6

66 0 0
                                    

“Kausapin mo naman ako, Alex.”

Tumayo ako, inayos ko ang palda at unipormeng nagkaroon ng gusot saka siya hinarap, nilagay ko sa isang bulsa ang kamay ko habang ang isa ay nilalaro ang ilang hibla ng buhok ko.

“Dalian mo,” utos ko.

Ang tinging blangko na binibigay ko sa kanya ay nawala na parang bula dahil sa pagtulo ng mga luha niya. Nahihirapan man ay nilunok ko ang laway, umupo siya sa tabla at humagulgol. Iniwas ko ang tingin, lumayo ako ng kaunti sa kanya dahil ayaw ko siyang makitang mahina at nasasaktan.

‘Tangina! Ikalawang beses mo na ito Alex!’

“Alex am I deadly? Virus ba ako o kaya may tuko? Bakit mo ako iniiwasan na parang may malalang sakit? Gusto ko lang namang humingi ng tawad ah, bakit parang ang layo-layo mo na?” sunod-sunod nitong tanong.

Hindi ako makasagot dahil tila may nakabaradong bato sa lalamunan ko, hindi ko alam kung anong nangyayari sa'kin at bakit hindi ako makasagot! Pagkakataon ko na 'tong sumbatan siya pero hindi ko magawa. Parang ako kasi 'yong masasaktan para sa kanya.

Patuloy lang siya sa paghagulgol, binalak kong umalis pero nagdadalawang isip ako. Masama na akong tao, nagbago ako sa pag-aakalang tama na gawin iyon. Hindi ko man gustong gawin ay umalis ako ng walang ingay, walang maririnig na yapak o ni hininga wala. Paniguradong hindi niya iyon napansin dahil nakalagay ang dalawa niyang kamay sa mata niyang patuloy sa pagtulo ng luha.

Pumasok ako nang deretsyo sa loob ng room at kinuha ang gamit, wala ako sa sariling umalis ng paaralan at umuwi.

Sunod-sunod ang tawag ni Cole at Hester sa numero ko pero pinapatayan ko lang sila. Binuksan ko ang gate at bumungad sa akin ang Nanay kong nagdidilig ng halaman. Bumagsak ang mga balikat niya nang makita ako, nginitian ko siya ng mapait saka lumapit para yumakap pero lumayo siya.

“Bakit ka nag-cut?!” Pulang-pula ang mukha niya at parang bulkang gusto nang sumabog.

“Masakit ang ngipin ko Mamsh,” pagrarason ko, tinaasan niya ako ng kilay pero binigyan ko lang siya ng pagod-look.

Hindi ko na inantay kung ano pa man ang gusto niyang sabihin, pumasok ako sa banyo at nagbabad sa tubig.

“Alex may virus ba ako, may tuko? Bakit mo ako iniiwasan na parang may malalang sakit? Gusto ko lang namang humingi ng tawad ah, bakit parang ang layo-layo mo na?”

Mapakla akong natawa habang basa ang katawan na nahiga sa kama.

‘Tawad? Nagjo-joke ba siya? Sa tingin niya ganon lang kadali ang lahat ng iyon?! Sa tingin niya isang sorry niya lang mawawala na iyong sakit?! Desisyon niya iyon, hindi ng oras o tadhana! May pinagpiliian siya at pumili na! Tapos na, hindi na maibabalik. Siguro oo, malayo na ako. Hindi na ako iyong batang umaasa, iyong ulilang naghahanap ng masasandalan. Hindi na ako iyong mahina na inaapi, hindi na ako manlilimos ng isang kaibigan.’

May sarili naman ako na noon pa man ay kaibigan ko na.

Ayaw ko siyang saktan, ayaw ko siyang paiyakin gaya ng ginawa niya sa'kin pero bakit parang hindi tama ang lahat? Bakit nasasaktan ko pa rin siya kahit hindi ko na siya kasama?!

Once Upon A Promise ✔️ (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon