nakuha pa niyang ngumisi!

"I'd better die than tell you where's your Mom, bitch!"

Napangisi ako sa sagot niya, nilagay ko sa bulsa ng pantalon ang dalawang kamay at umalis sa lugar na 'yon para maghanap matulis na sanga.

Ganon pala ang gusto niya? Sige uunti-untihin ko siyang papatayin. Ipaparanas ko sa kanya ang impyerno!

Iba't ibang simpleng paraan ng impyerno pa lang ang ginagawa ko, pag ako naubusan ng pasensya ubos buhay nitong hinayupak na 'to!

Key Vaughn Alora. Ang gandang pangalan pero ang pangit ng ugali!

Ngumiti ako nang makakita ng isang sanga, mabilis ko iyong pinulot at bumalik na doon. Hindi pa ako nakakalapit nang harangan ako ni Honey, hindi ko lang siya pinansin at dumaan sa gilid. Pumunta na naman siya roon pero sa ngayon ay nakaharang ang dalawang kamay niya sa harapan ko.

"What?" tanong ko habang nakataas ang isang kilay.

"She's my friend, don't hurt her please Alex!"

'Di ako makapaniwalang natawa, napailing ako at lumapit sa kanya.

"Then they should not hurt my mom," malamig kong saad at inalis siya sa harap ko.

Nagpatuloy ako sa paglalakad at muli na namang napahinto dahil ngayon naman ay hinablot niya ang laylayan ng t-shirt ko.

'What a stubborn woman!'

"She is my frien-"

"And she's just using you! Like how Yuri did to you! Gumising ka na Honey! Putangina, hindi mo sila kilala!" sigaw ko.

Galit ang namuo sa dibdib ko, tiningnan niya lang ako nang hindi makapaniwala kaya hinawakan ko siya sa braso. Ilang beses akong huminga ng malalim para kalmahin ang sarili at ibinaba ang kamay.

Nilalaro ko ang sanga habang tumititig direkta sa mata niya.

Seryoso talaga siya sinasabi dahil sa nakikita kong sinseridad sa mata pero hindi tama to. Ginagamit lang siya ng mga hinayupak na 'yon!

"Stop telling me not to hurt her, Honey. Y-You don't know wwhat I am doing, hindi mo alam kung ano ang n-nararamdaman ko na h-hanggang ngayon ay hindi ko pa rin makita si Mamsh!"

Bumuhos ang luha ko sabay nang pagkahulog ng sanga na nilalaro ko. Pagod na ako sa pagkukunwari. Pagod na pagod na ako sa pagsisinungaling na okay lang ako! Na malakas ako kahit na ang totoo ay namamatay na ako sa kakaisip kung nasaan na ang nanay ko!

Hindi ko maiwasang mag-isip ng mga imposibleng bagay lalo na't hawak siya ng isang organisasyon na hindi tukoy ang ngalan! At lalo lang akong nanghihina pag nakikita ko pa kung gaano katanga si Honey! Para na akong mababaliw!

Hindi ko alam kung ano na ang susunod kong hakbang, kung anong uunahin!

"Honey, sabihin mo nga. Kinakaawaan mo ba si Key gaya ng awang nararamdaman mo para sa akin ngayon? O naawa ka ngayon sa kanya dahil ayaw mong maulit 'yong nangyari noon? Noong hindi mo ako kinaawaan?"

Once Upon A Promise ✔️ (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon