14

13 2 0
                                    

Hindi niya sinunod ang sinabi ko, hinigpitan ko ang hawak sa unan nang bigla niya akong yakapin.Naestatwa ako at pinakiramdaman siya.Rinig na rinig ko ang bilis ng tibok ng puso ko na tila nakipag-bugbugan ako, mabilis at malakas. Gaya ng akin ay nararamdaman ko rin ang kanya, ang nakakatawang isipin na parehong nanggaling sa bardagulan ang mga puso namin.

Para silang nagkakaisa sa pagtibok.

Ilang minutong katahimikan ang nanaig sa amin. Ngunit biglang nagiging mabigat ang paghinga niya hanggang sa banggitin niya ang mga salitang...

"I-I'm so sorry."

Tumulo ang luha sa mga mata ko dahil sa sobrang hina ng boses niya na parang bulong na lang.

'Fuck, what's happening?!'

Wala pa siyang paliwanag pero bakit umiiyak na ako? Ayaw kong ilihim pero talagang na miss ko siya, iyong presensya niya, lahat ng mayroon siya namimiss ko!

"I'm so s-sorry for promising that I won't leave you the day your father died but I did," saad niya.

Tumulo ang daloy ng luha ko ng walang preno, pinigilan ko pero mas lalo lang akong nakagawa ng ingay. She tighten her grip as I tighten mine. She has a choice back then, to follow his goddamn boyfriend or to stay with her best friend, however she chose him. The guy who only hurt her and left her unfix. We were young and naive, we both made a mistake. But hers is not big as mine. She stay at US where her family lives, we lost communication and I did resent.

"Akala ko, do'n ako sasaya. Patawarin mo ako kung sarili ko lang ang inuna ko noon, nakalimutan kita. Hindi ko naisip ang mga mararamdaman mo, na baka maintindihan mo ang desisyon ko pero nagkamali ako.You hate me Alex,"

Kinagat ko ang labi para pigilan ang hikbi, ayaw kong umiyak. Ayaw kong maging mahina, ayaw kong makita ang awa sa mga mata niya, ayaw kong ako na naman ang naaapi, ang nasasaktan.

"Kailangan mo ng masasandalan nang mga panahong iyon pero naroon ako hinahanap ang walang kwentang tao, tinatahak ang maling daan. I really feel so bad because you were always there for me and I wasn't, that was pitiful."

Marahas kong tinanggal ang kamay niya na nakayapak sa akin at umupo ng tuwid. Pinunasan ko ang mga luha sa mata at matapang na tumayo.Puno rin ng luha ang mukha niya. Puno ng lungkot, galit, pagsisisi at awa sa mga mata niya.

'Awa! Na naman!'

"I don't need your pity."

Lalabas na sana ako nang tinakbo niya ang pagitan namin ng kama at niyakap ang binti ko.

"Ouch!" malakas kong hiyaw dahil niyakap niya ng mahigpit iyong pasa ko.

"W-What happened w-with your leg?" tanong niya pero hindi ko siya sinagot.

Itinayo ko siya at nagulat ako nang yakapin niya ako sa leeg. Masyadong mahigpit pero nakakataba ng puso, this is the first time we hug facing each other after 3 years of being parted.

"Now get off," I said but she won't.

"C-Carry m-me," masakit man ang binti ay ginawa ko ang gusto niya para matigil na siya.Maliit pero malaman, napakabigat naman ng babaeng 'to!

Pinatay ko ang ilaw at tanging dilim lang ang nanakop. Umupo ako sa kama habang siya ay naka-upo na sa hita ko. Niyapak ko ang baywang niya at pinahinga ang baba sa balikat niya.

"Now, tell me anything."

Once Upon A Promise ✔️ (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon